Chapter 74

5.8K 120 21
                                    

Chapter 74

Nagising ako dahil sa mabagong naaamoy ko. Napangiti agad ako ng si Brylie ang unang pumasok sa isip ko.

Bumangon ako at sinuot ang tshirt ni Brylie na nakakalat sa sahig. Kagabi, ay isa sa pinakamagandang gabi ng buhay ko.

Pagkalabas ko ay agad kong nakita ang likuran nya sa kusina. Napangiti ako at dahan daan na naglakad papunta sa kanya at tahimik na niyakap sya mula sa likuran.

"Goodmorning, Brylie," bulong ko at hinalikan ang likuran nya.

Napansin ko ang kamay nya na nakahaawak sa spatula. Bigla akong napatiil ng makita ko ang isang pamilyar na singsing at doon ko nalaman na hindi iyon ang taong inaasahan ko.

Napaalis ako ng yakap at agad na tuminok ng malakas ang puso ko.

Lumingon sa akin si Feli na may malaking galit sa mukha nya, "Tama ba ang narinig ko?" aniya.

"F-feli.." mangingiyak ngiyak ko ng sabi. Naglakakad ako g paatras samantala sya'y palapit ng palapit sa akin.

Tinignan nya ko mula paa hanggang ulo.

"Sa lalake mo ba yang suot mo? Kay Brylie ba yan?" aniya. Di ako nakasagot sa takot, "Nakakadiri ka! Ito ba ang ginagawa mo habang nagpapakapagod ako sa opisina?! Nakikipaglandian sa lalake mo!? Napakawalanghiya mo!"

At kasabay noon, ang malakas na pagsampal nya sa mukha ko...

------

Bigla akong napamulat.

Panaginip lang pala.

Doon ko lang napansin ang mabilis na pagtibok ng puso ko at pawis ko.

Napatingin ako sa tabi ko, upang asahan si Brylie doon pero wala sya.

Bigla akong nakaamoy ng isang pamilyar na amoy. Isang mabangong amoy ng pagkain. Yung amoy mula sa panaginip ko.

Bigla akong kinabahan.

Tumayo ako at nakita ang parehong tshirt ni Brylie na nakakalat sa parehong puwesto kun nasaan ito sa panaginip ko.

Hindi kaya....iba rin ang madatnan ko?

Lumabas ako at sumilip mula sa pinto. Nakita ko ang pamilyar na likod sa kusina at busyng busy ito sa pagluluto.

"Brylie?" halos bulon kong tawag.

Biglang syang lumingon at ngumiti, "Gising na pala ang mahal ko!"

Napahinga naman ako ng maluwag.

Lumabas ako n pinto at nilapitan ako ni Brylie, "Goodmorning," ngiti nya.

"Morning," sambit ko na lang.

Hindi pa ko makangiti mula sa napanaginipan ko. Parang sobrang totoo.

"Okay ka lang ba? Maayos ba tulog mo?"

"Okay lang ako," sinubukan kong ngumiti para magmukha namang kapanipaniwala.

"Osige. Just do whatever you need to do and I'll set the table okay?" Hinalikan nya ko sa noo at pumunta na muli sya sa kusina para tapusin ang mga kailangan tapusin.

Bumalik ako sa kwarto at pumunta sa banyo. Napatingin ako sa salamin sa sarilli ko.

Para saan iyong panaginip na yun?

Babala na ba yon? Dapat na ba kong kabahan?

Napailing ako, "Panaginip lang yon, Uriela. Wala kang dapat isipin. Hangga't hindi pa nya alam, walang mangyayareng masama..." Napatigil ako. "Pero hanggang kailan?"

Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingWhere stories live. Discover now