Chapter 39: Liar

9.8K 351 56
                                    

Joanna's Point of View

Kanina pa ako nakabusangot habang naglalakad patungo sa school. Paano ba naman kasi, itong si Zane sinundo ako ng maaga sa amin. Gusto niya sabay kaming pumunta sa school, papayag naman sana ako eh, ang kaso nga lang gusto niya maglalakad kami. Tumanggi ako, pero sabi ni Mommy para naman daw ma-exercise ako kahit konti kaya pinalakad na din ako.

Tinignan ko si unggoy. Aba! At naka ngiti pa siya ah.

"Hoy unggoy." Asar na tawag ko sa kanya. Kaya tumingin ito sa akin at parang baliw na naka ngiti.

"Bakit Maria?"

"Huwag ka ngang ngumiti diyan, napipikon na ako sa'yo ha! Kung sumakay na lang sana tayo ng kotse, edi nasa school na tayo ngayon! Anong mapapala natin ngayong naglalakad tayo ha? Unang-una pagkarating natin sa school sobrang haggard na ng hitsura ko. Pangalawa, male-late tayo. Pssh, ang dami kasi ng mga kalokohann na alam mo eh. G*go."

"Pfft hahahahaha! Chill. I have an idea."

"Ano naman? Naku kung kalokohan lang, wag na! Pssh."

"Relax ka lang. Grabe! Kung alam ko lang din na ganito ka pala ka reklamo pinaglakad nalang kita magisa mo."

Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi. Pinaglakad niya ako ng magisa? Anong ibig sabihin nito?

"Anong ibig mong sabihin ha?"

"Tss. Slow ka din pala! Magla-lakad ka tapos magko-kotse ako!"

ABA. T*NG*NA.

"Bahala ka diyan, buiset." Inunahan ko na siyang maglakad pero bago ko siya unuhan ay tinulak ko siya.

"Hoy Maria! Magji-jeep ako, bahala ka." Rinig kong sigaw niya.

"Edi mag jeep ka!"

"OKAY! USO PA NAMAN MGA RAPIST NGAYON. BYE!"

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya.

Rapist?

Gosh.

Paano nalang kung ako lang magisang maglalakad? Tapos biglang may hihila sa akin. Isasakay ako sa isang van tapos gagawin akong prostitute, omg. O kaya pwede din naman idadala nila ako sa talahib tapos doon ire-rape. Tapos sasaksakin nila ako, aalisin mga bituka ko, tutusukin mga mata ko, babaliin leeg ko, papasuin ako ng sigarilyo, bubunutin mga kuko ko, tapos pupugutin nila ulo ko. Sa huli, mamamatay ako.

Shit.

"H-HOY ZANE! SANDALI LANG!" Sigaw ko. Nakita ko siya na naglalakad na papalayo sa akin. Grabe! Ayokong ma-rape noh.

"HOY UNGGOY!"

Huminto siya sa paglalalad at tumingin sa akin. Nakangiti siya sa akin ng nakakaloko, pssh. Ang lakas talagang mangasar ng unggoy na 'to.

"Ano?" Nakangiting tanong niya at nilapitan ako.

"Sasama na ako sa'yo hehe. Magjep na tayo."

"Pfft. Takot kang marape? Hindi mo ba alam na rapist din ako?" Nakangising tanong niya sa akin. Pssh.

"Ewan ko sa'yo ha! Paano ba mag para ng jeep ha? Dalian mo at baka malate pa tayo."

Sakto at may paparating na jeep. Bigla niyang in-extend ang kamay niya at ginalaw ang isa niyang daliri, maya-maya tumigil ang jeep sa harapan namin.

Wow. Ganun pala magpara ng jeep? Ba't kaya marunong siya? Sa pagkakaalam ko ay mayaman din ang pamilya ni Zane eh.

Pumasok kami sa jeep. Medyo kulob at maalinsangan. Tapos ang awkward! Lahat kasi ng tao nakatingin sa amin nang makapasok na kami sa loob. Magkatabi kami ni Zane, nasa may tabi siya ng pintuan.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now