Chapter 36: The New Guy

11.3K 320 70
                                    

Dexter's Point of View

"Where's Knight?"  Tanong ko kay Rich habang hingal na hingal. Nagmadali kasi akong tumakbo papunta dito, nagaalala ako sa anak ko.

"Isang lungs na lang ang gumagana sa kanya. Kinakabahan ako, I don't want to lose him." Biglang bumuhos ang mga luha niya. Niyakap niya ako at sa dibdib ko umiyak. Sa totoo lang, nanghihina ako kapag nakikita ko siyang malungkot lalo na't anak namin ang pinaguusapan. Pinili ko na lang magpakatatag.

"Sshhhh, everything will be okay. Just pray." Pagtatahan ko sa kanya at hinagod ko pa 'yung likuran niya.

"Masyado pa siyang bata para mawala. Gusto ko siyang makitang lumakad, makitang maglaro kasama ang ibang bata, gusto kong masabi niya ang mga salitang I love you mommy, I love you daddy, gusto ko siyang makitang pumapasok sa paaralan at nagaaral, I want everything good for our son."

I smiled.

"Don't worry, our son loves us. He never also want to lose a handsome father and a perfect mother." I heard her chuckled.

"Bolero as always, hmmp. Perfect mother talaga?" Natatawang tanong niya.

"Yeah. Perfect pa sa perfect."

She smiled.

"Thank you."

"There, you are more beautiful when you smile."

**

Joanna's Point of  View

Naiwan akong nakatulala dito sa garden ng school. Iniisip ang mga nangyari isang minuto ang lumipas, natawa na lang ako.

Ang tanga ko.

Ang tanga-tanga ko.

Mahal ko, hindi ko makuhang ipaglaban.

"HOY!"

"Ay!"

Muntik na akong mahimatay ng dahil sa gulat. Sino ba naman ang hindi magugulat ng biglang may lumundag ng kung ano sa itaas ng puno? Bwiset! Sino ba 'to?

"HAHAHAHAHAHA! GRABE! NAGULAT BA KITA?" Tanong niya at tawa ng tawa. Aish! Para siyang unggoy! Nakakaloka, nageemote ako dito tapos bigla siyang manggugulat? Asan ang hustisya doon?

"Sige, tawa pa." Inis na sabi ko.

Bigla siyang tumigil at pinagmasdan ako.

"Haha, pasensiya na. Broken hearted ka pala! Pfft." Wika nito at nagpipigil ng tawa. Buti na lang at wala ako sa mood para manapak.

"Ul*l!" Sigaw ko.

"Woooahhhh! Easy, hindi ko namam sinasadyang marinig eh. May tinataguan kasi ako hahaha!" Nakakainis talaga siya! Lalo na kapag tumatawa! Nakakagago.

"Hulaan ko kung sino!" Nakangising sabi ko.

Nag cross arms ito at sumandal sa puno na nasa likuran niya.

"Sige ba! Sino?"

"SI DORA!"

"Aba! Niloloko mo ba ako ha babae? Bakit ko naman tataguan ang negrang 'yun?"

"Ikaw kasi si Boot-"

"ZANEEEEEEE!"

Lumingin kami sa sumigaw.

What the hell?

Jill Burnea.

The heiress of Burnea's. Siya ang unica hija ng mga Burnea, dahil siya lang ang kaisa-isa nilang anak ng babae. May kapatid siyang apat na lalake, at lahat sila ay nakakatanda sa kanya. Kaya sobrang spoiled ng babaeng 'to.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now