Chapter 46

10.4K 132 48
                                    

Chapter 46









Katabi ang bag ng mga damit at mga sapatos ko, ay nakaupo ako sa may terminal ng bus. Hindi rin alam kung paano at bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Siguro dahil sa wala narin akong ibang mapupuntahan?




Bukod sa galit, inis, lungkot, at puot na nararamdaman ko dahil sa mga kamalasang nangyayare ay hindi ko lubos inakalang karamihan sa mga dating akin ay nauwi lang sa pagkawala.


Yung mga kaibigan ko.


Yung mga totoong nagmamalasakit sa akin.




Napailing na lang ako at napangisi. Siguro mas gugustuhin ko pang plastikin ako kaysa sa sobrang silang nagpapakatotoo na halos layuan na nila ako. Mas gugustuhin ko pang makasama ang taong plastik kaysa sa mawalan ng kasama.



Pero mgayon, kahit plastik, wala narin eh.



Ano ba?



Nagkakaubusan na ba pati mga taong mahilig magbalat-gayo?




Napahilamos na lang ako ng mukha at pinanuod ang mga taong hindi magkanda ugaga sumakay ng bus o di naman kaya may nga sariling business sa buhay. Eh ako? Saan naman kayo ako ngayon pupulutin neto?



Wala na nga kong mga kaibigan.


Pati bahay at trabaho, wala narin!



Ang lupet nga naman ng buhay. Nakakainis. Nakakagalit. Nakakatamad mabuhay!




At isa lang naman ang rason ng lahat ng toh eh; si Brylie. Ang buhay ay parang isang malaking connect-the-dots. Nagumpisa kay Brylie hanggang sa sunod-sunod na ang kamalasang nagaganap sa buhay ko.



Pero pati ba naman puso ko kailangang paglaruan? Pwede bang excempted na lang yung puso ko at bumalik ulet tayo sa umpisa?



Nakakita ako ng magsyotang umiinom ng kape. kung magngitian sila parang nasa commercial lang ng kape.



Nakaramdaman naman ako ng bitterness sa sarili ko. Minsan na nga lang ako magmahal, kailangan ko pa bang masaktan? Sa katunayan nga nyan dapat hindi na ko masaktan kasi matagal na akong nasasaktan. Immune na ko sa mga ganyang kaartehan. Pero ano bang meron at bakit kay Brylie pa ako mas sobrang nasaktan?



Lalo na yung katotohanang hindi nya ako pinakinggan at pinaniwalaan. Yung pinagmukha pa nya sa akin kung gaano ako kadukha at kadesperada.



Ganoon ba nya talaga ako kinamumuhian?



Kung ganon, pwes. Quits lang kami. Kung kinamumuhian nya ko, mas triple pa doon ang kamuhiang nararamdaman ko sa kanya ngayon.




"Humanda ka sa akin Brylie Arevalo!"




***




Brylie's POV





Months and months passed andfinally, I graduated. There are alot of changes and i am now trying to be more proffesional. Hangga't maaari, ayoko muna ulet ng commitments. Ayoko ng mga bagay sa kung saan pwedeng magdrift ang atensyon ko.



Pagkatapos ko kasing maggraduate ay palagi na kong nasa office ni lolo tuwing umaga. Trying to be familar with his crews and staffes and how would I run the company.



At tuwing gabi naman ay pupunta akong club para asikasuhin ito. Toph and I had a plan. Ire-renovate namin ang buong place. That includes why I fired Uriela. Walang kinalaman ang break up namin or ang bitterness na nararamdaman ko sa kanya. Like what I said, I'm trying to be more proffesional.


Kung ano mang meron between sa amin ni Uriela, that's all in the past.



"Lolo," Tawag ko sa kanya. "Hindi pa po kayo nakakapagbihis?"


"Nahh," binaba nya ang kape nya. "I'm planning to stay. Because I'm letting you handle the company alone. Para naman mas mahasa ang skills mo and you could find your own way on how to run the company."


Ngumisi ako, "Okay Lolo."


"Oo nga pala, okay na ang visa mong papuntang New York." Aniya. "After your training here, you'll immediately turn down to New York and start to manage our company there."


Nagulat ako. Agad-agad?


"Po?"

"Why? Are you not ready yet?"

"Hindi naman po. Hindi po kaya nabibigla lang kayo at hahayaan niyo kong i-handle ang kumpanya natin doon?"


Ngumisi siya at tinapik ako sa balikat, "I trust you enough para gawin yun. And besides, I wouldnot let you manage it kung wala akong tiwala sayo diba?"


Natawa na lang din ako at napangiti.



But really? Ilang weeks na lang ang training ko sa conpany so meaning, linggo na lang din ang nabibilang at pupunta na kong New York?



Malaking oportunity narin ang binibigay ni lolo at masaya ako at pinagkakatiwala nga ang company namin doon. Pero bakit may parte sa akin na ayaw ko?



Dahil ba sa ayaw kong iwan ang lugar na ito o ayaw kong umalis dahil sa isang tao?



Napailing na lang ako sa naiisip ko.




***




Nasa kwarto ako at nagla-laptop. I viewed someof our pictures nung graduation. Ang saya lang ng araw na iyon. Yung malaman mong lahat ng pinagpaguran mo, may kwenta sa dulo.



Pero nung graduation, isa parin ang usap usapan ng lahat; Hindi naka-graduate si Uriela.



Inisip ko nung una, bakit? I pity her and I wanted to show how I cared for her.


Pero ayoko. Piniigilan ko hanggang sa kaya ko. Because the best way not to get your heart broken is to pretend you don't have one.


Napahalongbaba na lang ko lalo na ng maalala ko ang paguusap namin ni Uriela ng gabing din yun ng graduation.



When she said that she loved me.



I almost cried. Gusto ko rin sabihin yung nararamdaman ko. Pero imbes na yun ay iba ang lumabas sa bibig ko. I hated her for what she and that Juro did. Chismis lang pero mas nagalit ako sa mga nakita kong photos. I feel offended.



I don't want to get my heart broken, so I broke her heart instead.


Selfish man pakinggan but I've had enough. She broke my heart and rejected me many times. Sa anong dahilan? Napagod na siya.


At ako? Tao rin naman ako katulad nya na napapagod. Ayoko siyang sisihin, pero siya naman ang nagbigay ng dahilan kung bakit ako lumayo. Kung bakit kami lumayo.



I want to forget all about her.

I want to forget all the memories we've shared.





I just want to forget and pretend that Uriela Islao didn't exist at all.




***






Uriela's POV





Dumaan ang ilang linggo at mas humihirap ang sitwasyon ko. Nakitira lang ako sa isang salon. Kinapalan ko na ang mukha ko tutal wala din naman akong choice.



Sobrang strikta nung napagupahan ko. Mas strikta pa kay Manang. Pero infairness, sa tuwing binubulyawan nya ko ay si manang ang naaalala ko. Kahit papaano, nami-miss ko siya.




"Oy Uriela!" tawag sa akin nun isang parloridta na si Kaye.

"Ano?"

"Meron pang mga gupit na buhok dito oh." Sabay turo. "Ano ba? Nagwalis ka ba o naglaro?"



Hindi na lang ako kumibo. Tutal wala akong pera ay sabi ko na lang ay ako na lang ang maglilinis sa salon nila. kaya lang may mga panget talaga sa mundo na nagpapadagdag hirap sa role ko dito sa storyang ito.



Agad ko namang kinuha ang walis at pandakot. Nagwalis ako.



Walis lang ako ng walis hanggang sa hindi ko sinasadyang mawalisan ang bagong cutix na kuko sa paa ni Kaye.



"Ay engot! Tignan mo ginawa mo oh! Ginulo mo yung kyutex ko!"


"Pasensiya na."

"Anong pasensiya na?! Tanga-tanga kasi eh! Layas nga! Nababalahura ako sayo."



Sinunod ko na lang sya dahil kanina narin ako nababalahura sa kanya. At pag ako hindi nakatiis, baka mahiya siya sa mga katrabaho nya pag nakita nya ang gagawin ko sa kanya.



Pagkaalis ko ay agad akong dumirecho sa bahay ng naging dahilan kung bakit ako nagkandamalas-malas ngayon---kila Brylie.




Madalas narin akong tumambay dito sa labas ng bahay nila. Hindi para makiusap. Kung hindi para maglabas ng sama ng loob. Sa tuwing nakatingin ako sa bahay nila ay kung anu-anong kasuklam-suklam na bagay ang lumalabas sa isip ko.



Kita mo Brylie? Eto. Eto ang ginawa mo sa buhay ko.




Hanggang ngayon hindi ako naniniwalang tinanggal mo ko sa trabaho dahil sa kailangan niyo lang. Tinanggal mo ko dahil sa isang malaking rason-yun ay dahil hanggang ngayon, mahal mo parin ako pero natatakot kang aminin sa sarili mo yun.



Pero wala na akong pakielam kung mahal pa nya ko o hindi.




Mga pangiinsulto at hirap man ang dinadanas ko ngayon pero ito lang ang tatandaan niyo---Brylie at lolo Ricardo at sa mga taong nanghusga sa akin---dadating ang araw na magkikita-kita tayo. Hindi ko lang kayo papantayan, lalagpasan ko pa kayo.




***





After 6 years....





"Maam Uriela?"



Narinig ko ang boses ng katulong na tumatawag sa akin kaya naman umahon ako at nakita ko siyang hawak hawak ang phone ko.




"Maam Uriela, tumawag po si Sir."

"Ganun ba? Osige. Pabayaan mo na dyan yan. Aahon narin ako."


"Okay maam."

"And please?"

"Ano po yun maam?"

"Paki-ready nung susuotin ko and I'll be back in a few."



Um-oo naman siya at agad na umalis. Umahon ako at tinuyo ang buhok ko gamit ang towel and wore my bathrobe. Kinuha ko naman mula sa lamesita ang mango shake ko at umakyat sa room ko to get a shower.



Pagkatapos kong mag-shower ay nakita ko na na nakahanda ang damit na pinahanda ko kay Mathelma. Pati narin ang sapatos at ang purse na gagamitin ko ay nakahanda narin.



Good.



Umupo ako sa harap ng salamin and fixed myself. I wore the 24 karat gold necklace he gave me when it was our first anniversary. I also wore the bracelet, na galing pang italy na pina-customize pa nya with my name embended on it.



After appyling 5th layer of lipstick, I stood up and examined myself on the mirror. Ang ganda mo Uriela. Ang pinagkaiba nga lang, mas gumanda ka pa ngayon.




"Uriela?"



Napalingon ako sa pinto ng marinig ko na ang boses nya. Napangisi ako at kinuha ang purse sa kama. Saktong pagbukas ko ng pinto ay nasa labas na siya.



He observed me and he smiled. Napangiti rin naman ako. Hinawakan nya ko sa baywang at hinalikan sa pisngi.




"I called but you didn't answer." Aniya.

"Nags-swimming kasi ako non, hon. I'm sorry." Hinawakan ko siya sa baba. "I'll make it up to you."

"Promise?"

"Promise." Ngiti ko naman.



Bumaba na kami and we got into the car. Pagkatapos nyang buksan ang makina ay sumulyap pa siya sa akin.




"You're so pretty, hon." Bati nya.

"Syempre, magpapakabog ba ko? I want to be the prettiest woman in your 57th birthday, hon. Para sa akin lang ang mata mo."


Hinawakan nya ko sa baba, "You would always be the prettiest."




He leaned and kissed me---on the lips. When he pulled away, I smiled and he smiled back before we went off.



Napatingin ako sa singsing ko sa may ring finger and adjusted it.


Yes. I am Uriela Islao-Miller.




And I am married.




***




OMG. Wag sana kayo maguluhan. Yehey!




Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon