Chapter 30: Bet

9.8K 343 32
                                    

Ansherina's Point of View

"Pupunta daw Kuya mo dito." Sabi ni Joaquin at umupo sa sofa na katabi ng sa akin.

"Sinong Kuya?" Tanong ko.

"Nathaniel."

"Ah."

Tinuon ko ulit ang pansin ko sa pinapanood ko ng We Got Married. Hays, nakakaiyak na. Nagpaalam na sila Naeun at Taemin sa isa't isa. Nakakalungkot, grabe.

"Nahihibang kana, para 'yan lang umiiyak ka?"

"Eh pakialam mo? Huhuhu, ayoko ng panoorin. Nasasaktan ako!"

Sinarado ko ang laptop ko. Nakakainis! Ayoko silang maghiwalay, hay.

"YOOOOW!" Tumingin ako sa direkdyon ng boses na narinig ko. Si Dexter at Kuya Nathaniel.

"Napano ka Ansherina?" Tanong ni Kuya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Huhuhu si-"

"BAKA PINAIYAK NI JOAQUIN! AHAHAHA!"

"Aba, g*g* ka pala eh!"

"Kuya, kamusta?" Tanong ko kay Kuya Nathaniel.

"I'm fine." Tipid na sagot nito.

"Wala ata si Ken?" Tanong ko sa kanila.

"May date kasama si Andrea, pssh."

"Natatakot ako, bro."

"G*g*, duwag ka ba?"

"Hindi. Pero mukhang totoo na eh."

"Just let him, kilala niyo si Ken."

"Pero paano na si M-"

"Hayaan niyo muna siya."

Palipat-lipat ako ng tingin sa kanilang tatlo. Hindi ko naman kasi alam kung anong pinaguusapan nila. Mukhang may malalim na sikreto ang mga 'to ha, it's for me to find out.

**

Joanna's Point of View

Matagal ko ng alam ang katotohanan. Ang katotohang matagal na nilang tinatago. Natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo dahil ayoko siyang masktan, ayokong nakikitang nasasaktan ang isa sa mga kaibigan ko.

-Flashback-

6 months ago...

(A/N: Ito po 'yung gumawa sila ng research paper sa bahay nina Ansherina at Nathaniel)

Lumabas ako sa kuwarto ni Ansherina dahil tapos na ako sa pag gawa ng research paper. Dinaanan ko 'yung kuwarto ni Nathaniel pero may narinig ako na hindi kanais-nais.

"Ano ba ang plano ha? Kailan ako kunware aamin sa kanya?" Boses 'yun ni Ken. Bigla akong kinabahan, parang may masama akong kutob dito.

"Sa Debut niya. Don't worry, i'll make the plan." Boses ni kambal 'yun. Para akong baliw dito dahil dinikit ko pa 'yung tainga ko sa mismong pinto para mas marinig ang usapan nila.

"Kaya ko naman siguro 'to. Akala ko playboy lang ako, artista din pala takte! Hahahaha!" Si Ken na naman ang nagsalita.

"Basta galingan mo lang umakting, bro. Mahuhulog agad 'yan sa'yo." Boses naman ni Dexter ang narinig ko. Hindi ko gets, parang may pinagpla-planuhan sila.

"Hu'wag ka lang magpapabuking, pfft." Si Nathaniel naman 'to. Grabe! Ano ba ang pinaguusapan nila at hindi ko makuhang intindihan?

"Sino daw escort niya sa debut?" Tanong ni kambal.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now