CHAPTER 16

5.6K 134 24
                                    

KIEFER

After our lunch nagkayayaan sila Dani na mag-stay sa labas. I gave them the cottage na malapit lang sa dagat.





Nakita ko si Alyssa na nag-eenjoy sa company ni Dani at Bea. Hindi mo iisipin na ngayon lang sila nagkakilala dahil super close na kaagad hindi ko na nga mahiram si Alyssa. Laging may sagot si Dani sa lahat ng sasabihin ko.





Like. "Ilang taon mo siyang pinagkait na makilala namin?" Or " ilang days na kayo dito? Di pa ba sapat yun, sa amin naman na si Ate Ly now." Nakakarindi si Dani. Now I know kung anong nararamdaman ni Thirdy.







"Baka naman matunaw si Alyssa sa tindi ng pagtitig mo." Sabi ni Papa at tumabi sa akin. "I like that girl already, mabuting tao at alam ko kapag siya ang nakasama mo magiging maayos ang future mo." Dagdag pa ni Papa at inabot ang isang bote ng beer.








"You think so?" I asked him. "She's amazing, Papa." Hindi ko napigilan na mapangiti nang makita kong nagtatawanan si Alyssa at si Mama.






"Look at your Mama, naalala ko ganyan din siya noon kay Bea. Nakita mo naman kanina pagkababa ni Alyssa talagang sinalubong niya kaagad. Huwag mo ng pakawalan yan, Anak." Sabi ni Papa.





"Yes, Pa hinding hindi na talaga." I said.






"Paano kayo nagkakilala pala? Wala kang nabanggit sa akin na may kilala ka palang modelo?" Tanong niya napatigil naman ako. Kahit na ready akong sagutin to kinakabahan pa din ako hindi ko nasabihan si Alyssa dito.






"Business Pa. She's into business din naman. She have boutiques na sa Europe tapos kakabukas lang nung branch niya dito sa Pilipinas. She have a talent with drawings." I said at naglakad kami ni Papa palabas sa veranda.




"Gusto ng Mama mo ipa-renovate ang bahay sa Iloilo pati daw ang interior gusto niya. Baka gusto ni Alyssa na siya na lang ang maggawa, sabihan mo siya ha tapos magbakasyon na din kayo doon?" Sabi ni Papa at nakangiti sa akin.





A vacation in my hometown sounds good. "I will Pa. I accidentally saw her sketchpad and mayroon siyang mga designs ng bahay, her condo in Paris siya mismo ang nagdesign ng loob." Sagot ko sa kanya.






"So? Kailan ang kasalan?" He asked me with a playful smile.








Iniwas ko ang tingin ko kay Papa at nakita ko si Alyssa na kausap pa din si Mama. Kanina nainis talaga ako sa kanya sasabihin ko na sana kay Mama na mag-asawa kami pero pinutol niya ako. As much as possible ayaw ko ng nagsisinungaling sa pamilya ko lalo na kay Mama alam ko kung paano magtampo yan.






"Too early pa to settle down, Pa. And malamang si Alyssa hindi yan papayag." I answered and sip my beer.









"Yung pictures niyo sa Paris na lumabas diba matagal na yon? So ibig sabihin matagal na din kayo, ano pang hinihintay niyo bakit hindi pa kayo magpakasal? Bigyan niyo na kami ng Mama niyo ng apo. Ang tagal ng walang baby ng pamilya." Sabi ni Papa na nakangiti sa akin.







"Gusto niyo na ba ng apo?" Biro ko sa kanya.








"Loko! Pakasalan mo muna si Alyssa bago mo buntisin nakakahiya sa pamilya niya." Sagot sa akin ni Papa.





"Pa, kung alam niyo lang. Matagal na kong kasal." Sa isip ko at napapikit na lang.








Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now