Chapter 47: Capo di tutti capi

6.2K 188 45
                                    

Ansherina's Point of View

Napaupo ako mula sa pagkakahiga ng makita ko ang test message ni Kuya Nathaniel. Para akong nanlambot sa nabasa ko, hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko ngayon. 

Gago ka talaga, Azazel.

Nasa hospital si Mikaella ngayon, sinugod sila ng mga tauhan ni Azazel. 

'Yan ang text sa akin ni Kuya. Napahilamos nalang ako ng mukha at hindi alam kung ano ang gagawin. Sakto naman ay lumabas si Joaquin mula sa banyo, napaiwas nalang ako ng tingin dahil naka topless ito at shit lang, ang basa ng buhok. Ang hot tuloy niyang tignan.

"M-magdamit ka nga, lalake." Halos mautal-utal na sabi ko. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam ko na nakangisi ito.

Narinig ko itong tumawa ng mahina.

"Wala talagang makakatakas sa charms ko." Natatawang sabi nito. Pssh. Ang kapal-kapal talga niya.

"Kulob naman itong kuwarto mo pero bakit may pumasok ata na hangin?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Nagtataka ka pa ba? Pati ata hangin ay inlove na sa kaguwapuhan ko." Sagot niya. 

Napa poker face nalang ako at tumingin sa kanya, this time naka t-shirt na siya. Woaah, buti naman at nabalakan niyang mag t-shirt.

"Ewan ko sa'yo Joaquin. Nilamon ka na ng kayabangan mo." Iritang sabi ko at tinuon nalang ang pansin ko sa cellphone ko.

Kailangan kong mapuntahan si Mikaella.

"Hahaha just kiddin'. Tara na sa ibaba, magalmusal na tayo." Saad nito at bigla nalang akong hinila.

Natigilan ako.

Tinignan ko ang mga kamay namin na magkahawak habang hila-hila pa din niya ako pababa. I don't know but i caught myself smiling for no reason. 

Eh? Napailing na lamang ako ng matauhan ako.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya ng nasa may hagdan na kami. Hindi man lang ako nilingon at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

He's insane.

"Wag kang maarte." Masungit na sabi nito ng makarating na kami sa kusina at bigla nalang binatawan ang kamay ko.

Umupo ito sa upuan at sinimula ng kumain, umupo naman ako sa harapan niya. Napaka bipolar talaga ng lalakeng 'to, kanina ang yabang yabang, ngayon naman para ng menopause baby. Pinagmasdan ko ito habang kumakain siya, ang asim ng mukha niya.

"Kumain ka na muna, mamaya mo na ako titigan." 

Bigla akong namula sa sinabi niya kaya kumain nalang ako. Gosh, alam pala niya na nakatitig ako sa kanya! Pero hindi ako naguwa-guwapuhan sa kanya, swear! Ang asim kasi ng mukha niya pssh.

"Dahan-dahan, kaya tumataba ka e." Natatawang sabi nito at inabutan ako ng tubig. 

Inirapan ko lang ito, hindi naman ako malakas kumain ah? Pssh. Dami talagang napapansin ng lalaking 'to.

"Pero okay lang, mamahalin pa din namin kita kahit na mataba ka." Sabi nito. Tinignan ko siya ng masama ngunit tinawanan lang ako nito. Ang sarap talaga niyang sapakin.

Pagkatapos namin kumain ay hinatid na ako ni Joaquin pauwi sa bahay. Pagkatapos niya akong ihatid ay dumiretso na ito sa hospital, kailangan daw kasi ng katulong sa pagbabantay si Tita kaya pinapunta niya si Joaquin doon.

Naligo muna ako para pagkatapos ay madalaw ko na si Ella sa hospital. Ang pinagtataka ko, bakit alam ni Kuya na nasa hospital ni Ella? At sino ang kasama ni Ella sa pakikipaglaban sa mga tauhan ni Azazel? Aish! Kailangan ko ng malinawan ang lahat.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now