Chapter 54: Sasali ba?

4.1K 113 19
                                    

Ken's Point of View

Nakatuon lahat ng pansin namin ngayon kay Joaquin na nakatayo ngayon sa gitna ng platform. Simula pa lamang kanina ay tahimik na si Joaquin, ni hindi nga siya nagsasalita simula kanina. Tinanong ko si Ansherina, hindi naman daw sila nagaway. Halos napuno ang basement sa mga tauhan ni Joaquin, pinatawag lahat sila ni Kuya Andrei. Pumapangalawa si Kuya Andrei sa pinaka malakas sa grupo at syempre ang nangunguna ay si Joaquin. 

Si Joaquin ang capo di tutti capi, habang si Kuya Andrei naman ang  capofamiglia. Pareho silang malakas at ni isa ay walang kayang magpabagsak sa kanila, nakakabilib nga ang pinakitang katatagan ng dalawang 'to noon.

"Ayaw tayong patahimikan ni Azazel, ano ang plano mo dito Joaquin?" Tanong ni Kuya Andrei. Naka de-kwatro ito habang naka sandal ang kanyang ulo sa headrest ng upuan.

"Huwag muna tayong magpadalos-dalos sa mga plano natin. Kailangan muna natin pagaralan mabut--" Hindi natuloy ni Joaquin ang sasabihin niya ng biglang magsalita si Ella.

"Huwag magpadalos-dalos? Kung meron man dito non, si Azazel 'yon! Hindi ka naman ganyan dati ah, hindi kana nagda-dalawang isip pa na pumatay kung kinakailangan." Natahimik ang lahat sa sinabi ni Ella, pati na din si Joaquin ay hindi na nakapag salita.

Biglang tumayo si Kuya Andrei mula sa pagkaka-upo at sinamahan si Joaquin sa gitna ng platform. Pinagmasdan lang namin siya.

"As the capofamiglia, I also have the right to give commands to all of you." Ang ma-awtoridad na sabi ni Kuya Andrei. Sumangayon naman kaming lahat sa kanya.

"Kill Azazel." Ang tipid na sabi nito. 

"Wait, no! Kailangan muna nating gumawa ng pla--"

"Ganon kana ba katakot mamatay si Azael?" Nakangising tanong ni Kuya Andrei kay Joaquin. Hindi na nagsalita pa si Joaquin at mabilis na lumabas sa loob ng basement.

Nagsi-alisan na ang lahat pagka alis na pagka alis pa lang ni Joaquin. Maliban kina Ansherina, Ella, Dexter, Andrea, at Kuya Andrei. Nanatili pa din silang tahimik at nakaupo sa mga kinauupuan nila kanina. Nakatulala sila na para bang hindi makapaniwala sa mga narinig o nakita nila.

"I can't believe it, bakit hindi ganon kadali kay Joaquin na patayin si Azazel?" Tanong ni Andrea, hinimas-himas pa nito ang baba niya. Ako rin, nagtataka ako kung bakit hangga ngayon ay hindi pa din napapatay ni Joaquin si Azazel.

"Baka naman may pina-plano lang siya." Sagot ni Ansherina, lahat kami ay tumingin sa direksyon niya. 

"Plano? Hindi uso kay joaquin 'yon. Kayang pumatay ni Joaquin na walang plano." Wika naman ni Kuya Andrei. Tama! Hindi ugali ni Joaquin ang magplano. 

"May ibang rason si Joaquin kung bakit hindi niya pa pinapatay si Azazel." Sabi naman ni Ella.

"Sana hindi totoo itong naiisip ko."

"Shit."

"Huwag naman sana."

Bigla akong kinabahan. Huwag naman sana.

--

Kinabukasan.

"Nabalitaan niyo ba? Merong beauty pageant para sa susunod na magiging Campus Queen." Lukso-luksong wika ni Dexter habang papalapit dito sa puwesto namin. Lahat naman ay natuon ang atensiyon namin sa kanya.

"Seryoso? Kailan daw?" 

"Hindi ako sure. Tatlong representatives ata bawat year level." Bigla naman akong napangiti at mabilis na hinila si Ansherina papunta sa amin.

Pinagtinginan nila ako habang hila-hila ko si Ansherina. Si Ansherina naman ay tila gulat na gulat habang nakatingin sa akin. Nag peace sign lang ako sa kanya.

Love Duology 1: Helpless LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora