Chapter 51: Jealous

5.2K 162 27
                                    

Andrea's Point of View

Nakaupo ngayon si Ansherina sa tabi ng kama ni Nathaniel habang umiiyak. Nasa malalang kondisyon ngayon si Nathaniel at napagalaman din namin na nalason siya. Alam namin na balak 'yon ni Azazel dahil matagal na niya kaming gustong patayin lahat. Hindi ko alam kung alin sa mga kinain namin ang may lason, ang pinagtataka ko lang ay kung bakit si Nathaniel lang ang naapektuhan ng lason na 'yon.

"Nasaan si Joaquin?" Tanong ni Dexter. Umiling lang ako. Hindi kasi kasama ni Ansherina si Joaquin sa pagpunta dito, hindi naman namin siya natanong dahil pagpasok pa lang niya dito sa loob ng hospital room ay umiiyak na siya.

"Anong balak niyo? May pasok tayo bukas. Sino magbabantay kay Nathaniel?" Tanong naman ni Ken sa amin. Hindi ako tumingin sa kanya, ayokong tumingin sa kanya dahil ayoko munang makaramdam ng kirot sa dibdin ko.

"Si tita daw ang magbabantay dito. Kailangan na natin pumasok bukas, may gagawin pa tayong thesis." Sagot ni Dexter sa kanya.

Tumayo ako kaya halos napunta ang atensiyon nila sa akin.

"Kailangan ko palang umuwi ngayon, mauuna na ako." Wika ko at agad na lumabas ng hospital room.

Shit. May pinangako kasi ako kay Seraphiel noong nakaraang araw! Niyaya niya akong mag movie marathon sa condo unit niya. Hays! Sigurado ako na hinihintay na ako nun.

~~**~~

Pagkarating ko sa condo unit ko ay agad akong nagpalit ng pajama at inalis ko na din ang make up ko. Pagkatapos ay tumuloy ako sa condo unit ni Seraphiel, buti nalang at nakabukas ang pinto ng condo at parang inaasahan talaga ang pagdating ko.

Nakapatay na ang ilaw sa living room, tanging ilaw na lamang sa hallway papuntang kuwarto niya ang nakasindi. Dumiretso ako sa loob ng kuwarto niya at nadatnan ko siya doon na nakaupo sa may kama at nakatingin sa isang picture.

"Phiel..." Tawag ko sa pangalan niya. Agad naman itong tumingin sa akin at agad na tinago 'yung hawak niya kanina. Ngumiti ito at nilapitan ako.

"Kumain kana ba?" Nakangiting tanong niya. Pinagmasdan ko lang siya, hindi ba siya galit sa akin? Pinaghintay ko siya ng matagal na oras, siguro kung ako lang ang nasa sitwasyon niya ay umuusok na 'yung tainga ko sa sobrang galit.

"A-ah, oo. Ikaw ba? Pasensiya kana ha? May biglaan kasi kaming pinuntahan."

"Hindi pa nga e, tara sabayan mo akong kumain." Sagot nito at sinama niya ako sa loob ng kusina. Halos magulat ako sa nakita ko, ang daming pagkain sa mesa.

Tinignan ko siya habang kumukuha ng plato, umupo nalang ako sa upuan.

"Bakit ang dami nito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Natawa ito bago umupo sa harapan ko. Binigay niya sa akin ang isang plato na kinuha niya sa ain kanina.

"Akala ko kasi dito ka magdi-dinner, kaya nagluto ako para sa'yo." Sagot niya, ngunit hindi ito nakatingin sa akin. Napasinghap na lamang ako at kumuha sa mga niluto niya.

"Sorry, hindi ko talaga alam na may biglaan kaming pupuntahan ng mga kaibigan ko ngayong gabi."

"You don't need to explain yourself, Andrea. Sino ba naman ako para ipaliwanag sakin ang lahat diba? It's okay." Wika nito. Hindi na lamang ako umimik at kumain na lamang. Ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang magluto.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kami sa kuwarto niya upang manood na ng mga movie, 'yun naman talaga ang ni-plano namin kahapon eh.

"Ano gusto mong panoorin?" Tanong nito sa akin.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon