Chapter 37: Date?

10.3K 317 46
                                    

Joanna's Point of View

"Anong kalokohan 'yon ah?" Mariin na bulong ko dito sa unggoy na nasa harapan ko.

"Magpasalamat ka na lang." Bulong din niya. Nagtataka ba kayo kung bakit kami nagbubulungan? Pinagtitinginan kasi kami ng mga estudyante dito sa may hallway.

"G*go ka ba? Bakit naman ako magpapasalamat sa ka walang hiyan na ginawa mo na 'yun?"

"Aish. So, hindi mo pa pala alam? Tara, dito."

Hinila niya ako kaya nagpahila na lang ako.

Maya-maya ay nakarating kami sa harap ng bulletin board.

What the fvck?

"Sinong may gawa niyan?" Nagtatakang tanong ko. Ganito na ba ka tsismosa ang mga tao dito sa school? Pati paghalik sa akin kahapon ng unggoy na 'to ay nakuha nilang ipagkalat? At talagang nakuhanan pa nila ng picture.

"Hindi ko alam, ayos 'yan diba? Hahahaha!" Naningkit bigla ang mga mata ko sa sinabi at kinilos niya. Paano naging ayos 'to ha? Kalat sa buong school na isa akong malanding babae. Nakikipaglandian daw ako sa may fiancee na. Like what the hell!

"AYOS? ANONG AYOS DIYAN HA?! GINAGAGO MO BA AKO HA?!"

"Wooaah! Takte! Easy, my loves! Para naman gusto mo akong kainin ng buhay!"

"KAKAININ TALAGA KITA NG BUHAY! HAYOP KA!"

Napakamot na lang siya ng ulo at natawa. Talagang iniinis ako ng lalakeng 'to eh!

"Hu'wag mo akong sigawan, baka mas lalong magalit sa'yo ang mga bashers mo pfft."

"Ewan ko sa'yo! Simula ng makilala kita naging malas ako!"

"Hala! Kahapon mo lang naman ako nakilala ah!"

Aish! Nakakainis. Ano ba ang napasok ko na 'to.

"Nagkaroon pa ako ng bashers dahil sa'yo." Asar na sabi ko at napasalampak na lang sa hallway. Buti na kang at walang tao dito.

"Tutulungan kita." Tinignan ko siya.

"H-ha?"

"Sabi ko tutulungan kitang mawala ang mga bashers mo."

Tumaas bigla ang isa kong kilay.

"No, thanks."

"Okay! Madali naman akong kausap!"

**
Pagkararing ko sa loob ng room ay ganun pa din ang awra ng mga tao. Nagbubulungan sila habang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso sa puwesto ko, sa kamalasang palad nga lang ay katabi ko si Dexter. Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin, sigurado ako na alam na niya ang tungkol sa tsismis.

"Kaya pala." Nanigas ako ng magsalita siya. Iba ang boses niya ngayon, hindi ko maipaliwanag.

"A-anong kaya pala?"

"Kaya pala ayaw mo na sa akin dahil may iba kana."

This time hindi na akong nagdalawang isip pa na lingunin siya. Nagulat ako dahil walang kahit ano mang ekspresyon ang mukha niya, napaka blanko. Nakatingin lang ito na diretso sa akin.

"M-mali ang iniisip m-"

"Don't worry, you don't need to explain. At saka tanggap ko naman, na kahit kailan hinding hindi mo na ako mamahalin at kahit kailan hindi mo na ako babalikan. That's why i'll try to move on right now, i'm letting you go Joanna."

Naglakad siya palabas ng pinto.

Ang tanga ko.

**

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon