CHAPTER 18

5.5K 153 40
                                    

ALYSSA

Pigil na pigil ang sigaw ko ng marinig ko ang sagot niya sa akin.

"She's crying Kiefer. For Pete's sake isang sorry lang hindi mo pa magawa. Kapatid mo yun." Sabi ko and crossed my arms.


He just gave a bored look and continue drinking.


"What? Titignan mo lang ako. I know may kasalanan yung bata pero talaga bang sa harapan ko doon mo pa talaga siya sesermonan? Napahiya yung bata sa harap ko kiefer. Nagtatago nga sa akin kanina." Sabi ko at pilit na kinuha sa kanya yung kopita.


Tinignan niya lang ako at lumapit sa table dito at tumungga sa mismong bote ng alak.




"Kiefer! Please naman! Pagod ako huwag ka naman sumabay!" Sabi ko napipikon na ko sa kanya.



"Wow! Ly ikaw pa ang nagagalit ngayon!? Hindi niyo alam kung anong nararamdaman namin na naghihintay dito!" Sabi niya sabay lapit sa akin.



"That's why she said sorry na nga diba?" I answered him. "Sobrang liit na bagay pinapalaki mo? Ang childish mo!" I said and clenched my fist.



"What the fuck!? Can a single message is really hard to give huh!? Isang message lang na nagsasabi na okay kayo at malelate kayong umuwi!?" Sabi niya sa mataas na boses na.



"Can't you understand, na dead battery nga ako. Makikitext na ko sana kay Dani but she feel asleep at kausap naman ni Bea ang parents niya!" Sabi ko at mataas na din ang boses ko. Kung nagagalit siya pwes mas nagagalit ako.




"Hindi kayo pamilyar sa lugar na to paano kung anong nangyari sa inyo huh? Paano kung hindi na kayo nakabalik? Paano kaming naghihintay dito? Paano kaming mga nag-aalala huh Alyssa? Go answer me! And now I'm overreacting? Oh yes!! I am natatakot ako Alyssa, takot na takot ako kanina!!" Sabi niya at sumigaw na talaga.



"Fucking Shit!!" Sigaw pa ni Kiefer at sinipa ang couch dito. "This talk is useless! Kung hindi mo kayang pahalagahan ang mga taong nagbibigay ng halaga sayo then hindi talaga tayo magkakasundo! Alyssa I'm trying, I'm trying to work this relationship!" Huling sabi niya at lumabas ng kwarto namin.





Napaupo na lang ako sa kama at napaiyak. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga sinabi niya. Ngayon na lang ulit may nagpahalaga sa akin ng ganito.

I grew up under my grandparents roof, I'm sharing everything with my cousin, Eury. Kung anong mayroon ako kailangan mas doble sa kanya. Ayaw niyang nakakaangat ako sakanya. My lolo is not fond of me, ayaw niya kasi sa Papa ko. And Aunt Editha, Eury's mother hates me also.


Yung mga kasambahay lang ang naging kasa-kasama ko habang lumalaki ako. Yeah, I studied at prestigious university but hanggang doon lang. Binibigay ni Lolo ang lahat ng kailangan ko pero hanggang doon lang, hindi niya ako gusto hindi niya ako mahal, na pati ang kahuli-hulihang alaala ng Nanay ko sa akin pinahirapan niya na makuha ko.




Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng kwarto namin sumilip ako sa baba at nakita kong nakayakap si Dani kay Kiefer at inaalo naman to ni kiefer.

"Stop crying, Dani." Sabi niya




"Manong, I'm really sorry. Natuwa lang naman ako na na-meet ko na si Ate Alyssa sa personal. At napasarap lang yung pag-uusap namin kanina. Nakalimutan namin yung oras. Sorry talaga, Manong huwag ka ng magalit kay ate Aly please." Sabi ni Dani at mas yumakap ng mahigpit kay Kiefer.




"Okay na, sige na tama na ang iyak, Danielle Theris. Love ka ni Manong hindi niya kayang magalit ng sobra sayo." Sabi niya. "Sige na, may tatapusin pa ko sa hotel. Mamaya na ko babalik." Si kiefer at umalis na.





Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now