Chapter 13: Andrea & Ken (Part 2)

12.2K 450 16
                                    

Ken's POV

Tulad nga ng sinabi ni Nathaniel ay sa kanilang bahay kami guamawa ng Research paper, tae! ang sama ng tingin samin ni ansherina habang papasok kami ng pinto. Pinagmukha niya samin na ang pangit pangit namin pero hindi naman. Pwe! Mas pangit nga siya tapos flat chested pa. Syempre joke lang ang laki nga ng boobs--

"Day dreaming, pare?" Nagulat ako ng magsalita si Dexter sa tabi ko. Putek! Panira ng moment.

"Putek ka Dexter! Panira ka ng moment! Dun na ako sa may climax ng story eh. Tae naman."Sabi ko habang pinapapalo siya sa braso.

"Pinapagana mo na naman yang kabastusan mo! 'Bat hindi ko tumulad sakin? Clean and virgin." Nasuntok ko tuloy siya ng mahina sa sinabi niya.

"Eh tangina ka pala eh! Ano pinapalabas mo? Na hindi na ako virgin?!" Sigaw ko sakanya. Tumango lang siya ng unti-unti. Sa inis ko sakanya tinulak ko siya kaya napa-higa siya sa sahig.

"Ano ba kayong dalawa diyan. Ang daldal niyo. Tss." Naka-kunot noong sabi ni Joaquin habang nagta-type siya sa laptop niya. Buti nalang talaga nasa kabilang kuwarto 'yung mga babae kung 'di kanina pa kami nasabunot.

"Si Ken kasi ang libog-libog!" Sigaw ni Dexter. Tae ka Dexter! Mamatay kana sana.

"Nagtaka ka pa ka Ken? SBM ang tanginang 'yan." Naka-ngising sabi ni Nathaniel. May ngisi-ngisi pang nalalaman! Alisin ko bunganga mo eh! Tae ka! Atyaka anong SBM?

"SBM?" Takang tanong namin ni Dexter habang si Joaquin ay nananahimik lang at patuloy parin sa pag-gawa ng Research paper sa kanyang laptop.

"Ang slow niyo, edi Since Birth Malibog." Natatawang sabi nito, napa face palm nalang ako sakanya.

"Oo nga noh! Bakit hindi ko na-isip 'yon?" Sabi ni Dexter. Jusko. Bakit nagaka-kaibigan pa ako ng ganito ka-siraulo t(-_-t)

"Manahimik nga kayong tatlo diyan! Ituloy niyo nalang ang ginagawa niyo." Sabi ni Leader Joaquin.

"Yes, boss." Sagot namin at nag-salute pa.

"Nathaniel! Saan 'yung CR niyo dito?" Tanong ko. Na-ihi kasi ako bigla.

"Malapit sa may balcony."

"Ah ok." Simpleng sagot ko at lumabas na ako ng kuwarto. Paglabas ko nagulat ako ng Mag-kasalubong kami ni Andrea. Napahinto ako habang siya naman ay tuloy-tuloy lang sa paglakad. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan eh. Kahit na palagi kaming nag-aaway ay pinapansin niya parin ako pero ito talagang pag-aaway na 'to ang pinaka ayaw ko sa lahat. Hindi ko na mapipigilan ang sarili ko kaya hinawakan ko ang kamay niya.

Nagulat siya sa ginawa ko kaya naa-tingin siya sakin at akamang aalisin 'yung kamay ko pero hinawakan ko din 'yung isa niyang kamay. Naka-tingin lang ako sa mga mata niya.

"Ano ba Ken?! Bitawan mo nga ako!" Napa-ngiti nalang ako. Ito 'yung gusto ko eh, 'yung sisigawan niya ako kesa sa hindi niya akp pansinin.

"Sige pa Andrea, sigawan mo pa 'ko." Sabi ko habang naka-pikit at hawak hawak ko parin ang mga kamay niya.

"Nababaliw ka na ba Ken?! Bitiwan mo na nga ako!" Sigaw niya ulit. Tae! This is heaven. Minulagat ko na ang mga mata ko habang siya ay ini na inis parin.

"Andrea bakit kaba nagkakaganito?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Napa-iwas lang siya ng tingin sakin. Putek! Sabi ko na ngaba ay nagawa akong hindi tama.

"Ano bang paki-alam mo Ken? Wala naman diba? Kaya please, bitawan mo na ako." Sagot nito. Pero hindi ko pa din siya binitawan kahit na ihing-ihi na ako.

"May paki-alam ako kase---

"Kase ano?"Tanong niya. Binitawan ko nalang siya.

"Wala. You may go." Naka-yukong sagot ko at naglakad ng patungong CR.

Andrea's POV

"Pahingin lang ako sa may balcony." Walang ganang sabi ko sa mga kasama ko at lumabas na ng kuwarto ni ansherina.

Pumunta ako sa may balcony at umupo dun sa may upuan habang nakatitig sa langit. Bakit ba sobrang un-fair ni Tadhana sakin? 'Yung mga bagay na gusto kong ma-abot ay hindi ko kayang abutin. Tulad ng lalakeng mahal ko, pinag-kait na nga siya sakin pati pa naman siya ay kusang lumalayo. Ewan ko ba kung bakit ganon pero bigla nalang tumulo ulit 'yung mga luha ko nakanina pa gustong tumulo habang nakikita ko siyang masaya habang ako ay nagdudusa.

Pinunasan ko 'yung mga luha sa pisngi ko at bumalik na sa kuwarto pero bigla kong naka-salubong si Ken, hindi ko na lang siya tinignan pero alam kong tinitignan niya ako dahil kitang kita ko naman sa peripheral vision ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, hindi ko inexpect na gagawin niya 'yon. Aalisin ko na sana 'yung kamay ko pero bigla niya ding hinawakan 'yung isa.

"Ano ba Ken?! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sakanya pero ngumiti lang siya na parang baliw. Ito na naman eh! Gusto ko ng maiyak pero pinilit kong pigilan para sa makakabuti.

"Sige pa Andrea, sigawan mo pa 'ko." Sabi nito habang naka-pikit habang hawak parin 'yung dalawa kong kamay. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Ang hirap pala...

"Nababaliw ka na ba Ken?! Bitiwan mo na nga ako!" Sigaw ko na naman ngumiti siya at minulagat 'yung mga mata niya pero bigla din itong sumeryeso.

"Andrea bakit kaba nagkakaganito?" Nagulat ako sa tanong niya. Napa-iwas nalang ako ng tingin... Sorry ken..

"Ano bang paki-alam mo Ken? Wala naman diba? Kaya please, bitawan mo na ako." Mahinahon sa sabi ko pero hindi pa din niya binitawan ang mga kamay ko.

"May paki-alam ako kase---

"Kase ano?" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. Please Ken... sabihin mo naman may pakialam ka sakin. Kahit ngayon lang. Kase ako nahihirapan na ako sa ginagawa ko pero alam kong ito ang makakabuti.

"Wala. You may go." Naka-yukong sabi nito at nag-lakad palayo. Naglakad na rin ako sabay ng mga luhang tumulo sa mga mata ko.

Wala siyang pakialam sakin...

--

New strory released, MARRYING THE PRINCE OF ATLANTIS by CherryBerry016.

New strory released, MARRYING THE PRINCE OF ATLANTIS by CherryBerry016

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Love Duology 1: Helpless LoveWhere stories live. Discover now