Chapter 53: Awake

4K 115 18
                                    

Andrea's Point of View

Nadatnan ko sa hospital sina Ken at Ella, hindi agad ako nakapagsalita dahil silang dalawa lang pala ang nagbabantay ngayon kina Nathaniel at Joanna. Umupo ako sa may sofa at inilapag ang mga dala kong gamit, hindi pa din maiwasan na may konting awkwardness tuwing kaharap ko sila.

"Nabalitaan mo ba ang retreat?" Lumingon ako kay Ken ng marinig ko siyang magsalita, nakatingin ito sa akin kaya alam ko na ako ang kinakausap niya.

Matagal bago ako nakasagot sa tanong niya.

"Oo, next moth palang naman daw. Hindi naman ata compulsory, kaya pwedeng hindi sumama." Sagot ko sa kanya, medyo naiilang ako dahil na din sa binato niyang mga tingin sa akin. Tumingin ako kay Ella, nakatuon lang ang pansin niya ngayon sa cellphone niya. Ayoko na ng gulo, gusto ko ng manahimik kaya pinipilit ko na makalimutan ko na si Ken.

"May balak ka ata na hindi sumama?" Tanong ulit niya.

"Actually, wala talaga akong balak sumama. Lalo na't sa Thailand ata gaganapin ang retreat."  Tumango lang ito sa sagot ko. Hindi naman sa killjoy ako o ano, masyado naman kasing malayo kung sa Thailand pa kami magre-retreat. Minsan kasi pineperahan lang kami ng unibersidad.

"Shit. Gumalaw si Joanna!" Natatarantang wika ni Ella, agad naman akong tumayo at nilapitan sila. 

Lumabas naman si Ken upang tawagin ang doctor.

--

Nakatingin lang ako kay Joanna na nakatingin sa kawalan ngayon. Hindi pa din ito makagalaw ng maayos at may benda pa ito sa ulo, mabuti nalang at nagising na siya. Nakakapagsalita naman siya ngunit agad din itong napapagod kaya kung maaari daw ay iwasan na muna niyang makisama sa usapan namin.

Bumukas ang pinto ng hospital room at agad na bumungad sa amin si Dexter. Hingal na hingal ito at agad na lumapit kay Joanna, napangiwi ako, hindi pa din maiiwasan na concerned pa din siya kay Joanna.

"I'm glad that you're awake." Hindi maiwasan ni Dexter na ngumiti.

Alam ko na mahal niya pa din si Joanna, halata naman kasi sa mga kinikilos niya. Siguro, sadyang kailangan kang pakisamahan ni Dexter ang ina ng kanyang anak kaya kailangan niyang iwan si Joanna. Naisip ko tuloy na hindi lang pala ako ang nahihirapan sa ganoong sitwasyon.

"Pinagbabawalan muna siyang magsalita, Dex. Mabilis kasi siyang mapagod kapag nagsasalita siya, mga ilang araw lang naman." Sambit ni Ella. Nanatili akong tahimik dito sa kinauupuan ko, ewan ko ba pero bakit parang wala akong lakas para maki sama sa usapan nila.

Nakarandam ako ng pagkirot sa may kaliwang dibdib ko kaya napahawak ako dito. Napayuko pa ako ng konti dahil na din sa sakit na nararandaman ko, mukhang hindi ata nila ako napansin dahil tuloy-tuloy lang ang kuwentuhan nila. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa water dispenser para kumuha ng tubig.

Napapikit na lamang ako ng marandaman ko na mas lalong tumindi ang sakit sa may kaliwang dibdib ko. Humawak ako sa pader at pinatong ang ulo ko doon, shit anong nangyayari sa akin?

Ilang segundo din akong naka sandal sa pader, unti-unti naman nawawala ang sakit na nararandaman ko sa may kaliwang dibdib ko. Agad akong kumuha ng tubig sa water dispenser, baka siguro na stress lang ako sa mga nangyayari.

"A-andrea? May problema ba?" Halos tumalon ako sa gulat ng bumungad ang mukha ni Ken sa harapan ko. Muntikan na ngang pumasok ang tubig sa ilong ko. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Oo, nauhaw lang ako." Pagsisinungaling ko at naglakad na patungo sa sofa. Hindi ko pa kayang makiharap kay Ken, kahit papaano ay ramdam ko pa din ang sakit na iniwan niya sakin noong mga nakaraang buwan.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon