Chapter 63: Relax

2.4K 88 35
                                    

Nagising ako sa matinding sikat ng araw na lumiliwanag sa harapan ng bintana ko ngayon. Naramdaman ko din ang pagkirot ng ulo ko, napahawak ako sa temples ko at minasahe ito.

"I'm glad that you're awake." Napabalikwas ako sa hinihigaan ko ng marinig ko kung kanino boses 'yung nagsalita sa tabi ko.

Gulat na gulat ako habang nakatingin sa mukha ni Hunter. Bakit nandito siya? Agad ako nagtaklob ng kumot dahil sa sobrang hiya. Baka pala may panis na laway ako o kaya naman ay may muta.

Teka...

Bigla akong natigilan ng ma-realize ko na hindi ko kama ang hinihigaan ko ngayon at mas lalong hindi ko kuwarto ang tinulugan ko. Inalis ko 'yung kumot na naka-taklob sa akin at tumingin sa buong paligid, wala na akong pakialam kung makita man ni Hunter ang mg muta at panis na laway sa mukha ko. Nagtataka ako kung bakit ako napunta sa kuwarto na 'to.

"You're drunk last night. Hindi ko makita ang mga kasamahan mo, so I decided to take you here." Wika ni Hunter. Tinignan ko siya. Naka topless lang siya at gulo-gulo din ang buhok niya, para din siyang bagong gising. Napatingin naman ako sa suot ko, fuck. Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko na wala akong suot na pangitaas, kahit na bra ay wala. Tanging pajama lang ang suot ko. Shit. Buti nalang at nakabalot sa katawan ko 'yung kumot.

"I'm half naked." Wala sa sariling sabi ko. Shit. Huwag niyong sabihin na si Hunter din ng nagbihis sakin at nagpasuot nung pajama. Malaking kahihiyan talaga 'to.

"Don't worry, si Manang ang nagbihis sa'yo." Sabi niya at ngumiti siya sa akin. Napanatag naman ang loob ko sa sinabi niya.

"Nandoon ka din kagabi sa foam party?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. May inabot naman itong isang over sized t-shirt at pinasuot sa akin.

"Yes, one of my friends invited me." Sagot niya, pagkatapos ay pinasada niya ang kanyang mga daliri sa buhok niya. Napalunok ako, this feeling again. I can feel the butterflies in my stomach.

"I need to go home, baka nagaalala na sina Ku--"

"Tinawagan kona si Nathaniel, I told him na nandito ka. Pinagpaalam ko na din na aalis tayo mamaya."

"Aalis? Mamaya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yah, diba aalis tayo ngayon? Bonding with Cinderella, you told me yesterday that you're free today." Shit, oo nga pala! Kapahong nagusap kami sa field ng school, nasabi ko sa kanya na free ako ngayon.

"Ah! Oo nga pala."

"Tara na sa ibaba, naghihintay na si Cinderella sa dining room. Breakfast muna tayo bago tayo umalis." Sabi nito at hinawakan pa ang wrist ko. Wala akong nagawa kaya sumunod ako sa kanya pababa.

Habang pababa kami ng hagdam ay magkahawak pa din ang mga kamay namin. Hindi naman ako makahinga ng maayos dahil na din sa weird na nararamdaman ko, parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko dahil na din sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Nagtungo kami sa kusina nila, nakita ko si Cinderella at sinusubuan siya ng isang maid. Nang makita niya ako ay may mga namuong ngiti sa labi niya at agad na tumakbo papalapit sa akin. Natigilan ako ng bigla niya akong niyakap.

"I miss you, ate ganda!" Masayang wika niya at kinuha pa ang isa kong kamay at sinama niya ako na umupo sa tabi niya.

"Na miss din kita. How are you?" Nakangiting tanong ko sa kanya. This little girl is really cheerful, masyado siyang masayahin kumpara sa mg ibang bata. Her smile makes the world go round.

"I'm fine, ate ganda! You look even prettier, no wonder my Kuya Hunter fell for you!" Masayang sagot niya bago niya isubo ang isang kutsara ng cereal na pinapakain ng yaya niya.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now