Chapter 49: Masquerade Party

6.6K 173 46
                                    

Joaquin's Point of View

Nakatingin ako sa isang imbitasyon dito sa itaas ng aking mesa. Kinuha ko ang isang baso ng wine at nilaro-laro ito.

"Who gave you this invitation?" Tanong ko kay Dexter, tumingin ito sa akin.

"Hindi ko alam, nakita ko lang 'yan sa may tapat ng pintuan ng basement." Sagot nito. Tumango-tango ako at muling pinagmasdan ang imbitasyon.

Masquerade Party

"Masquerade party huh?" Nakangising bulong ko at tinago ang imbitasyon sa loob ng drawer ko. Nilagok ko ang isang baso ng wine at tinignan si Dexter.

"Utusan mo ang lahat na magpunta dito, may paguusapan tayo." Banggit ko. Agad naman itong tumango at lumabas na sa loob ng basement.

~~**~~

Nakatayo ako sa may platform habang silang lahat ay nakatingin sa akin.

"Ano ba ang paguusapan natin at pinapunta mo kami dito?" Nagtatakong tanong ni Ella.

"An anonymous person sent an invitation, a masquerade party."

"So, what do you want us to do?" Tanong ni Andrea.

"Be ready, we'll attend. And I think this party is a shit."

Ansherina's Point of View

"Be ready, we'll attend. And I think this party is a shit." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Joaquin. Alam kong may kakaiba siyang nararamdaman tungkol sa party na 'yon, and I think we feel the same way. Nang sabihin pa lang niya ang mga salitang 'anonymous person' kumabog na ng napaka lakas ang dibdib ko.

"Wait. I think that's not a good idea." Angal ni Ella, tumingin ako sa kanya. Bakas ang takot sa mga mata niya, nararamdaman na din siguro niya na may may hindi magandang mangyayari.

"You don't have the right to object on my decision, Ms. Ramos." Seryosong sabi ni Joaquin. Natigilan ako.

He's really back. The capo di tutti capi is back.

"I'm sorry."

"Prepare your suits and gowns, magkikita-kita tayo mamaya dito ng ala sais ng gabi. Bring your guns." Sa sinabing 'yon ni Joaquin, alam ko na ang ibig niyang sabihin. Napabuntong hininga nalang ako at agad siyang nilapitan.

"Sigurado ka ba na pupunta tayo? Baka mapahamak lang tayo." Wika ko.

Pinisil nito ang pisngi ko at inakbayan ako.

"Nah. We'll just go with the flow, honey. An anonymous person wants us to be in that party, and I think this will be fun." Nakangiting sambit nito. Eh? May nalalaman pa siyang pangiti-ngiti. Kami nga dito ay kinakabahan na sa mga posibleng mangyari mamaya.

"Una na kami." Pagpapaalam nina Ken at umalis na. Tumango kang ako sa kanila at kumaway.

Muli akong humarap kay Joaquin.

Nakatitig ito sa akin na tila ba gusto akong salakayin ng loko. Tinignan ko siya ng masama kaya natawa siya.

"Manyak." Bulong ko at naglakad papalayo sa kanya. Kunwari ay galit ako! Kailangan ko ng kaunting pagsuyo! Hehehe nagpapalambing lang naman ako e.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now