Chapter 53

9.1K 123 24
                                    

Chapter 53



Bigla siyang napangisi at bumalik sa desk, niya, "That's impossible, Uriela." Inaayos niya ang mga gamit niya sa desk pero pabalang niya itong inaayos. "I won't go with you. I won't go anywhere with you."

"At bakit hindi?"

Napatigil naman siya sa sinabi ko. Tumingin siya ng malalim sa akin, "Anong 'bakit'? What do you expect? Pupunta ka dito, at walang pasabi na papasok sa opisina ko para lang i-blackmail ako, and you expect me to go with you?" Matigas niyang tanong. "Ano ba? Ano bang iniisip mong meron tayong dalawa?"

Bigla akong natawa. Lumapit ako sa desk niya, nilapag ang mga kamay ko doon at nilapit ang mukha sa kanya, "Wala. Why so mad, Brylie?" Ngisi ko sa kanya. "I was just kidding. Did you really think na pumunta ako dito para lang sayo?"

"What do you mean?"

"Pumunta ako dito for a vacation. I am with Jave. I am not joking, I swear," Itinaas ko pa ang kanang kamay ko. "Hindi ko naman kasi akalaing nandito ka rin. Akala ko kasi, stino-stalk mo ko eh.." pabiro kong sabi.

"Baka ikaw ang stalker?" matigas niyang tanong. "Look Uriela, hindi kita stino-stalk. What made you think na gagawin ko yun? Wala akong gusto sayo. Sa ating dalawa, ikaw lang ang may malaking dahilan para sundan mo ko dito sa New York."

"Hah!" I scoffed. "Akala mo---" My voice trailed off. Ano bang pwedeng masabi? Parang sa sinabi niya, hindi ko maggawang makasagot. Bigla akong nakaramdam ng inis. Umiwas na lang ako ng tingin at naglakad lakad sa office nya. Napansin ko naman ang isang picture fram na may litrato ng parents nya at siya nung bata palamang siya.


Naalala ko nung kinwento nya ang nangyare sa parents nya sa akin. Pakiramdam ko noon pinagkakatiwalaaan na nya ko dahil sa dinami dami ng tao, ako pa ang napili nyang pagkwrntuhan.


"Excuse me, but you may go now. I have something more important to do than to entertain you," Sabi nya at inagaw sa akin ang litrato. Dumirecho naman siya sa pinto at siya na ang nagbukas nito para sa akin.


Kahit naiinis ako ay ngumiti parin ako sa kanya. Dumirecho ako sa pinto pero tumingin muna ako sa kanya, "You're forever gentleman, Brylie. Thank you." Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.


Napansin ko ang paninigas ng kanyang katawan. Agad naman akong lumabas ng office nya. Sa simpleng paninigas nya ay nawala ang init ng ulo ko. Dahil doon ay nalaman kong, may epekto parin ako sa kanya. Hihi.


Naglalakad na ko at may kinakalikot ako sa bag para tawagin si Jave ng may makasalubong ako. Agad na tumilapon ang phone ko. Bigla akong nakaramdam ng inis. Hindi dahil sa nasira kong phone. Ang dali dali lang bumili ng phone eh. Ang nakakainis lang ay nakakawala ng sosyal. Baka nakita pa ni Brylie yung nangyare.


"Oops! Sorry!" Sabi nung lalakeng nakabangga sa akin. Agad naman nyang kinuha ang phone ko. "Sorry! I wasn't able to see you. Here's your phone babe."


Dahil sa sinabi nya ay napatingin ako sa kanya at siya sa akin. Nagulat ako ng makilala ko siya. Siya yung lalake sa eroplano!

"Its you!" nakangiti nyang sabi. "It's you!"


"Sorry?" Syempre, deny deny rin. Dahil pag nalaman nyang pumunta ako dito para kay Brylie at pag nalaman ni Brylie na binlackmail ko ito ay baka masira pa ko.


Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingWhere stories live. Discover now