Chapter 14: Up coming Debut

11.3K 532 10
                                    

Andrea's POV

Naka-ngiti ako habang papasok ako sa Mall. Omygad, Birthday ko na bukas and I'm turning 18. Parang kailan lang nun naglalaro pa kami ng bahay-bahayan nina Ansherina, joanna at andrea. Pero ngayon dalaga na kami at may sari-sarili ng kahiligan.

"Mom, nasaan 'yung botique nina Tita Mel dito sa Trinoma?" Tanong ko kay Mom. Actually kasama ko siya sa Mall ngayon, nakakatuwa nga at saktong sembreak pa 'yung debut ko.

"Malapit sa may DQ. Si Tita Mel mo na daw ang bahala sa mga susuotin mo para bukas. I'm so excited anak!" Sabi ni Mom. Mas excited pa yata siya sakin.

"Oh! Ito na ang DQ oh." Sabi ko.

"Anak! Ano pa bang ginagawa mo diyan? Ito na 'yung botique ng Tita mo!" Rinig kong sigaw ni Mom sa malayo. Hala, wala na pala siya sa tabi ko?

Naglakad ako papunta doon. Halos magaganda ang mga dress dito sa botique ni Tita Mel, she's good in designing. Nagulat nalang ako ng may biglang magsalita sa likuran ko.

"Mommy, i want that dress." Sabi nung babaeng matangkad at sabay turo sa damit na hawak ko. Mukhang kasing age ko siya. Biglang lumapit sakin yung mommy niya.

"Ahm hija? Pwede bang samin nalang iyang dress na yan?" Tanong nung babae sakin. Napatingin ako sa dress na hawak ko, color red siya na puno ng glitters. Wala ng ibang dress na ganito maliban dito.

Ngumiti lang ako at sabay sabing "HINDI."

Pero syempre joke lang 'yun. Ngumiti ako atyaka binigay sa kanya 'yung dress. Actually that dress is not my style. I would rather wear skinny jeans.

"Anak, let's go? Nasabi ko na sa Tita Mel mo na debut mo na bukas. Siya na daw ang bahala sa lahat ng susuotin mo." Biglang sulpot ni Mom sa harapan ko. Lol. Parang kabute lang ang peg ni Madir? Hahaha.

"Mom, nasabi mo na ba kay Tita Mel na Color White 'yung motif sa mga gowns ko?" -Ako

"Yeah. Naka-pili ka na ba ng magiging escort mo?" -Mom

"Ahm actually wala pa po. Baka si Kenjie na lang po." Naka-ngiting sabi ko. Si Kenjie? My first love pero hindi ko na siya gusto ngayon. Grade 6 ako ng mag kagusto ako sakanya and our feelings is Mutual. Yep, M.U kami dati hahaha. Ke bata bata lang eh no'. Pero ano ba ang magagwa ng puso mo? Hindi mo naman mako-control ang feelings mo kahit mali na ang ginagawa mo. Diba?

Nang maka-dating kami sa bahay dumiretso ako sa kuwarto at kinuha ang mga invitations na ipamimigay ko mamaya. 150 invitations ang hawak ko ngayon. May biglang nalaglag na isa kaya pinulot ko 'yon.

Invitation para kay Ken...

Well, i hope na makakapunta siya. Oo alam kong galit siya sakin pero sana naman ay makapunta siya bukas. Kahit na mag kaaway kami tinuring ko pa din naman siyang kaibigan pero bahala na. Kung ayaw niya, edi wag.

Bigla nalang nag-ring 'yung phone ko, si Ansherina.

"Hello?"

["Drea!!! Gusto mo bang tulungan kita sa pagbibigay ng Invitation? Or rather kami nalang ng mga girls ang mag-bigay para naman maka pag beauty rest ka? Yiiee. Mag de-debut na siya. Hahaha."]

"Hindi ba napaka-laking abala 'yon para sainyo?"

["Of course not! We're willing to help you, drea. Kaibigan mo kami."]

"Thank you Ansherina. I'm glad to hear that. Sure ka na ba na kayo nalang ang magbibigay ng mga invitations?"

["Yep. Sure na sure. Dadaanan nalang namin nina Joanna at ella ngayon. Bye, see yah."]

Pinatay na niya 'yung call. I'm so lucky to have those kind of friends. Halos isang oras din bago dumating sina ansherina. Agad silang sumalubong ng yakap sakin, ang sweet hahaha.

"Nasaan ang mga invitations?" Tanong sakin ni ansherina, binigay ko sakanya ang isang paper bag ng invitations.

"By the way andrea, sino nga pala escort mo?" Biglang tanong ni ella.

"Si Ken---

"OMG! REALLY?! SI KEN?! BATI NA BA KAYO?!" Nabatukan ko tuloy siya.

"Tangek! Si Kenjie hindi si Ken. Asa ka." Mahinang sabi ko.

"Oh sorry." Sabi nito at nag peace sign pa.

-to be continued-

Author's Note:

Later 'yung next UD. Thank you, love lots.
Votes and comments! ♥

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now