Chapter 50: Night of Mystery

5.1K 153 24
                                    

Andrea's Point of View

Hindi ko maiwasang ngumiti habang pinapanood ko sina Joaquin at Ansherina na nagsasayaw sa dance floor. Bakas na bakas sa mga tingin nila na mahal talaga nila ang isa't isa. Hindi ko naman maiwasang tumingin kina Ken at Ella na nasa harapan ko ngayon, magkatabi sila at magkahawak ang kanilang mga kamay. Napangiti ako ng mapait.

Masakit pa rin pala.

"Ayos ka lang Nath?" Rinig ko na tanong ni Dexter. Tumingin ako sa gawi nila, nakita ko si Nathaniel na naka hawak sa ulo niya habang hinihimas-himas ito.

"Oo, bigla kasing sumakit ulo ko." Sagot ni Nathaniel. Napangiwi ako at nilapitan si Nathaniel.

"Ang putla mo." Saad ko at hinawakan ang braso niya.

Shit. Nilalagnat siya.

"Ang taas ng lagnat mo, Nathaniel. Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko sa kanya. Umiling ito at sumukob sa mesa, masakit siguro ang pakirandam nito.

"Nah, i'm okay. Sabay-sabay tayong uuwi."

"Uuwi na tayo. Ang taas ng lagnat mo! Baka kung mapano ka pa." Halos sumigaw na ako, pero hindi naman rinig ang pagsigaw ko dahil na din sa lakas ng tugtog.

"Mamaya na, nagsasayaw pa 'yung dalawa eh." Sagot niya ulit. Napailing nalang ako.

Tumingin ako kina Joaquin at Ansherina. Parang may tinitignan si Ansherina sa malayo, tinignan ko kung ano 'yung tinitignan niya.

Fvck.

"Umuwi na tayo. Tara na." Sabi ko at agad silang pinatayo.

Nagtataka sila sa kinikilos ko pero wala akong pakialam. Inalalayan namin ni Dexter si Nathaniel, dahil nanghihina na talaga ito.

"Wait, Andrea. Paano sina Joaquin?" Nagtatakang tanong sa akin ni Ella.

"Susunod sila sa atin, tara na." Sagot ko.

Naglakad kami palabas ng hotel. Alam ko na nakita na ni Joaquin kung ano 'yung tinitignan ni Ansherina kanina. Si Azazel. Alam kong makakaya nilang dalawa 'yun, kailangan lang talaga namin umalis ngayon dahil na din sa sitwasyon ni Nathaniel. May masama akong kutob dito.

Pumasok kami sa loob ng van.

Tinignan ko si Nathaniel, shit. Naninirik ang mata nito habang ang kanyang labi ay nanunuyo.

"Sa hospital! Dali!" Sigaw ko.

Sinasadya ang mga pangyayaring ito.

Ansherina's Point of  View

"Saan sila pupunta? Napano si Kuya?" Kinakabahang tanong ko habang nakatingin sa mga papaalis, sina andrea at akay-akay nila si Kuya.

Ayaw akong bitawan ni Joaquin ngayon, hindi ito nakikinig sa akin at parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari. Gusto ko siyang sapakin dahil stress na stress na ako dito, ni hindi man lang ako kayang pakinggan sa mga sinasabi ko.

"Relax, honey." Nakangiting wika nito at inayos ang buhok na napunta sa harapan ko.

"Paano ako magre-relax? Naiwan tayo dito. At sa tingin ko may masamang nangyari kay Kuya."

"They can handle it. All you need to do is to enjoy." Sabi nito at nakangiti pa din. Napa busangot nalang ako at saka siya iniwan dun sa dance floor.

Dumiretso ako sa upuan namin kanina at nagpalumbaba. Bahala siya sa buhay niya, kung gusto niya sa magisang sumayaw doon sa dance floor! Hmmp. Kinakabahan na talaga ako, kutob ko talaga na may masamang nangyari kay Kuya Nathaniel. Gustong gusto ko ng umuwi, iniintindi ko lang si Joaquin. Alam ko naman na may hinihintay na mangyari si Joaquin eh, alam ko na hinihintay niyang lumusob ang mga tauhan ni Azazel. Kahit hindi niya sanihin sa akin 'yun, nahahalata ko naman sa kilos niya.

Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now