CHAPTER 30

4.8K 143 26
                                    

ALYSSA

Pagkalapag pa lang ng eroplano namin sa Manila ay pinili namin ni Kiefer na dumiretso sa Boutique.

Kanina pa masakit ang ulo ko. At alam ko nararamdaman ni Kiefer ang bigat ng nararamdaman ko.

"Babe." Sabi niya tapos hinawakan ang kamay ko. "Pwede naman siguro natin siyang harapin mamayang hapon diba? Hindi ka naman nakapagpahinga sa eroplano."

"No. I'm okay, Kiefer." Sabi ko na nakangiti sa kanya.

Ang papunta sa boutique ay mabilis lang. Siguro dahil na din sa kabang nararamdaman ko. "Babe? Nagugutom ka ba?" I asked Kiefer.

"Hmm. Hindi naman Babe. Bakit ikaw? You want something?" Tanong sa akin ni Kiefer.

"I want cupcakes, Kief. Can you buy me some?" I asked him. Sana pumayag ayaw kong makita niya ang Tita at pinsan ko. Dahil kung anong ayos ng pamilya niya ganon naman kagulo sa akin.

"Let's buy some muna?" Sabi niya na hahatakin na sana ako pabalik sa car pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Kailangan ko ng harapin ang tita at pinsan ko Kiefer. Sige na sumunod ka na lang ha." Sabi ko sa kanya at ngumiti ng matamis.

"Okay, then! I love you." Kiefer said and kissed me on my lips. Tapos hinalikan niya din ako sa noo.

Nagsimula akong maglakad papunta sa opisina ko at nakita ko ang nagaalalang mukha ni Daesy. "Alyssa? Sorry ha nagulo ko yata ang bakasyon niyo? Ang tita mo kasi eh." Sabi niya sa akin.

"It's okay, Dae! Sige na go back to work. Nasa loob sila? Did you offer refreshments?" I asked her. I have a feeling na pinahirapan nila si Dae.

"Yes Ly, pero sabi nila Starbucks coffee lang daw ang iniinom nila. Feeling mayaman." Napailing naman ako sa sinabi.

"Pero mayaman naman kasi sila talaga Dae. Remember pagala gala na lang sila sa iba't-ibang bansa." I said trying to make the situation light.

"O sige, feeling pretty na lang hindi naman pretty. Oh sige sabihin mong hindi to totoo. Minsan huwag tayong masyadong mabait Alyssa. Kaya nagagalit si Ella sayo eh." Sabi niya na nakangiti sa akin.

"Baliw ka talaga Dae."

"And Ly yang tiyahin mo pagsabihan mo kung makaasta dito akala mo boss din namin siya. Nakakasira ng araw." Sabi niya na nakataas pa ang isang kilay. Ngumiti naman ako at nagpaalam na papasok na.

"Finally!! Ang tagal mo Alyssa." Bungad kaagad sa akin ni Tita Editha.

"I'm sorry tita. May kailangan lang pong asikasuhin." I said at nagulat pa ako na nakaupo si Eury sa swivel chair ko.

"May kailangan ayusin or may kalandian lang. I've heard about you and the famous bachelor Kiefer Ravena. And oh dear cousin! Ang brainy mo doon. Sure na ang future mo kay Kiefer." Sabi niya na nakangiti sa akin.

Hindi ko siya pinansin at naupo lang sa couch ko dito kaharap si Tita Editha. "Tita? What brings you here po?" I asked her. Nagulat pa ako sa pagngiti niya sa akin.

"Hija, we have a problem." Sabi niya at parang nararamdaman ko na kung ano ito. Nawala ang ngiti ko at tumingin sa kanya ng seryoso.

"Naloko kami ng business partner namin Alyssa. Nag-invest kami pero sa huli tinakbo niya lang pala ang pera namin. Walang wala na kami ng pinsan mo hija. Ang ticket pabalik dito sa Pilipinas ang huling pera namin."

Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagkuwari na may tinitignan na kung ano sa cabinet ko.

"Alyssa wala kaming matitirahan ng pinsan mo. Pwede bang matulog muna kami sa condo mo. Alam mo naman na hindi sanay si Eury sa mga maliliit na hotel diba." Sabi niya pa sa akin.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now