Chapter 46: Unexpected

6.2K 179 16
                                    

Someone's Point of View

Hindi ko alam kung anong maramramdaman ko habang kaharap namin siya. Ngumiti ito sa amin, isang nakakapanindig palahibo na ngiti. Napakapit ako sa braso ng katabi ko, parang wala lang sa kanya ang lahat dahil walang expression ang mukha niya.

"Masaya ka na ba? Nagawa mo na ang gusto mo. Hindi pa ba sapat na kami ang parusahan mo?" Mahina ngunit madiin na wika ng nasa likuran ko. Nanghihina ako, bakit pagdating sa kanya natatakot ako? Ayoko ng ganito.

Napalunok ako ng itutok niya ang baril niya sa taong nagsalita sa may likuran ko.

"Kulang pa 'yon. Iisa-isahin ko lahat kayo! Hanggang sa maubos kayo." Malakas na wika nito at tumawa ng pagkalakas-lakas na rinig na rinig sa buong basement.

"Bago pa mangyari 'yon, napatay kana niya." Hindi ko mapigilan ang sarili ko, kahit na natatakot ako ay nasabi ko pa din 'yon.

"Sino? 'Yung pinaka malakas sa grupo niyo? Ang boss niyo? Ni hindi nga kayo maalala e. Bantayan niyo siyang maigi dahil siya ang susunod ko kay kamatayan." Tumawa na naman ito.

Nakakakilabot.

Kailangan namin siyang protektahan hangga't hindi pa siya nakakaalala. Kailangan niyang malaman ang lahat bago pa mahuli ang lahat, bago pa masayang ang mga pinaghirapan namin.

Humanda ka, magbabalik ang Diabolos Death Tribe.

~~**~~

Ansherina's Point of View

"So what's your plan?" Tanong sa akin ni Dexter habang pabalik kami sa hospital room ni Joanna.

"What if, magsanay muna tayo sa pakikipagbarilan? Huwag tayong masyadong dumipende sa taong hindi pa nakakaalala." Sabi ko. I hope my plan will work.

"As soon as possible, kailangan mo ng ipaalala sa kanya ang lahat. We need to train ourselves, Ansherina. Dahil sa tingin ko siya lang ang nagiisang tang makakatapat kay Azazel, siya lang at wala ng iba." Napabuntong hininga ako at tumingin kay Dexter.

"Hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung paapaano sabihin sa kanya ang lahat, kinakabahan ako maaaring mangyari."

"Mas kabahan ka kung hindi niya maalala ang lahat at kung matutuloy ni Azazel ang kanyang plano na patayin tayong lahat." May punto si Dexter.

Sakto naman ay nasa tapat na kami ng hospital room ni Joanna. Nagtinginan kami at pinauna na niya akong pumasok. Nadatnan namin si Joaquin na nakahiga sa may sofa, mukhang tulog ata siya dahil nakatakip ng panyo ang kanyang buong mukha.

"Ah, Ansherina. Mauna na pala ako ha? Oras na kasi. Pupuntahan ko pa kasi si Knight." Wika ni Dexter.

Tumango ako. "Ingat."

Ngumiti lang ito at lumabas na ng pinto. Tinignan ko ang wall clock, alas otso na pala ng gabi. Kaya siguro nakatulog na itong si Joaquin.

Dito nalang din siguro ako matutulog, tutal ay wala naman pasok bukas at saka walang kasama si Joaquin kapag umalis ako. Kahit papaano naman ay may awa ako sa mokong na 'to, kahit na sobrang mapangasar pa niya pssh.

Umupo ako sa single sofa na nasa harapan ng sofa kung saan natutulog si Joaquin. Inihiga ko ang ulo ko sa headrest at pumikit. Nakakapagod ang araw na 'to, kinakabahan ako sa mga bagay na maaaring mangyari bukas. Hindi namin alam kung ani ang binabalak ni Azazel kaya ang kailangan muna namin ngayon ay matinding pagiingat.

~~**~~

Nakaramdam ako ng kaluskos kaya bigla aking nagising. Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko dahil sa hindi malamang kadahilanan, nanatili akong nakapikit.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon