Chapter 41: Changes

10.5K 404 103
                                    

Joanna's Point of View

Nakatunganga lang ako habang nakatingin sa papel na hawak ko ngayon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, bakit ganito? Buntis ako. Nakahiga pa din ako sa hospital bed habang si Zane naman ay nakaupo sa tabi ng hospital bed ko.

"This is insane." Rinig kong bulong niya. Nakatingin lang siya sa kawalan. Gulo-gulo ang buhok niya, mukha siyang problemado. Hindi lang naman siya ang problemado ah? Pati ako. Ano nalang sasabihin sa akin ni mommy? Paniguradong itatakwil niya ako. Hays.

"Hindi ako naniniwala, hindi ako buntis." Sabi ko at tinapon 'yung papel na hawak ko. Nabaling naman ang tingin sa akin ni Zane. Ang seryoso ng mukha niya.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Let's investigate. Alam mo, alam natin na walang nangyari sa ating dalawa, diba? I think they're playing with us. Alamin natin kung sino ang may pakana ng lahat ng 'to." Seryosong sabi niya at seryoso din nakatingin sa akin, hindi ko alam kung anong gusto niyang ipalabas pero sa tingin ko tama siya. Tama na mag imbestiga muna kami.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kailangan natin palabasin na may nangyari talaga sa ati-"

"Wait, what? Hindi naman siguro tama yan! Walang nangyari sa atin Zane, alam mo 'yun!"

"Patapusin mo muna ako, Maria. Tae, hindi lang ikaw problemado. What I mean is, let's just go with flow. Kung hindi tayo makikisakay sa flow paniguradong mahihirapan tayo sa pagiimbestiga. Kapag nakisakay tayo, mas madali natin matutuklasan kung sino ang may pakana sa lahat ng 'to. Are you with me?" Ani 'to. Hindi ko alam kung paano nakapag isip ng ganitong desisyon si Zane. Sa totoo lang ay napaka hirap magisip ng magandang desisyon tuwing problemado ka. I'm amaze with this man.

"Yes, i'm with you. Tulungan natin ang isa't isa, Zane." I smiled.

I hope this will be the best decision we ever made.

**

Umuwi na ako sa bahay. Na kicked out na din ako sa school dahil nalaman nila na buntis ako kahit na di naman totoo. Ang sabi ni Zane, wag ko daw ipapaalam kahit kanino ang plano namin. Dahil may makakakilos daw kami ng maayos sa plano namin kung walang nakakaalam at sagabal. Minsan nga nagtataka ako dito kay Zane eh, ang galing niyang magplano sa mga bagay-bagay. Parang... Aish, ewan.

Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang doorknob ng bahay. Hindi ko alam kung alam naba ni mommy ang tungkol dito, sana wala pa siya. Sana nasa office pa siya, sabi kasi ni Zane sasamahan daw niya akong magpapaliwanag sa mommy ko para hindi ako matakot.

Binuksan ko 'yung pinto ng doorknob. Mali ako, nandito na si mommy. Nakaupo siya sa may sofa habang nakatingin sa akin ng diretso. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, takot at kaba ang nasa puso ko ngayon.

She stood up.

"Mo-mommy..."

"Is that true, Joanna? Are you pregnant?" Tanong sa akin ni mommy. Walang emosyon ang mukha niya, kaya hindi ko masabi kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Kung galit ba siya o ano.

"Let me explai-"

"Get your things and leave this house. From now, hindi ka na parte ng pamilya ko. Wala akong anak na katulad mo." Pagkatapos niya sabihin 'yon ay iniwan na niya ako. Napapunas na lang ako sa tumulong luha sa mata ko, kailangan kong magpakatatag ngayon. Kailangan kong mahanap ang walang hiyang sumisira sa akin.

Pumunta ako sa kuwarto ko at nagimpake ng mga iilang gamit ko. Pagkatapos ay tinext ko si Zane para sunduin niya ako, napagpasyahan namin na titira muna kami sa nabili niyang condo unit. Dahil paniguradong tinakwil na din siya sa kanila. Maganda din na na kicked out kami sa school dahil para mas mapadali ang pagiimbistiga namin. Ang kailangan lang namin gawin ngayon ay magsakripisyo muna sa mga sarili naming kaligayahan.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon