Chapter 34: True Friend

10.4K 356 52
                                    

Joanna's Point of View

"Kamusta si Ken?" Tanong ko kay Nathaniel ng makapasok ako sa loob ng hospital room ni Ken. Tulog na tulog siya, habang nasa tabi niya si Ella. Natutulog din si Ella at naka patong ang ulo niya sa hospital bed ni Ken.

"Okay lang siya." Sagot ni Nathaniel at tinuon ulit ang pansin sa cellphone niya, naglalaro kasi ng counter strike tss.

"Anong sabi ng doctor? Bakit hindi daw siya makaalala?" Tanong ko ulit.

"Meron daw siyang post-traumatic amnesia." Matamlay na sagot ni Andrea. Tinignan ko si Andrea, iba ang hitsura niya. Ang laki ng mga eye bags niya tapos 'yung buhok niya parang isang taon na hindi nagsusuklay, ang putla din niya. Naaawa ako sa kanya, she doesn't deserve all those pains and sacrifices. Kung meron man ay si Ella, wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa but i'm just stating the fact.

Grabe naman pala ang nangyari kay Ken. Bakit si Andrea pa ang nakalimutan niya? What the fudge.

Maya-maya bumukas ang pinto ng hospital room at sabay na pumasok sa loob sina Ansherina at Joaquin. Lahat kami ay nakatingin sa kanila, anong nangyayari? At nakangiti pa silang dalawa ah. Hmm, I smell something fishy.

"What's on Earth at magkasama kayong dalawa?" Nagtatakang tanong ko. Para silang baliw na dalawa, nagtinginan pa sila at tumawa.

Umupo sila bakanteng upuan at talagang magkatabi pa. Grabe ah!

"Pfft. Is there any matter with that, sis?" Nakangiting tanong sa akin ni Joaquin. Aish! 'Yung ngiti niya nakakaloko, parang may something sa dalawa na 'to eh. Himala at hindi nagsisigawan.

"Meron! Bakit kayo magkasama ha?" Asar na tanong ko. Naaasar ako sa tingin ni Joaquin.

"WOAAAHH! PAKIALAM MO BA SA KANILA, BABY? PSHH." Tinignan ko ng masama si Dexter, ang epal ng g*gong 'to.

"Baby mo mukha mo." Inis na sabi ko at inirapan siya.

"How's Ken?" Tanong naman ni Ansherina at nakangiti pa din. Ang weird ng dalawang 'to. Atyaka anong nakain nila at umi-english silang dalawa ni kambal? Hay.

"Ayun may post-traumatic amnesia ang g*gu." Ani Dexter.

"What? Grabe naman pala! Paano nangyari na hindi niya maalala si Andrea?"

"Ang sabi ng doctor, dahil daw siya ang huling nakasama ni Ken noon. Hindi nga matandaan ni Ken na naaksidente siya eh, panay din ang pananakit ng ulo niya tss." Hala, ba't ganun? Bigla akong naawa sa panget nilang kaibigan? Pero mas naaawa talaga ako kay Andrea eh.

"By the way, sino magbabantay bukas kay Ken? Hindi naman tayo pwede bukas dahil may pasok tayo. Si Tita naman daw sa Wednesday pa siya makakauwi dito sa Manila." Nagaaalalang tanong ni Nathaniel.

"A-ako na lang." Sambit ni Andrea. Lahat kami ay tumingin sa kanya, parang ayoko ng tumingin ulit sa kanya. Tuwing titingin ako ay nakokosensiya ako, kung sanang sinabi ko kaagad sa kanya ang totoo edi sana hindi nangyari ang lahat ng 'to? Kasalanan ko ito eh.

"Sasamahan ko na siya" Pagpri-prisinta din ni Nathaniel, tumango lang kami. At least, may kasama siya sa pagbabantay.

**

"What? No! Pagkatapos sirain ng babaeng 'yan ang buhay ni Ken? Wala na siyang karapatan pa kay Ken!" Sigaw ni Ella. Nalaman kasi niya na si Andrea ang magbabantay kay Ken bukas, galit na galit ito tila gustong kainin sa galit si Andrea.

"Ella! Hayaan mo siya! Hindi lang naman ikaw ang pwedeng lumapit sa kanya ha? May karapatan din si Andrea, tandaan mo siya ang girlfriend niya ngayon. Sadyang hindi lang siya maalala ni Ken dahil nagka post-traumatic amnesia siya." Sigaw din ni Ansherina. Natatakot ako, may namumuo ng tensiyon sa loob ng kuwarto na 'to.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon