Chapter 40: Issue

9.7K 347 64
                                    

Joanna's Point of View

Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hinayaan ko na mangyari 'yun? Bakit hinayaan ko na tawagin akong sinungaling ni Zane? Bitch please. Ako pa talaga ang sinisi niya? Eh nauna naman 'yung fiancee niya. Tss! Akala mo naman kung sinong matino. Tapos sabi niya, bakit pa daw niya ako nakilala? Aba! Siya nga itong nangunguna eh, grabe ah.

"I told you, malandi siya." Tumingin ako sa babaeng nagsalita sa may harapan ko. Nasa cafeteria ako ngayon at kumakain magisa.

Inirapan ko nalang sila. Alam ko naman na ako ang pinariringgan nila dahil ang sama ng tingin nila sa akin. Pssh, edi sila na ang malinis. Naku.

"Nagmamaganda kasi eh, hindi naman maganda." Saad pa ng isa. Hindi ko nalang sila pinansin at tinuon ko nalang ang atensiyon ko sa pagkain ko. Ayokong pumatol sa mga hindi ko ka-level, pssh.

"Hays! Oo nga eh. Baka nga hindi na siya virgin! Ewwww!" Sinara ko ang dalawa kong kamao sa sinabi nila, nilakasan pa talaga nila ang salitang 'virgin' at nakatingin sila sa akin.

Kalma, kalma lang Joanna.

Ayoko silang patulan because I have two fvking reasons.

First, i'm to classy to deal with their trashy attitude.

Second, i'm too high to get down on their standards.

/flips hair/

"JOANNA!"

Tumingin ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Ansherina at Andrea. Hingal na hingal sila habang papalapit sa akin.

"Gosh. Okay ka lang ba Joanna?"

"May masakit ba sa'yo?"

"Humanda talaga sa akin 'yung Jill na 'yon kapag nagkasalubong kami ng landas!"

"Hoy babae! Okay ka lang ba? Bakit hindi ka sunasagot?!"

Napahilamos nalang ako ng mukha gamit ang kamay ko.

"Ang OA niyo. Okay lang ako, ano ba! Kaya ko ang sarili ko noh, tss."

"Kaya mo sarili mo? Naku girl, alam mo ba ang bagong tsismis tungkol sa'yo?" Tanong sa akin ni Andrea. Umiling lang ako, may bagong tsismis na naman? Mga walang magawa sa buhay ang nagkakalat sa mga tsismis na 'yan.

"Ano ba?" Tanong ko. Iniabot ni Ansherina sa akin ang isang papel.

Tinignan ko ang papel. Para gusto kong maiyak sa nakita ko.

"ISA KA DAW HALIPAROT, MALANDI, AHAS, AT MANGAAGAW NG FIANCEE. KALAT DIN SA SCHOOL NA NAGDADALANG TAO KA, AT SI ZANE ANG AMA. NALAMAN NA DIN NG DEAN ANG TUNGKOL DITO AT PINAPATAWAG KA NG DEAN NGAYON. KINAKABAHAN AKO SA MAAARING MANGYARI."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Ansherina. Sumosobra na ata ang nagkakalat ng mga tsismis na 'yan, ako buntis? At si Zane ang ama? T*ng*na naman.

Tumayo ako.

"Mauuna na ako." Sabi ko at nagmadaling tumakbo papuntang Dean's office.

Kailangan kong masabi sa kanya ang totoo. Lalo na't Dean's lister pa naman ako, ayokong masira ang magandang imahe ko sa school. Sabagay, nasira na pala. Sirang-sira na. This is so frustrating ugh. Paano nalang kung malaman ni mommy ang nangyayari sa akin dito sa school? Shit. Ipapatapon na naman niya ako sa Belgium kasama ang napaka sungit kong Tita at ang maldita niyang mga anak. Ang sarap maglaho na parang bula, what a life.

Pagkarating ko sa tapat ng dean's office ay agad akong pumasok sa loob. Hindi na pumasok sa utak ko na kumatok pa, nawala na sa bokabularyo ko 'yon.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now