Chapter 67: Kilig?

2.2K 75 27
                                    

"Sigurado ka ba? Hindi na kita sasamahan?" Tanong sa akin ni Hunter.

Lumingon ako sa kanya.

"Oo, huwag kang magalala. Hintayin mo nalang ako sa kotse." Tumango naman siya sa akin at ngumiti.

"Alright."

Pumasok na ako sa loob ng gate nina Joaquin, alam ko na nandito ngayon si Tito Jack. Buti nalang din at kilala na ako ng mga guards dito kaya agad nila akong pinapasok. Pagpasok ko naman sa loob ng bahay ay may sumalubong na isang kasambahay sa akin.

"Hinahanap niyo po ba si Sir Joaquin? Naku, ma'am. Kakaalis lang po ni--"

"Ahm, hindi po manang. Nandito po ako ngayon para kay Tito Jack. Nandito po ba siya?"

"Ah, opo! Nasa office po siya ngayon. Nasa second floor po ang opisina niya." Tumango na lamang ako at nagtungo papuntang second floor. Buti nalang at alam ko na ng pasikot-sikot dito sa mansion nila Joaquin. Madalas din kasi ako noon dito kasama sina Ken.

Pagkarating ko sa tapat ng office ni Tito Jack ay medyo nakabukas ang pinto nito. Sumilip naman ako dito at nakita ko siya na nakaupo sa swivel chair niya. Kumatok muna ako bago pumasok, halatang nagulat naman siya sa pagdating ko.

Hindi ko maipagkakaila na sobrang nakakatakot talaga ang awra niya. Malaki ang pangangatawan nito at matikas din ang tindig niya. Nakasuot siya ngayon ng tuxedo at halata talaga sa kanya na isa siyang workaholic, tambak na tambak kasi sa mesa niya ang mga papel na mukhang mga documento.

"Ansherina, what took you here?" Tanong niya sa akin pero sa laptop niya ito nakatingin. Nilunok ko muna ang laway ko bago ako magsalita, nakakatuyo talaga ng lalamunan kapag kaharap ko si Tito Jack. Nakakatuyo sa sobrang takot.

"Tito, I can't ac--"

"Alam ko na, your here for Joaquin, right?" Pagpuputol niya sa sinabi ko. Umiling ako sa kanya at hinawakan ko ang isa niyang kamay gamit ang dalawa kong kamay. Gusto kong umiyak, natatakot ako na baka kapag sinabi ko sa kanya na ayaw kong maging capofamiglia ay bigla niya akong alisin sa grupo.

"Hindi po 'yun, Tito." Sabi ko. Halata naman na nagulat si Tito Jack sa pagkakahawak ko sa kamay niya. Tinigil naman niya ang pagpindot sa laptop niya at lumingon sa akin.

"Then, what? You know me, Ansherina. I'm a busy person. Time is important."

Napapikit ako ng mariin. Alam ko na hindi magiging maganda ang bunga ng desisyon ko na 'to pero alam ko na magiging better ang lahat kapag ginawa ko 'to. I don't deserve to be the capofamiglia.

"Hindi na po ako magpadalos-dalos pa. Ayoko pong maging capofamiglia ng Diabolos Death Tribe, ibigay niyo nalang po sa iba ang titulo." Nakita ko naman na natigilan si Tito Jack at pinagmasdan pa ako. Napalunok ako, alam ko na galit na siya ngayon. Hindi na ako magtataka, siya si Tito Jack. Mabait siya pero hindi niya kayang magpasensiya.

"Give me a valid reason, Ansherina." Ma-awtoridad na sabi nito. Galit na siya. Alam ko 'yun, bakas na kasi sa tono ng pananalita niya.

"Isa lang po akong pabigat sa grupo, hindi ko po kayang maging pangalawa sa may pinaka mataas na posisyon sa grupo."

May sampung segundong katahimikan bago siya nagsalita, narinig ko din ang ingay sa wall clock niya dahil na din sa katahimikan.

"You only have two options," sabi niya at tinaas pa ang dalawa niyang dalari. Walang ekspresyon ang mukha niya, napaka blanko. Ang hirap basahin ng nararamdaman niya. "You'll be the capofamiglia or you'll leave the group." Tulog niya.

Napatulala ako, alam ko na mangyayari ito. Alam ko naman na papayag si Tito Jack pero may mabigat na kapalit at 'yon ang umalis ako sa grupo. Bigla naman akong napaisip. Kapag naging capofamiglia ako siguradong mahihirapan lang sila sa pagiintindi sa akin dahil na din hindi sapat ang kakayahan ko para sa posisyon na 'yon. Pero sa oras umalis ako sa grupo ay mababawasan ang mga pabigat at paniguradong si Ken ang magiging capofamiglia. Kapag si Ken ang naging capofamiglia mas matutulungan niya si Kuya Andrei na mapatakbo ng maayos ang grupo.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now