Chapter 52: Break up?

4.2K 130 27
                                    

Joaquin's Point of View

Hinihintay ko na makabalik si Ansherina dito sa room. Limang minuto nalang at matatapos na ang lunchbreak ngunit wala pa siya, kinuyom ko ang isa kong kamao. Kapag talaga may nangyaring masama kay Ansherina, hindi na makakauwing buhay pa 'yung Hunter na 'yon. Ang lakas ng loob paki samahan ang girlfriend ko, what a bullshit.

"Oh bro? Kanina pa nakakulutong 'yang noo mo ah." Natatawang sabi ni Dexter, hindi ako nagbaka sakali na lumingon pa sa kanya. Ayoko ng madagdagan pa ang pagka-badtrip ko ng dahil lang sa mukha ni Dexter.

"Ulol."

"Pfft. Paano ba naman kasi sabay na nag-lunch si Ansherina at si Hunter, ayan tuloy bad mood." Ang sabi ng pakialemerong si Ken. Hindi ko nalang sila pinansin at kinuha ang cellphone ko sa bulsa.

Agad kong ni-dial ang phone number ni Ansherina. Ngunit, nakaka-apat na tawag na ako hindi pa din niya ito sinasagot.

"Kapag hindi mo pa ito sinagot, malilintikan ka talaga sakin." Bulong ko pagkatapos kong pindutin ang call button.

Para naman akong nabunutan ng tinik ng makita ko na sinagot na niya ang tawag ko sa kanya.

"Ansherina." Mariin na sabi ko. Matagal bago ito sumagot.

["Bakit ka tumawag?"] Para naman akong natigilan dahil sa lamig ng boses niya. Ramdam ko ito kahit na sa telepono ko lang siya kausap.

"I have the right to call you, Ansherina. I'm your fvcking boyfriend! Hindi mo ba iniisip na nagaalala ako sa'yo? Nasaan ka? Pupuntahan kita."

["No need, Joaquin. Hindi na ako bata para magalala kapa. Alam ko na kung ano ang mga ginagawa ko."] Hindi agad ako naka sagot sa sinabi niya. Natigilan ako at napahilamos ng mukha.

"Boyfriend mo ako, Ansherina. Sabihin mo na sa akin kung nasaan ka."

["Let's break up."]

Tangina. Hindi na ako nakasagot pa dahil pinatay na niya 'yung call.

"FVCCCCKKK!" Sa sobrang inis ko naihagis ko na 'yung cellphone ko. Lahat ng mga kaklase ko ay nagtinginan sa akin. Agad naman akong nilapitan nina Dexter at Ken.

"Napano?" Nagaalalang tanong sa akin ni Ken. Hindi ko siya sinagot at iniwan ko sila doon.

Shit. Ansherina. Why are you doing this to me?

--

Nilagok ko ang isang bote ng beer sa harapan ko. Naramdaman ko naman na may humawak sa braso ko, tinignan ko siya.

Sumayaw-sayaw ito sa harapan ko at hinawakan pa ang mukha ko. Hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya dahil na din sa sobrang kalasingan ko, pero aaminin ko na gusto ko ang ginagawa niya.

"Don't stop, honey." I whispered. Nagulat ako ng bigla niya akong sunggaban ng halik, ang init niya. Kumalong ito sa aking at hinawakan ang batok ko.

"Wanna make fun, baby?" She said. I smirked.

"Why not." Binigyan niya ako ng isang halik bago niya ako hilahin kung saan. Hindi ko alam kung sino siya, hindi ko mahitsuran ang mukha niya. Sobrang labo na ng paningin ko.

Namalayan ko nalang na nakasakay na pala kami ng kotse. After a few minutes, naramdaman ko na binaba niya ako ng kotse. Pagkatapos pa ng ilang minuto naramdaman ko na nakahiga ako.

"Kiss me." Ungol ko sa babaeng sumasayaw-sayaw ngayon sa harapan ko, nilapitan niya ako at hinalikan. Tumugon ako sa mga binabato niyang halik sa akin.

Naramdaman ko na inaalisan niya ako ng damit, so i did the same way. I removed her dress, I also un-hooked her bra. And now, she's half naked.

I felt mine into her, before everything went black.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now