Chapter 45

10.8K 125 30
                                    

Chapter 45









"You'll be suspended for 1 month for posting those malicious photos on the bulletin board! Understand?!"



Tumango na lang ako. Pinalabas na ko. hawak hawak ang detention slip, tumakbo ako papuntang banyo. May mga babae doon na agad naman akong napansin. Ang nakakagulat lang ay dali-dali silang nagligpit ng make up kit at lumabas.



Malamang, pati sila nakita nila ang mga pictures ko na yun---panty at bra---lang ang suot.



Napakagat ako ng labi ko ng alalahanin ko ang mga iyon. Yung mga pictures. Si Juro. Kaninang umaga. At si Patty.



Nanghihina ang loob ko. Hindi ko akalaing magiging ganito. Hidi ko akalaing sa isang buwan kong kasama sila Patty, hindi pala sila maging totoo. Plastikan kung plastikan.



Tumulo ang luha sa mga mata ko. Pumasok ako ng isang cubicle at umupo sa sahig. Nkdantay ang mga braso sa tuhod at itinago ang mukha kodoon. Doon ko na binuhos lahat ng inis at galit ko--sa pag-iyak.



***



Pagkalabas ko para kumain sa canteen ay tama ang hinala ko; nakatingin na naman silang lahat sa akin.



Dinirecho ko na lang ang tingin ko. Syempre, advantge din yun sa akin dahil nakasingit ako sa pila. Magisa naman akong umupo sa canteen; katabi ng mga basurahan. Nakakailang lang kumain dahil lahat ng mata nakatitig sa akin.






Pero napatungo naman ako ng may grupo ng kababaihang---kilalang-kilala ko--- ang umupo sa harapan ko.



"Hi honnn!" Nakangisi niyang bati sa akin.

"Pat, could we just live?" maarteng tanong ni Madeline.



Ngumisi sa akin si Patty, "Don't mind her hon." pinalo pa niya ko ng marahan sa kamay na parang walang nangyare. "So what's up?"

Huminga ako ng malalim, "Okay lang naman."

"So we heard what happened. You got suspended, again? Why?"

"Dahil sa mga photos kanina sa bulletin board." tinaliman ko siya ng tingin.

"OHMYGOSH! Sino naman kaya ang gagawa nun? Siguro may malaking galit sayo yung gumawa nun noh?" sabi ni Patty.



Tinitigan ko siya.



"Siguro nga."

Hinawakan niya ko sa baliakt, "That's okay hon. You're gonna pass through that." Ngisi niya. "Always remember that we're here. Through thicks or thin."





MAs tinitigan ko siya. Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumayo na siya at naglakad palayo kasama sila Madeline.



Kung makapagsalita siya, parang hindi siya ang gumawa nun. In the first place, bakit ko nga ba iisipin na sila Patty ang gumawa nun? Wala naman akong pruweba na siya ang gumawa nun diba?



**





Sa mga sumunod na mga araw, nararamdaman ko na lahat ng mga pagbabago dulot ng mga pictures ko. Marami ng nagibibigay ng hate mails sa locker ko o di naman kaya punong-puno ng mga sulat ang table ko na naglalaman kung gaano nila ako inaayawan at kung gaano sila nalalandian sa akin.



Slut....

malandi...

Hitad...





Tinapon ko sa basurahan yung mga sulat ko. Nakita ko sila Patty at Madeline na kapapasok lang at agad naman akong pumunta sa kanila.



Nang nakita nila ako ay nginitian ko sila. Pero imbes na ngitian pabalik, ay sinukatan nila ako ng tingin at inirapan. Ano yun?



Ilang beses kami nagkakasalisi pero hindi nila ako sinusubukang makasalubong ng tingin. Kung mangyare man yun, ay iirapan nila ako at iiwas ng daan. Nasaan na yung mga nakasama ko ng isang buwan mahigit? Siguro nga napagbintangan ko sila, pero tulad nga ng sinabi ko, wala akong pruweba kaya inalis ko na yun sa isipan ko.



Kaya kaninang break ay pinuntahan ko sila sa table.





Sinalubong naman ako ng mataray na tingin ni Madeline, "And why are you here?"

"Dito ako kumakain eh."



Humarang naman si Patty sa pagitan naming dalawa ni Madeline. "Excuse me Uriela, but you're no longer with us."

"Ha? Eh diba sabi mo--"

"I'm sorry to say but you're no longer with us, dear. Promises are meant to be broken."

"A-ano?"

"In the first place, masama ang loob naming lahat sayo."



Nagpasalit salit ang tingin ko sa kanilang lahat.





"Pagkatapos mo kaming pagbintangan na kami ang gumawa ng pagdikit ng mga pictures mo sa bulletin board? Do you know how we felt about that?"

"Patty--"

"We don't need your explanations Uriela. Tapos na. Pinagbintangan mo na kami. At masakit sa isang kaibigan ang pagbintangan ng kaibigan niya."





Niyakap siya ni Madeline. Nakita ko ang paghikbi ni Patty. Tinignan ako ng masama ni Madeline. "Get out of our sight, Uriela. KAlimutan mo na lahat ng mga pinagsamahan natin. At kakalimutan ka narin namin."



Patalikod akong naglakad palayo sa kanila habang tinignan silang lahat.



"You didn't do anything good, Uriela. You would always be a disappointment."





***





Dumaan ang mga araw na wala akong kasama. Si Brylie? Hindi ko na siya nakikita. Tuwing klase lang. Pero alam niyo yung nakakaiyak? Yun yung nagpalipat siya ng upuan. Hindi ko pa siya nakakausap.



Pasulyap-sulyap ako sa kanya, pero ni isang sulyap, hindi niya ginagawa sa akin.





Nakatingin lang ako sa kanya, at nabigla ako ng mapatingin din siya sa akin. Nanlaki ang mata ko pero sinubukan kong ngumiti, pero bago pa ko makangiti at nakaiwas siya ng tingin at nagsisimula na siyang makipagusap sa katabi niyang babae.





Nagmag break ay parang wala man lang ako kagana-ganang bumaba. Kung dati kasi, may kasama pa ko. Sila Judith at Summer.



Ngayon, wala na. Kasi kahit pati sila, pinagdududuhan narin ako. Yung mga lalakeng patay na patay at halos magkandarapa sa akin? Pati sila nawala narin.





"Ang ganda niya, sana maging kasingganda niya ko."





Sana nga naging kasing panget na lang ako ng iba. Iniisip ko nga, ano bang ikinaganda ng maganda? Bukod sa marami ka ngang admirers, kasing dami naman nila ang mga haters mo. Hindi pwedeng malinis ka palagi. May pagkakataon talaga na may pontio pilatong sisira sa pangalan mo. At sila ang mga insecure.





Habang naglalakad ay nakita ko si Jave. Nags-skateboard siya, malamang. Kaya naman tinawag ko siya.





"Jave!"

Napalingon siya at parang nagulat pa kaya tumango na lamang at naglakad na palayo. Pero dahi desperada ako na may makasama ay hinabol ko siya.



"Jave, iniiwasan mo ba ko?"

"bakit naman kita iiwasan?"

"Hindi ko alam sayo. Dahil ba kila Patty? Wag mo na silang alalahanin. Kasi kahit sila tinalikuran nila ako."

"Kaya ka sumasama sa akin ngayon?"



Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.



Umiling siya, "Kilala mo ko Uriela. Palagi akong nasa tabi mo, kahit nandyan yung mga 'bago' mong mga kaibigan. Pero ikaw narin ang nagbigay ng dahilan para lumayo ang loob ko sayo."

"Jave naman--"



Umiwas siya, "Uriela, wag mo sanang kalimutan na ikaw ang gumawa ng dahilan para tanggihan kita ngayon. I'm sorry."





Bitbit ang kanyang skateboard ay umalis siya at iniwan akong mag-isa. Kahit si Jave na nandyan para sa akin, nilayuan narin ako. Kasalanan ko eh.



Pumatol ako sa mga inakala kong totoo sa akin. Iniwan ko yung tunay na nagmamahal sa akin. Niloko ko yung taong mahal ko. Kaya nga, wala na ang lahat ng naging sa akin.





Ito na siguro ang karma ko.





***





"Manang naman! Hindi pa nga po ako nakakasuweldo.."

"Kasi nabarkada ka!? Sinasabi ko na nga ba't walang magandang maidudulot yang mga naging kabarkada mo eh!"

"Sa susunod na buwan na lang ako magbabayad."

"Wala! Ilang beses na kita pinatawad pero ano? Alam mong bata ka, hindi naman pera ang hinahabol ko sayo eh. Pero habang tumatagal, wala ka ng nagagawang tama sa buhay mo."





Napayuko na lang ako habang sinasabon ako ni Manang Pusit.





"Hala sige. Kung ayaw mong makinig sa akin, umalis ka na lang dito! Binubwisit mo ko." Pagkatapos nun ay umalis na si manang at nagpunta sa kwarto niya..





Wala na kong naggawa kundi magligpit ng sarili kong mga damit. Tinutulungan naman ako ni Nessa magligpit ng mga damit ko.



"Oh eto na lang mabibigay ko sayo eh." Sabay abot niya ng pera.

"Jusko naman Nessa, wag na. Ipon mo yan."

"Ayoko namang umalis ka dito na walang nagagawa diba? Kahit naman muhkang kinalimutan mo na ko dahil sa mga sosyalin mong mga kaibigan, kaibigan parin naman kita."





Napangiti ako sa sinabi niya. Pagkatanggap ng pera ay niyakap ko siya, "Salamat Nessa."




Hindi ko alam kung saan ako mananatili pansamantala. Hanggang sa maalala ko yung club.





"Oh! Sa wakas at nagpakita karin!" bungad sa akin ni Kevin.


"Kevs--"


"Wag mo nga kong matawag-tawag na Kevs dyan. Hindi tayo bati, kala mo. Imaw tong di magpapakita n isang buwan." Inismidan nya ko.

"Kevs naman eh..."


"Kevs nemen eh? Anu ba! Ikaw naman kasi! Hindi ka man lang nagparamdam ng isang buwan at pupunta ka na lang bigla dito? Anonggusto mong isipin ko?"

"Kaya nga gusto kong mag-sorry eh.."


Tinalikuran nya ko at nagpout siya.



"Kevs... please?"

"Ewan ko sayo."

"Kevs, mahal mo naman ako diba?"


Tumingin siya sa akin saglit at bigla napapache.


"Tsk! Yun na nga eh! Mahal kita kaya hidi kita kayang matiis. Ano? Nasaan na ang hug ko?!"




Napangiti ako at agad na niyakap siya sa baywang. Sayang lang talaga tong baklang toh.





"So ano bang maipaglilingkod ko saiyo aber?"


"Kevs, meron ba tayong rooms dyan?"


"Oo. baket?"


"Pwede ba kong makitulog dito? Babayaran ko naman, promise. Hanggat hindi pa ko nakakahanap ng bagong malilipatan."




***




Dumaan ang mga araw na dito ako sa club namamalagi. Mahirap man dahil kinakailangan kong magtrabahaho ng doble. Lalo na't matatapos na naman ang isang taon ng pag aaral. may mga pagkakataon na hindi na ko nakakapasok ng isangdubject dahil sa puyat ng pagtatrabaho. Gabi na magsasara ang club kaya naman kinakailangan ko pang piliting gumising para sa paggawa naman ng mga assignments t projects ko. Cramming.




Nakakainis pa dahil kulang kulang ang materials sa project ko dahil narin sa kulang sa pera. At hindi sapat ang pagsayaw ko ng tatlo hanggang limang oras sa club. Kinakailangan ko na ng panibagong raket. Raket kung saan mas kikita ako ng malaki. Kung saan mas makikinabang ako.




"Yan. yan'g pumasok na matangkad na maputi."

"Oh anong meron dyan?" tanong ko kay Ethel, kapwa dancer ko sa club.

"Gwapo noh?"


"Oo alam ko! Hindi ako tanga."

"Makinig ka na lang kasi! Madalas kasi yan dito. Palaging nagoorder ng babae yan dito! At dapat yung magaling."


"Magaling saan?"

"Sa kama." Napatingin agad ako kay Ethel. "Ang laki daw magbigay ng tip yan!"


Napatingin muli ako sa tinutukoy ni Ethel.



"Diba kailangan mo ng pera? Edi magpatira ka na. At least paglabas mo, may pera ka na. Sayang din yan noh. Ang laking isda pa naman yan."



Napalunok ako.



"Dalian mo na! Mukhang kanina ka pa nya minamata eh!"



Nakita ko nga yung pagtingin nung lalake dito. Medyo katandaan na siya. Matangkad at syempre, maputi. Lumapit na ko sa table kun nasaan siya.



"Hi, mukhang magisa ka lang ha?" bungad ko.

"Oo nga eh."

"So.... pwede ba kitang samahan? Yun lang naman kung gusto mo." malandi kong sabi.



Tinignan nya ang dibib ko at agad na napangisi.



"Gusto ko yan."



Nagusap usap kaming dalawa. Kumbaga, landian. Hanggang sa umabot sa puntong malaya ng nakakapaglakbay ang mga kamay nya sa kung saan saang parte ng katawan ko.



Sa simula, ngulat ako ng himasin nya ang hita ko, "Puti ha? Mukhang alaga sa lotion."

"Yan naman ang gusto mo diba?" nagkagat labi ako.


Napakagat din siya ng labi.




Inakbayan nya ko. Nakahinga naman ako ng tanggalin nya ang kamay nya sa hita ko. Pero mas nbigla ako sa sunod nyang ginawa; hinawakan nya ang dibdib ko.



Kahit kailan wala pang nakakahawak nyan. Mliban na lang kay brylie.



Brylie?



"A-ano ba!" Angal ko at napatayo naman ako sa kinauupuan ko.



Hindi ko alam kung bakit. Naalala ko lng si Brylie na galit at kinamumuhian ako noon dahil sa pagiging ganito ko, ayoko na agad. Kahit na alam kong matagal na kaming wala, siya at siya parin ang gusto ko. Siya at siya parin ang mahal ko. Ayokong magpahawak dahil alam kong magagalit siya. At ayoko mangyare yun.



"Bakit? Okay ka lang?" Natatawang tanong ni Calvin.


"Walang nakakatawa. Ugh, makaalis na nga."



Pero bago pa ko makaalis ay agad na nya kong hinila sa braso at pinaghahalik-halikan ang leeg ko.



"A-ano ba! Lumayo ka nga!" tinulak ko siya.

"Ano bang problema mo? Kanina lang kung landiin mo ko, para kang pusa eh. Tapos ngayon pinapalayo mo ko?"


"Alamin mo sana pagkakaiba ng kanina sa ngayon kaya lumayo ka sa akin!"




Nanigas ako ng lumapit siya sa akin, "Kailangan mo ng pera diba?"


Oo.


"Sumam ka lang sa akin, solve na yang problema mo. Hindi mo na kailangang magpakahirap. Kailangan mo lang naman galingan sa kama. At pag ako nasiyahan, ibibigay ko kahit magkano."



Tinitigan ko siya sa mga mata. Si Brylie, Uriela. Isipin mo na lang kung anong sasabihin nya--nila--pag nalaman nilang hindi ka lanh pala dancer sa club kundi babaeng kaladkarin narin. Babaeng nagpapagamit ng katawan, babaeng nagbibigay ng aliw.




"Sayo na yang pera mo dahil a-yo-KO!"




Aalis na sana ako ng higitin mya ko sa braso na sobrang nagpairita sa akin.



"A-NU-BA! BITAWAN MO NGA KO!"

"Pagkatapos mo kong akitin, bibitinin mo ko? You just can't leave me hanging here, babe."

"Babe mo mukha mo!" Pinalo ko siya sa mukha. "Ang tigas ng mukha."

"Hindi mukha ang matigas sa akin. Yung alaga ko, kaya magpatira ka na! Ngayon lng!"


"Ano ba!"




Hinalik-halikan nya ang leeg ko. Shet na malagkit! Ano ba toh! Hindi man lang ako binalaan ni Ethel na may astang asong hindi matae ang lalakeng toh. Nakakainis!




"Bitawan mo sabi ako!"


At dinuraan ko siya sa mukha na nagpatigil naman sa kanya. Pero nagulat ako sa sunod myang ginawa; sinampal nya ko.




"Wala kamg modo ha!" Dinuro nya ko.



"Excuse me," Ani ng isang boses. "Do we have a problem here?"




Nakita ko ang likod ng lalakeng pumagtina sa aming dalawa ni Calvin. Laking gulat ko lan kung sino yun. Likod palang, kilalang kilala ko na. Anong ginagawa nya?




"Binayaran ko yang dancer niyo. Pero ayaw nyang sumayaw para sa akin. Dinuraan pa ko sa mukha! Kausapin mo nga yan!"


Nakita ko ang paghilid ng ulo nya sa akin pero hindi siya direktang tumingin sa akin.



"I'm sorry Sir. Isosoli na lang namin ang bayad niyo."




Pagkatapos nun ay hinawakan nya ko sa bisig at hinila paalis sa lugar na iyon. Lumabas kami ng club. Ito na siguro ang pinakahihintay na pagkakataon ko. Yung pagkakataon na makakausap ko narin siya pagkatapos ng ilang buwan. Sobra ko siyang namiss. Gusto ko siyang yakapin pero....tsk.




"Bakit mo ginawa yun?" Pumamaywang siya.

"K-kailangan ko kasi ng pera. Sabi ni Ethel, malaki daw siya magbigay. Pero nagbago na naman yung isip ko lalo na ng... maalala kita eh.."

"Hindi iyon."


Napatungo ako sa kanya, "Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit mo dinuraan ang customer mo?"




Limang minuto bago ko maintindihan angsinabi nya.




"A-anong ibig mong sabihin?" Naiiling kong sabi.

"Anon ibig kong sabihin? Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Dapat hindi mo ginawa yun. Because in the first place, you are an employee here and he's the customer. And your duty is to give him the service he wants from you!"


"So ako pa ang mali?"


Napangisi siya, "Yes. Salamat naman at nakuha mo."


"Brylie, hindi mo ba nakita?! Ako yung hinarass ng lalakeng iyon! Pinipilit niya kong makipagtalik pero obvious naman na ayoko!"

"You should have told him from the start! Uriela, please remember that you were the first one to approach. Sabi mo nga, kinailangan mo ng pera hindi ba? Kaya ang sabihin mo na ang sarili mo rin angdahilan kung bakit nangyare iyon. Don't put all the blame on him! Blame it all to yourself!" Sigaw nya.


Hindi ko alam pero nagulat ako sa pagtataas nya ng boses sa akin. Kahit kailan hindi nya ko pinagtaasan ng boses. Masungit siya, oo. Pero hindi ganito. Hindi umaabot ang paguusap namin ng ganito.



Nangingilid na ang mga luha ko.




Napahilamos siya sa panga nya.



"Bakit ka ba ganyan B-Brylie?"

"Anong ibig mong sabihin?" Matigas nyang tanong.


"Hindi ba halata? Nasasaktan ako. Nasaktan ako ng sampalin nya ko. Pero imbes na ako, siya pa ang inalala mo?"

"Its because he's the customer."

"Pero ako yung mahal mo!" Tumulo na ung luha ko na agad ko namang pinunasan. "Hindi ko tinuloy kasi iniisip kita. Iniisip ko yung sasabihin mo. Mahal kita, alam mo ba yun?"



Naghihintay ako ng reaksyon nya pero wala. Wala..



Naglakad na siya pabalik sa loob. Pero tinawag ko siya, hindi man lang siya lumingon. Kaya hinubad ko ang takong ko at hinahis sa kanya. Tumama naman ito sa likod nya kaya napatingin siya sa akin.



"Brylie!--"


"Damn it Uriela! Get over it! Get over me!" Sigaw nya. "Kung mahal mo ko, hindi mo sana ako sinukuan. Hindi mo sana ako sinaktan. Yan nararamdaman mo ngayon? Mas triple pa ang sakit ng naramdaman ko. Kaya wag kang umiyak dyan dahil wala kang karapatan."

"Brylie naman---"


"Don't you also remember, Uriela? I'm your boss here. So you don't have any right to call me by my name."


"Bry-"


"Isa pa, Uriela. At hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka."




Bumagsak ang mga balikat ko, kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Habang siya ay bumabalik papasok ng club.




***




"I'm sorry Uriela pero hindi ka makaka-graduate. Marami sa subjects mo ang nabagsak mo at incomplete pa. Isa narin sa dahilan ang number of absents mo. I'm sorry.."





Habang nagsasalita ang valedictorian ay nakadungaw lang ako, galing sa labas. Hindi ako naka graduate. Yun lang yun. Ang bigat lang sa loob lalo ng pag naaalala ko yung mga pagihirap ko para pang makatapos. Pero hindi pa pala dito lahat ng yun. Mas mahirap pa pala ito sa inaasahan ko.



Agad naman akong lumabas ng mags start na yung pinakahuling part. Dumirecho na lang ako sa club para matulog dahil buong gabi na naman akong magtatrabaho.



Pero pagkabalik ko ng club ay nakaayos ang mga damit ko sa isang bag.



"Kevs? Ano toh? Bakit nandito ang mga gamit ko?"

"Eh... pinaayos kasi sa akin eh.."

"Nino? Pinaayos para saan?"

"Eh... inutos kasi sa akin na sabihin sayo na umalis ka na raw. Hindi ka na daw kasi pwedeng magstay sa taas.."

"A-ano? S-saan naman ako tutuloy neto?"

"Eh yun na nga yung sinabi ko eh. Pero ayaw nya talaga... I'm sorry girl.."


"Sino na nagutos sayo?"




Tumingin siya sa akin at kinahat ang daliri nya na parang nagaalinlangn.



"Si Sir Brylie."




***



Nasa lbas lang ako ng club buong gabi. Hinintay ko ang pagdating ni Brylie. Naiinis ako. Nagagalit ako. Wala siyang karapatang tanggalin ako sa trabaho at dito sa club! Hindi nya ba talaga ako naiiintindihan?



Nang may pumaradang kotse ay agad nmana akong napatayo. Pumunta ako sa driver's seat at agad naman siyang bumaba.




"Why are you still here? Did Kevin already mention it to you?"

"Oo."

"Good. Here," May nilabas siyang tseke at binigay sa akin. "Take it. Yan na yung suweldo mo para sa buong buwan."



Aalis na sana siya ng ihagis ko sa kanya ang tseke.



"Ginagago mo ba ko brylie?!" sigaw ko. Napatingin naman siya sa akin. "Hindi mo ko pwedeng tanggalin sa trabaho! Kailangn ko ng trabaho! alin ba doon ang hindi mo maintindihan?!"


Humugot siya ng malalim na buntong hininha at napahawak sa baywang nya.



"Now that I graduated, I changed the qualifications of the club's policy. Tinatanggap na lang namin ngayon ang mga college graduate at iibahin narin namin ang club. So we need to fire some employees."

"At kasama ako doon?"

"Yes." ngumisi siya. "Do I still need to explain?"


Aalis na sana ulet siya ng itulak ko siya. Doon ay nagulat siya at humarap sa akin ang iritado nyang mukha.



"Neknek mo Brylie!" sigaw ko. "Ang sabihin mo nabi-bitter ka parin sa akin! Kasi sinukuan kita! Kasi sinaktan kita! Kaya mo ko tinanggal at pinaalis kasi gusto mong gumanti!"


"What--"


"Kilala mo ko Brylie! Sa simula palang pinakita ko na sayo kung sino at ano ako. At alam kong alam mo na kailangan ko ng trabaho. Pero dahil sa namgyare, gusto mo kong pahirapan! gusto mong gumanti, diba?! Diba?!"



Nagigting ang bagang nya.



"For your information Uriela, hindi iyon ang rason." Aniya. "Hindi kita ginagantihan. Hindi ako nabi-bitter sa nangyare. Walang kinalaman ang paghihiwalay natin noon dito."


"Hah. Ayaw mo lang umamin kasi hanggang ngayon mahal mo parin ako. Ayaw mo lang yun aminin sa sarili mo kasi takot kang malaman na hanggang ngayong nagpapakatanga ka parin sa babaeng nanakit sayo. Totoo naman diba? Nakakahiya yun. Kasi sa ating dalawa, ikaw ang mas magmumukhang mahina." Nangingisi kong sabi.



Lumapit siya sa akin. As in sobrang lapit na halos maamoy ko na ang pabango nya. At naaamoy ko rin ang galit na nararamdaman nya ngayon.



"Wala kang alam, Uriela." Aniya. "At nagkakamali ka."


Pinagmasdan nya ko.




"Kayo ni Juro. Yung nangyare sa inyo. Oo, nasaktan ako. Na halos nagalit ako hindi lang sayo pati sa sarili ko dahil sa pagpapakatanga ko sayo. Pero laking pasalamat ko rin dahil doon sobra akong nasaktan at naggawa ko ring magising sa katangahan ko."


Nanlaki ang mga mata ko.


"Tama nga si Lolo. Dadating din ang panahong na matitignan narin kita ng wala na kong nararamdaman pa."




Nalaglag ang mga paningin ko ng umalis siya. Pero bago siya umalis ay naramdaman ko ang malamig nyang presensiya sa likod ko. At ang pagdampi ng mainit nyang hininga sa leeg ko-sobrang lapit nya.





"Akala ko ikaw na. Akala ko iba ka. Akala ko mahal kita. Pero lahat ng yun... ay akala ko lang pala."



________



Looong update!



Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingWhere stories live. Discover now