CHAPTER 42

6.7K 173 29
                                    

~~~~~

"How much do you love me po Mommy?" Lia asked me habang nagbabalat ako ng apple para sa kanya.

"I love you more than I love myself." I said na napapangiti pa.

"And more than you love Daddy po?" Lia asked me. Narinig ko naman ang pagtawa ni Kiefer na nakaupo sa kama ni Lia.

"Know what baby?" Kiefer said. "Your Mommy is a pabebe she will not answer your question."

Humagikhik na naman si Lia sa sinabi niya. "Ravena huwag mong turuan ng kung ano ano ang anak natin ha." Sabi ko at nilagay na sa plates ang hiniwa ko.

"Totoo naman yun Misis eh." Sabi niya at kinuha sa akin ang dala ko. Naupo naman ako sa kama ni Lia at ngumiti sa akin ang anak ko.

Kinuha ni Kiefer ang isang ubas at sinubo ito kay Lia. Nagulat pa ako ng pilit inaabot ni Lia ang ulo ni Kiefer.

Nilapit ko din ang ulo ko sa kanilang dalawa.

"Daddy I want Chocolate cake please po." Bulong  niya sa ama niya.

"Lia no." Sabi ko sa kanya.

"Mommy please, 3 lang na kagat please po." Sabi niya sa akin.

"Ly pagbigyan mo na yung anak natin." Sabi ni Kiefer sa akin.

"Ayan! Sige pagtulungan niyo akong dalawa. Basta it's still a no Athalia. Diba sabi ni Tita Dani dapat puro healthy foods muna. Baby huwag ng makulit." Sabi ko tumango naman siya sa akin. "At ikaw huwag mong gagawin na spoiled tong anak ko ha." Sermon ko kay Kiefer.

Ayaw kong lumaki si Lia na spoiled kaya nung nasa Brussels kami kapg may gusto siya kailangan magiging mabait muna siya. Mas gusto ko na yung alam niya kapag sobra na at kailangan ng tumigil.

Tumawa naman si Kiefer at niyakap ako. "Natin Alyssa. Anak natin si Lia. At kanina niya pa yan hinihiling sa akin eh." Sabi niya sa akin. "Baka kapag narinig mo ang isa pang request ng anak mo sa akin baka mas lalo ka ng magalit."

Kumunot ang noo ko at tinulak siya ng mahina. "What request?" I asked him confusion is really evident in my face. Alam ni Lia na ayaw ko sa lahat yung may pinipilit siya na isang bagay.

"Baby brother." Napatigil naman ako sa sinabi niya.

"See? I told you hindi mo talaga kakayanin eh." Sabi niya at bumitaw na sa akin.

Hinampas ko si Kiefer sa braso at inirapan pa siya. "Hindi ako naniniwala sayo Kiefer ha. Pati yung bata sinasama mo dyan sa mga kalokohan mo."

"Seryoso kasi sakanya kaya galing yun Ly. Ayaw ko naman na malungkot ang anak natin kaya pagbigyan na natin."

What the!!!

"Daddy kailan tayo uuwi?" Tanong ni Lia sa amin.

"Malapit na anak. Pangako ni Daddy yan. Gusto mo ba magbeach?" Kiefer asked her.

"Beach?" Sabi niya na nakangiti ng ubod tamis. "Yes daddy please."

Niyakap ni Kiefer si Lia at nagtawanan pa silang dalawa. Napangiti naman ako sa nakita ko.

Nung nagising si Lia at nakita niya kami ni Kiefer hindi ko alam kung titigil ba ako sa pag-iyak at tatawanan si Kiefer.

Sa sobrang saya niya hindi na siya mapakali at pabalik balik na siya sa nurse station para magtanong. Sa nakalipas na ilang araw masasabi kong mahal ni Kiefer ang anak namin. Kapag may gusto si Lia talagang gagawan niya ng paraan para lang maibigay ito. 

Tumayo ako at naghugas ng kamay. Paglingon ko sa kanila. Nakahiga na din si Kiefer sa kama ni Lia. At nagkukwentuhan na sila naririnig ko pa ang hagikgik ni Lia.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon