CHAPTER 23

6K 146 41
                                    

ALYSSA

Pagkarating namin sa restaurant umorder kaagad si Ella ng mga gusto niya.

"Kief? Sure kang libre to ha? Kasi sinasabi ko sayo wala akong dalang wallet ngayon, dala ko lang ang sarili ko." Ella said and I can't help but to smile. Kanina lang sila nagkausap pero sobrang close na kaagad tong dalawa na to.



"Hindi ako pumapayag na babae ang magbabayad ng kakainin ko Ells kaya huwag ka mag-alala ako magbabayad ng lahat ng order mo." Sagot ni Kiefer dito.


"Kief, kawawa ka promise! Sobrang takaw nyan ni Ella malamang mag take out pa yan bahala ka basta binalaan kita ha." Sabi ko at tinitigan ako ni Ella ng masama.



"Besh, bibig mo ha. Umayos ka!!" Sabi ni Ella sa akin. "Nako! Kiefer! Huwag kang maniwala dyan sa asawa mo ha. Sa aming dalawa mas matakaw siya, buti nga nagtyatyaga ako sa luto niyang minsan sobrang alat at minsan walang lasa. Ang buti kong kaibigan diba."



Tawa naman ng tawa si Kiefer sa sinabi ni Ella. "Parehas lang naman kayong matakaw eh. Talagang magkaibigan nga kayo eh."



Hindi ko na din mapigilan na tumawa sa sinabi niya. Maya maya lang dumating na ang order namin and true enough ang dami ngang inorder ni Ella. Amg dahilan niya para daw sa aming tatlo. Baliw talaga.



Nagbibiruan kaming tatlo ng biglang may tumawag kay Kiefer.



"Kief? Paps?" Sigaw nito at nagulat ako sa nakita ko. Dahil magkatabi kami ni Kiefer hindi pa nakikita ni Ella kung sino ang bagong dating.



"Luigi? Bro. Kumusta na? Ang tagal mong MIA sa barkada ah." Sabi ni Kiefer at tumayo siya.


Napatingin na ko kay Ella at napatigil din sa pagsubo ng pagkain niya. "Besh...." I whispered.



"Masyado akong nag-enjoy sa paglibot sa iba't-ibang bansa, Kief. Nakalimutan ko yata kung paano bumalik dito sa Pinas." Sabi ni Luigi na natatawa pa.



"Ano ba kasing nangyari sayo? Bigla bigla ka lang hindi bumalik nung pumunta ka sa hongkong sabi mo sandali ka lang doon tapos malalaman namin na pumunta ka na sa ibang lugar." Sagot ni Kiefer.



"Kief nga pala pakilala mo naman ako sa mga kasama mo. Hayop ka talaga eh dalawa kaagad." Sabi ni Luigi kay Kiefer na hatalang iniiwasan ang tanong.



"Gago!! By the way this is my girlfriend, Alyssa Valdez." Sabi ni Kiefer at hinawakan ang kamay ko.


"Teka, kilala kita eh." Sabi nito at nakahawak pa sa noo niya. "Alyssa? Yung model sa Europe." Sabi pa niya at nakangiti na sa akin ng malapad.


Ngumiti lang ako ng maliit sa sinabi niya.



"Hanep ka talaga, Paps. Girlfriend mo pala, paano kayo nagkakilala? Nako! Alyssa kung ako sayo hiwalayan mo yan playboy yan sasaktan ka lang niyan." Sabi pa ni Luigi sa akin.


"Hoy! Hoy! Anong pinagsasabi mo dyan. Hindi ako ganon no. Ito pala si Ella, bestfriend ni Alyssa. Ells, kaibigan ko si Luigi Altamirano." Sabi ni Kiefer at nakatingin kay Ella na nakayuko lang.



"Besh......" Sabi ko at sinipa siya ng mahina sa ilalim ng mesa namin.



Inangat naman ni Ella ang mukha niya at tumingin kay Kiefer. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Luigi nang makita niya si Ella.


"Ella?" Sabi niya dito na medyo naguguluhan pa.



"Hello." Tipid na sabi ni Ella dito at nagpatuloy na sa pagkain.



Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now