Chapter 68: Spain

2.3K 66 20
                                    

Inalalayan ako ni Hunter habang pababa kami ng taxi, nagpasalamat naman ako sa kanya. Kinuha din namin ang mga maleta sa likuran ng taxi. Tumingin ako sa tapat ng apartment na uupahan namin ngayon, hindi pa kasi nakabili ng condo dito si Hunter kaya dito muna kami sa isang apartment maninirahan. Tinulungan ko naman siya na magdala ng mga maleta papasok ng apartment. Ramdam na ramdam ko na ang nakakapanigas na klima dito sa Espanya. Spring na pala dito kaya sobrang ganda ng mga bulaklak na nadaanan namin habang nagbi-biyahe kami kanina papunta dito.

"You should take a rest, para maipasyal kita mamaya sa Barcelona." Tumango naman ako sa kanya. Pinasok namin sa loob ng kuwarto ang mga maleta at baka bukas nalang namin ilalagay sa loob ng closet.

"Teka, isang kuwarto lang ba ang meron dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pagkatapos namin libutin ang buong apartment.

"Yes, ahm sa living room naman ako matutulog. Ikaw diyan ka sa kuwarto." Sabi nito. Umupo siya sa may sofa, at inalis ang mga sapatos niya.

"Ha? Sigurado ka? Walang heater diyan sa sa living room. Baka lamigin ka." Umiling naman ito sa akin at ngumiti. Bigla tuloy ako nakonsensiya.

"I'm fine with it, sige na, matulog ka na muna." Tumango nalang ako at nahiga na sa kama. Sakto naman na katapat ng pintuan ng kuwarto ang sofa kung saan nakahiga si Hunter kaya nakikita ko siya.

Nakahiga lang ako pero hindi ko magawang matulog. Iniisip ko kasi ang mga bagay at tao na iniwan ko sa Pilipinas. Simula ng umalis ako sa grupo ay hindi na nagpakita sa akin ang mga kaibigan ko, hindi ko na din sila nakausap bago ako umalis. Matindi siguro ang galit na mayroon sila sa akin, balang araw naman ay maiintindihan nila kung bakit ako umalis sa grupo. Marahil ay galit sila sa akin ngayon dahil hindi nila alam ang aking dahilan kung bakit ako umalis.

Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.

--

Nagising ako ng marinig ko ang ingay ng tinatadtad na bawang na nagmumula sa kusina. Mabilis akong napabangon sa hinihigaan ko ng ma-realize na umaga na pala! Ibig sabihin hindi na ako nagising pa kahapon dahil tuloy-tuloy na ng tulog ko. Dala siguro ng matinding pagod. Kinuha ko 'yung jacket ko na nakasabi sa may doorknob ng pinto at pinatong ko ito ngayon sa suot kong longsleeve.

Nagtungo ako sa may kusina, nakita ko si Hunter na nagluluto ng agahan. Umupo ako at pinagmasdan siyang nagluluto.

"Mukhang masarap 'yan ah." Pang-e-echos ko sa kanya. Bigla naman itong lumingon sa akin at natawa, kaya napangiti tuloy ako sa kanya.

"Matitikman mo din mamaya." Wika nito at kinindatan pa ako. Bigla tuloy akong napanguso para mapigilan ang pag-ngiti, grabe! Bakit kailangan niya pang kumindat pagkatapos niyang sabihin 'yon? Mukha tuloy akong kamatis dito dahil sa sobrang pula.

Pagkatapos niyang magluto ay inihanda na niya ito sa mesa.

"Tulungan na kita." Tatayo na sana ako kaso bigla niya akong pinigilan sa pamamaraan na hawakan niya ang baywang ko. Nagsitayuan tuloy ang mga balahibo ko sa katawan. Gosh! Di ko ata kakayanin ang mga galawan na ganito ni Hunter.

"Ako na, hindi dapat napapagod ang isang napaka gandang binibining katulad mo. Maupo ka nalang." Nakangiting sabi niya at inalalayan pa akong umupo. Para tuloy akong maamong aso na napasunod ng kanyang amo. Nababaliw na talaga ako sa mga galawan ni Hunter! Hay.

Nilagyan niya pa ako ng ulam at kanin sa plato. Kulang nalang ay subuan na niya ako. My goodness!

Hindi tuloy ako makakain ng maayos dahil nasa harapan ko siya. Alam ko na pinagmamasdan niya ako kaya hindi ako lumilingon sa kanya. Duh! Baka mabilaukan pa ako kapag nakita ko siya na nakatitig sa akin. Major turn-off kaya 'yun. Pero gosh, ayoko naman kasi na tinitignan habang kumakain. Feeling ko tuloy ay buto't balat nalang ako paguwi ko ng pilipinas, dahil na din lagi kong kasabay na kakain itong si Hunter at hindi nun ako makakakain ng maayos.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon