Chapter 84

3.7K 111 15
                                    

Chapter 84

Uriela's POV

Dalawang linggo na ako nandito sa hospital. Araw araw akong chinecheck up at sinusuri ng doctor kung okay na ako. Medyo masakit pa ang tahi ko pero medyo naghilom na ito. Pero hindi iyon dahilan para hindi ko mapuntahan ang anak ko sa NICU. Araw araw ko rin syang tinitignan, kahit masakit ang katawan ko. Kasi sa bawat tingin ko sa kanya, tama na yon para mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Tama nga si Brylie. Nagmana sa kagwapuhan nya. Napapangiti na lang ako dahil kahit wala minsan si brylie dahil kailangan nyang umuwi at kumuha ng mga gamit, parang tinitignan ko narin si Brylie. Parang carbon copy lang. Itong batang toh ang simbolo ng pagmamahalan at simbolo ng lakas namin sa bawat pagsubok na dumating sa amin.

Nag away kami, naghiwalay, nagkaroon ng gantihan at napuno ng galit at poot ang mga puso namin, pero mas nangibabaw parin ang pagmamahalan naming dalawa. Hindi ko lubos akalain na si Brylie ang magiging ama ng anak ko. Hindi ko lubos akalain na sya ang makakatuluyan ko.

Masasabi kong sa kabila lahat ng nangyare sa akin, sa kabila lahat ng mga kasinungalingan na naggawa ko, masuwerte ako dahil may tao paring tumanggap at nagtiyaga sa akin. Masuwerte ako at nariyan parin si Brylie.

Hinatak ni Brylie yung upuan papunta sa tabi ng kama ko, at umupo sya doon. Hinawakan nya ang kamay ko.

Tinitigan ko sya. Napatingin naman sya at halatang nagtataka sya kung bakit ako nakatitig sa kanya

Tinitigan ko ang gwapo nyang mukha. Dalawang linggo na nandito si Brylie. Hindi nain sya pumapasok ng kumpanya para bantayan ako. Halata naman sa mukha nya ang puyat, at yung araw araw na pag aalalaga at pag aalala sa akin at sa baby namin.

"Wag mo naman akong titigan ng ganyan," ngising sagot naman ni Brylie.

Umupo ako at hinagkan ng dalawa kong kamay ang mukha nya, "Kawawa naman ang mahal ko. Mukhang pagod na pagod na sya sa pag aalaga sa akin."

Ngumisisya at tinanggal ang mga kamay ko sa mukha nya, "Uriela, ano ba yan..."

"Wait lang Brylie," nilagay ko parin ang mga kamay ko sa pisngi nya at inamoy sya sa leeg nya. Napangti naman ako sa amoy nya. Kahit mukhang hindi sya naligo, andon parin yung amoy Brylie na kinalolokohan ko nung college kami. "Bango."

Tumawa sya, "Uriela, ano? Naglilihi ka na naman ba? Dont tell me, magiging panganay na agad yung anak natin?"

"Bawal na ba kong manglambin sayo?" tanong ko. "At tsaka hindi, ano ka ba. Maha na mahal lang talaga kita, at hindi ko kayang nakikita na pagod na pagod ka."

Niyakap ko sya, kahit medyo umaray ang tahi ko pero, okay lang.

"Hindi ako pagod, okay? Never akong mapapagod."

"Never daw."

"Dont you trust me?"

Bumutaw ako sa pagyayajap sa kanya, "Syempre pinagkakatiwalaan kita. Ang sa akin lang, sa dalawa mong linggong pagbabantay at pag aalaga sa akin dito, hindi mo na na aalagaan yung sarili mo."

"Makakapaghintay naman ang sarili ko. You're always my firs priority and our child. At mas kailangan mo ko ngayon," sagot naman nya.

Tinitigan ko sya sa mga inaantok nyang mata. Nakalapat parin ang isa kong kamay sa pisngi nya habang hinahawak hawakan ang buhok nya,"Alam ko naman yon. Pero wag na wag mong kakalimutan ang sarili mo okay?Ayokong nakikita kang stress."

"Hidi ako stressed. At wag mong sabihin yan dahil parang sinasabi mo lang din na nas stress ako sayo, which will never going to happen. This is my job, and my job is to take good care of you," hinawakan nya ang kamay ko na nasa pisngi nya at hinalikan ito.

Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingWhere stories live. Discover now