CHAPTER 31

4.3K 132 58
                                    

ALYSSA

Hindi ko alam kung saan ako titingin hindi ko kayang tignan si Tita Mozzy. Alam ko nasaktan namin siya.

"Mama please calm down." Dani said and hug tita Mozzy. "Hayaan muna natin silang magpaliwanag."

"Tama si Dani. Walang naaayos na problema kapag pinapairal ang init ng ulo." Tito Bong said.

"Tita?" I said and Tita Mozzy just looked at me seriously. 

"Wala akong pinakitang masama sayo Alyssa. Tinanggap ka namin sa pamilya namin ng buo." Sabi niya at hindi ko na mapigilan na maiyak sa sinabi niya.

"Ma? Please huwag naman ganito oh! Magpapaliwanag kami pero please lang kumalma ka muna.

"Ma calm down na kasi please po." Dani said habang inaalalayan si Tita Mozzy na umupo.

"Now! You two talk. Wala akong panahon sa mga kasinungalingan niyo ha." Sabi niya at napaupo naman kaming dalawa sa harapan niya.

"It's true. She's my wife." Kiefer said. At narinig ko ang pagsinghap ni Dani.

"Oh my gosh!" Sabi ni Dani at napatakip pa sa bibig niya.

"You've been married for three years and you didn't tell us. Bakit? Ilang beses na tayong nagkakasama ah. Marami kayong time para sabihin sa amin pero hindi niyo ginawa." sigaw niya sa amin.

"Tita... Ako po ang may ayaw na sabihin sa inyo ang tungkol sa kasal namin. It was my fault wala pong kasalanan si Kiefer. You see, it was a marriage of convenience." Tuloy tuloy kong sabi.

"Ako po ang nag-obliga kay Kiefer dito, ako po ang dahilan kung bakit kami kinasal." sabi ko pa at nararamdaman ko na paghawak ni Kiefer sa kamay ko. "I had no choice that time. I was bound by my grandparent's will. At swerte din po kasi Kiefer needs the land badly."

"So it's not a real marriage. A marriage without love?" Tito bong asked me.

"Kung hindi to totoo? What's the point of staying with each other. What are you still doing here!?" Tita Mozzy asked me.

"Ma we fe--." hindi ko na pinatapos pa si Kiefer.

"I had to stay here, I had to stay with kiefer so I can get an annulment." Sabi ko at yumuko ako. Gusto kong malaman nila ang totoo, ayon naman talaga ang tunay na dahilan kung bakit kami nagkasama ni Kiefer noon.

Napasinghap si Tita Mozzy sa narinig. "Bong, she's asking for an annulment. Hindi ko na alam ang iisipin ko." Sabi niya at niyakap naman ni Dani si Tita.

"Not anymore. Hindi na kami maghihiwalay. In fact we want to renew our marriage here in the Philippines." sabi ni Kiefer at hinawakan ang kamay ko.

"Kiefer she's asking for annulment at alam nating lahat na wala sa pamilya natin ang ganito. Marriage is a sacred thing for this family." sabi ni Tita Mozzy at tinignan ako

"Alam ko po tita. Ayaw ko pong ma-disappoint kayo kay Kiefer." Sabi ko at napatingin naman sa akin si Kiefer lumawag din ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Alam ko po na wala sa pamilya niyo ang sumisira nito kaya magpapakasal po kami ulit." Sabi ko hinihintay ko si kiefer na dugtungan ang sinabi ko na sabihin niyang importante ako na mahal niya ako pero wala nakatingin lang siya sa akin.

"Hija nakalimutan yatang sabihin sayo ni kiefer na gusto namin yung taong mahahalin ang anak namin. Kiefer give her what she wants." sabi ni Tita at tumayo na.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now