CHAPTER 34

4K 136 44
                                    

~~~

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang buhay namin dito sa Brussels ay puro mabilisan lang. Lalo na at puro trabaho namin ang inaatupag namin talagang mabilis lang ang lahat.

Dumating ang buwan ng December. "Besh! Pasensya ka na ha hindi na ako nakabalik ito kasing si Luigi ayaw na ako paalisin eh." Si Ella. Magkausap kami ngayon sa facetime. Hindi pa siya bumabalik dito since nung alis niya last October.

"Okay lang besh. Kaya naman namin ni Wilna dito." Sabi ko habang nagpupunas ng buhok. "Ikaw kumusta ka dyan? Kumusta ang Pinas?"

"Okay lang ako besh. And Manila is still the same. Mapapamura ka sa sobrang lala ng traffic." Sabi niya at umiirap pa.

Tumawa naman ako at nagpasya na bumaba na. Lia's watching her favorite cartoon kasama niya si Wilna.

Nagdiretso ako sa kitchen at inayos ang mga gagamitin ko para sa paggawa ng pancakes.

"Besh what's that?" Sabi ni Ella na sinisilip ang ginagawa ko.

"Pancakes besh. Nag request si Lia at Wilna kanina. You want some?" I teased her at umirap naman ang magaling na babae.

"Uwi na yata ako. Ginugutom ako ni Luigi dito." Sabi niya at tumawa naman ako.

"Wow ha! Pumapayat ka pa nyan. Hirap na hirap na nga ako sa pag-aadjust ng wedding gown mo eh." sabi ko at natatawa ako sa itsura ni Ella.

"Gaga ka!!" Sabi niya at nagsimula na akong mag-mix. "Pero seryoso na kasi besh eh umayos ka ha. Nangako ka ng best wedding gown sa akin." Sabi niya pa.

"Yes pows!" Sabi ko at pumunta na sa stove para magsimula na.

"Babe? Sino tong Athalia na flower girl natin?" Si luigi at halos takbuhin ko ang papunta sa phone ko para patayin.

Pero too late na nakita na niya ako. Papatayin na sana ni Ella pero nahablot na kaagad ni Luigi. "What the fuck!! Alyssa!!?" Sigaw niya at tinignan ako ng maigi. "Damn it! Ang tagal ka na namin hinahanap! Nasaan ka?" Sabi niya at nakatulala lang ako sa kanya.

I heard Ella said something. "Babe? Akin na yung phone please." si Ella at na pilit na kinukuha ang phone niya.

Tinignan naman siya ni Luigi. "You lied to me Ella." Seryosong sabi ni Luigi.

"I don't have a choice. Mas mahalaga si Alyssa." Sagot ni Ella at napahawak na ko sa ulo ko.

Nag-aaway na sila.

"Kahit na! Alam mong matagal na namin siyang hinahanap. Problemado na din kami sa paghahanap sa kanya tapos yung girlfriend ko pala alam kung nasaan siya, at all this time nagsisinungaling siya sa akin. Wow!! Just Wow!!" Sigaw ni Luigi

I cleared my throat. Napatingin naman silang dalawa sa akin. Pilit ni Ella kinukuha ang phone pero ayaw talaga ibigay ni Luigi.

"Ahm... Hi Luigi." I said at narinig ko naman ang sunod sunod na pagmura ni Luigi.

"Ikaw nga!" Sabi niya at nagmamadaling kinuha ang cellphone niya.

"Go on call him but I will cancel our wedding." Ella said at hindi ko naman mapigilan na mapangiti.

Baliw talaga tong si Ella.

"Are you serious?" Luigi asked her.

"Mukha ba akong nagjojoke ha?" Tanong ni Ella at kinuha na ang phone niya.

"Ly? San ka nyan? San ka nagpunta?" Tanong ni Luigi na pilit sinisingit ang mukha niya sa phone.

"Dyan lang." Sagot ko at nag-mix ulit.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ