Chapter 27: Conflict

10.5K 421 28
                                    

Ansherina's Point of View

"Ano ba kasing katangahan at bigla-bigla ka nalang nagbabasa sa ulan?" Napangisi ako bigla kay Joaquin haha.

"Naks, concerned siya!" Pangaasar ko at tinusok tusok ko pa 'yung tagiliran niya. Bigla niya akong tinignan ng masama kaya tumigil ako haha.

"Tss. Asa ka!" Sigaw niya at tinapon sa akin 'yung tuwalya na kinuha niya.

"Wow ah! Hindi ka man lang naawa sa akin? Nilalagnat na nga ako tapos ihahagis mo pa sa mukha ko 'yang tuwalya? Aba, nasaan ang hustisya?!"

"Aish. Manahimik ka kung ayaw mong palabasin kita sa pamanahay ko." Aba! Ang sungit ah.

"Pamamahay mo? Correction, pamamahay ng mama mo. 'Wag kang feeling." Pagtatama ko sa kanya. Ang lakas kasi niyang mangarap eh, feeling ata niya sa kanya bahay 'to.

"The fvck?" Sabi nito habang pini-pinch ang nose bridge niya. Wow ah! Siya pa talaga 'yung nainis, eh ako nga dapat ang maiinis.

Bakit nga pala siya umuwi dito sa pilipinas? Nakaka pagtaka naman siya. Nagalit nga ang mama niya dahil iniwan niya daw doon si Joanna, buti na lang daw at may kasama pa siya doon. Masyadong pabaya 'tong si Joaquin sa ka-kambal niya.

"By the way, bakit ka nga pala umuwi kaagad?" Tanong ko.

"Pakialam mo?"

"Ewan ko sa'yo! Ugh!" Inihagis ko sa kanya ang unan dito sa kama niya at agad na nagtalukbong sa kumot. Panigurado kasing gaganti siya sa akin.

1 minute...

2 mimutes...

3 minutes...

4 minutes...

5 minutes...

6 minutes...

7 minutes...

8 minutes...

9 minutes...

10 minutes...

Hindi siya nagsalita o gumanti man lang. Kaya napag pasyahan ko ng umalis sa ilalim ng kumot. Tinignan ko siya, naka upo siya sa gilid ng kama niya habang nakatungo. Hindi ko alam pero bakit parang may problema ang isang 'to? Feeling ko nga ay pasan niya ang buong mundo haha.

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa direksyon ko.

>////////< lub-dub lub-dub

B-bakit ganyan siya makatingin? Feeling ko nga ay matutunaw ako sa mga titig niya.

Siguro ay sampung segundo din kaming nagtitinginan.

"Mahal mo pa ba siya?" Nagulat ako sa tanong niya sa akin. Parang may kung anong kumirot sa puso ko ng tanungin niya 'yon sa akin, bigla akong kinabahan na ewan.

"S-sino?"

"Travis." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay napaiwas ako ng tingin.

I smiled secretly.

"Oo, mahal na mahal. Hindi naman nagbago 'yun eh." Sabi ko at ngumiti pa, hindi siya kaagad sumagot.

Maya-maya humiga siya sa tabi ko at nilagay ang kanyang dalawang kamay sa ilalim ng ulo niya, pagkatapos ay sumipol pa ito.

Para saan at tinanong niya 'yun? Nakakainis naman hays.

**

Ken's Point of View

Mabilis na lumipas ang mga araw at isang oras na lang ay bagong taon na. Nagluto ng mga iba't ibang pagkain ang mga babae habang kami naman ay nagihaw ng mga baboy, manok, at iba pang pwedeng ihawin.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now