CHAPTER 13

5.4K 134 35
                                    

KIEFER

Tumayo lang ako sa labas ng pinto ng CR, alam ko badtrip na to si Alyssa.




Napatayo ako ng tuwid nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. "Babe?" I said




"Mag shower ka na, kanina ka pa nakababad sa tubig." Sabi niya lang sa akin.





"Babe, pagpasensyahan mo na si Candra ha, sure naman akong hindi niya sinasadya yung sinabi niya sayo kanina. Mabait si Candra babe magkakasundo kayo." Sabi ko at nasalubong ko ang masamang tingin sa akin ni Alyssa.




"Pagsabihan mo yang kaibigan mong masyadong pabibo ha, mabait ako oo pero kaya ko din magmaldita kiefer." Sabi niya tapos dumiretso siya sa vanity mirror.




"Pero, Babe mab--." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil ang sama sama na ng tingin sa akin ni Alyssa.




"Sige! Magsalita ka pa, huwag mo ng dagdagan ang kabadtripan ko kiefer ha." Sabi niya and rolled her eyes on me.





Napalunok ako bigla. "Babe? Bonfire later. I'll cook our dinner." Sabi ko biglang takbo papasok sa bathroom baka mas lalong mabadtrip si misis.

***


Pagkalabas ko ng bathroom nakita ko si Alyssa na natutulog na. Inayos ko lang yung ibang gamit namin at nagdesisyon na tumabi sa kanya. Nakatalikod siya sa akin kaya niyakap ko na lang siya.





Umungol si Alyssa at mas lalong sumiksik sa akin. Sa ilang araw na magkasama kami ni Alyssa nasanay na ko na matulog katabi niya kapag nagigising akong wala siya sa tabi ko natatakot ako na baka umalis siya na baka iniwan niya ko at hindi na siya magpakita sa akin.





I sigh deeply, masarap palang may nag-aalaga sayo. Yung may nagpaparamdam sayo na hindi ka nag-iisa. Dati tinatanong ko sila Von anong feeling ng isang babae lang, yung long term relationship at ang mga gago ngingitian lang ako at palaging sinasabi. "Too say the word happiness is an understatement." Ngayon, alam ko na. Nararamdaman ko na talaga.





Gumalaw si alyssa at humarap sa akin at hindi ko napigilan na halikan siya. Kumunot naman ang noo niya at napangiti ako ng tuluyan.




"Manyak mo talaga, Kief." Bulong niya at tuluyan na akong natawa.




"Hindi ba pwedeng gandang ganda lang ako sa asawa ko, at babe naman kasalanan mo naman eh, marupok ako Babe." Sabi ko sa kanya at natatawa na ko sa reaksyon niya.




"Tsee." Sigaw niya tapos lumayo sa akin.




"Ang pikon pikon talaga ni Misis oh!" Sabi ko at lumapit ako sa kanya. "Anong gusto mo para sa dinner natin?" Tanong ko sa kanya then I planted soft kisses on her shoulder.




"Kahit ano, alam mo naman na lahat kinakain ko diba?" Sabi niya sa akin. "Kief, I miss my boutique hindi ko na alam kung anong nangyayari doon. Wala pang signal dito." Sabi niya sa akin.





"Bukas babalik na tayo sa resort. Tapos pwede naman tayong pumunta sa manila pero babalik din tayo dito ha." Sagot ko sa kanya at mas hinigpitan ko ang yakap ko, ayan na naman yung takot ko na baka takasan niya ko.





"Promise? Pupunta tayo sa Manila?" Tanong niya.



"Yes po, pupunta tayo sa Manila alam ko naman na miss na miss mo na ang boutique lalo na ang staff mo." Sabi ko sa kanya.





Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now