Chapter 44: New Friend

6.3K 209 19
                                    

Andrea's Point of View

Nakatulala lang ako dito sa condo ko, wala kasi akong magawa e. Naiinip na ako ng bongga, gusto ko sanang mag mall kaso tinatamad akong mag mall ng magisa, for sure naman kasi na busy si ansherina.
Nagulat ako ng makarinig ako ng katok sa pintuan ng condo unit ko, wala naman akong inaasahan na bisita ah? Sino naman kaya itong kumakatok na 'to? Nagtungo ako papunta sa pinto at binuksan ito. Napatulala na lamang ako ng makita ko kung sino. 'Yung lalake kanina na akala ko rapist! Nahiya tuloy ako bigla, napaka assuming ko nga naman! Ihhh! Ayoko na maalala.

"B-bakit?" Mautal-utal na tanong ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla niyang iharap sa akin ang isang kaldero, what the hell? Ano gagawin ko dun?

"May bigas kapa diyan? Hindi kasi ako nakapamalengke. Bago lang ako dito." Walang emosyong sabi nito, wow. Manghihingi lang pala ng bigas!

"Wala e, pero may bagong saing ako dun sa kusina. Halos ngayon lang din ako nakauwi dito after a month. Kuha ka nalang dun sa kusina." Ani 'ko.

"Sure. Sandali lang kuha lang ako ng plato."

"Pasok ka nalang mamaya." Sabi ko sabay sarado ng pinto. Nahiga ako sa sofa at binuksan 'yung TV, sakto at one piece ang palabas. Fan na fan talaga ako ng one piece e.

Pagkalipas ng ilang segundo ay narinig ko ng bumukas ang pinto ng condo unit ko. Lumingon ako doon at nakita ko nga 'yong lalake kanina na may dalang plato at isang piraso ng fried chicken. Napangiwi ako, makakaya ba ng lalakeng 'to ang isang piraso ng manok? Kung ako lang ay kulang na kulang pa sa akin 'to.

"Nasaan pala 'yung kusina mo?" Tanong niya sa akin. The actual expression, blanko pa din.

"Pasok ka do'n, tapos turn left." Sabi ko at tinuon na ulit ang pansin ko sa pinapanood ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na pumasok siya sa may pintuan patungong kusina, bahala na siyang maghanap ng kanin doon haha. Bigla ko tuloy naalala kaninang tinaaag niya akong assuming. For his information? Kung lagyan ko kaya ng lason 'yung kanin niya para naman makarma siya sa sinabi niya sa akin? Tss.

"Pwede ba--"

"AY PALAKA!"

"Pfft. Mukha ba akong palaka?" Natatawang tanong niya. Aba! Buti nalang at tumawa ang isang 'to?

"H-hindi naman. Ano nga palang sinasabi mo kanina?"

"Ahm. Pwede bang dito muna ako kumain? Wala kasi akong kasama do'n sa unit ko, nakakainip."

"Sure." Walang ganang sagot ko. Aba gantihan lang 'yan! Tawagin ba naman akong assuming? Tss.

Umupo ito sa tabi ko.

"Seraphiel nga pala." Ani 'to at inabot ang isa niyang kamay.

Inabot ko ang kamay nito.

"Andrea."

"So, I think matagal kana dito sa condo mo?" Tanong niya, pagkatapos ay isinubo niya ang isang kutsarang kanin at ulam.

"2 years palang, hindi naman ganoon katagal. Ikaw? Buti at naisipan mong magcondo?"

"Actually, ngayon lang ako nakarating dito sa pilipinas. I am pure filipino but I was raised in Netherlands. At saka dito malapit ang school na papasukan ko, kaya dito nalang ang pinili kong condo unit." Napatango naman ako. Marunong siguro itong magsalita ng dutch? Mukhang magkakaintindihan sila ni Nathaniel at Ansherina ah.

"Oh, halos kakauwi nga lang namin galing kami sa Netherlands. Saan ang lugar niyo doon?"

"Really? Sa Amsterdam." Sabi nito sa gitna ng pagnguya niya. Kaya pala medyo slung magsalita si Kuya, laking ibang bansa.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now