Chapter 8

16.5K 151 21
                                    

Chapter 8







Nagsisimula na kong mang-init sa ginagawa nya. Hinahaplos haplos ko na siya sa dibdib nya. Halik lang ang ginagawa namin. Pero it really turns me on. It really makes me want more from him.



Pero ilang sandali palang ang nakakaraan ng bumitaw na siya at itulak ako ng mahina.




Nagulat ako sa ginawa nya. Naka-poker face lang siya not showing any expressions.




"I hope you're already contented with that." matigas nyang sabi at naglakad na siya palabas ng cottage.




Nagulat ako sa mga biglaang nangyare. Pero hindi ko kayang hindi maiwasang mapangiti sa nangyare. Napahawak ako sa labi ko. Sumandal ako sa may lamesa doon at inalala ang lahat. Inalala kung gaano ka-lambot ang labi nya... It WAS fun.







Dumaan ang mga araw na namamalagi kami dito sa San Berlin. Buong araw lang kami nagpho-photoshoot. Minsan sa iba't ibang lugar. Iba't ibang bikinis. Iba't ibang make-ups.




Mas lalo naman kaming naging close ng crews especially Vinz. Nalaman kong nag-aaral pa siya. At nalaman ko ding single siya. At least hindi madadagdagan ang mga haters ko.




;)




"That's really incredible Uriela. Baket naman wala ka pang boyfriend?" tanong nya. Nasa cottage kami at nagpapahinga dahil katatapos lang namin magphotoshoot. "Wala sa itsura mo ang walang boyfriend. When I first saw you, there's no doubt na may mamay-ari na dyan sa katawan mo. Sayo."




"We could just not judge the book by it's cover." sabi ko. Ngumuso naman ako nung nakita ko si Brylie na umupo sa tabi ni Andeng. "Oo nga eh, kahit nga rin ako nagtataka."




"If I'm not wrong, marami kang manliligaw sa maynila?"




Tumng ako. "Oo. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko ha? Pero marami."




"Pero baket wala kang boyfriend ngayon?"



Napatingin ako kay Brylie. He's looking at me. Pero may kinuha siya at dun na lamang hinuha ang atensyon.




"Hindi ko alam. Siguro dahil wala akong gusto sa kanila." I scoffed. "At nagkataong ayaw sa akin ng taong gusto ko."




At sa oras din na yun, biglang tumingin sa akin si Brylie.




"Ouch naman." komento ni Andeng.




"Yeah. That's life. Life is unfair, ya know?" ngumiti ako sa kanilang dalawa, considering Brylie. But he just stared at me in return.




"Pero I am Uriela Islao. At nabuhay ako para di matalo."




And with that, I left the cottage after I gave him my undesirable look.








Sa ilalim ng net sweater ko ay ang two piece ko. Black two piece at white net sweater. Tapos ikinalat ko ang buhok ko. Hot.




Gabi na. Tutal kailangan din naming magpahinga ay napagplanuhan nila Jun na mag-campfire kami malapit sa dagat. Naisip ko na magandang plano yun kaya naman punayag kagad ako.




Palabas na ko. Isinara ko ang pinto. Pero nagulat ako bigla sa nagsalita di kalayuan sa akin.




"Saan ka pupunta?" si Brylie. Napatigin ako sa kanya mula paa hanggang ulo. Sinpleng white tshirt lang at shorts, ang pogi parin nya. Why? Hindi tulad ko na kailangan ko pang mag effort para mapansin nya.




"Sa labas. Magc-campfire." aalis na sana ako kasi mukhang wala na naman siya sa mood at ayokong masira ang mood ko dahil sa kawalan nya lang ng mood (whut). Pero hinatak nya ko.



"Nang ganyan lang ang suot?" tanong pa nya while observing me.




"Eh ano naman sayo?" tanong ko. "Alam mo, ilang beses mo na pinupuna yung damit ko. Now, it's my trun to ask you this. May isang beses ba na nahumaling ka din sa akin dahil sa suot ko?"




Nakatingin lang siya. Sht. Wag kang makipagtitigan sa akin. Hindi kita mabasa.




"Hindi mo ba napapansin? Para sayo kasi lahat ng toh. Itong pagpapa-sexy ko. Pagpapakita ko ng balat. Hindi ko man lang alam kung kahit minsan nagandahan ka sa akin eh. Tsk." dismaya ko. Hindi ko alam kung saan ko nahalukay ang buong lakas ko para masabi ko lahat ng toh sa kanya.



He's so dense. Too dense.




"Hay wag mo nga kong tignan n ganyan. Wala kong time makipagtitigan sayo. Kung hindi ka naaakit sa akin, fine. Wala akong makukuha sayo." inirapan ko siya at nauna na kong lagpasan siya bago na naman nya ko walk-out an na naman ulet.




Nase strss ako sa kanya. Can't he see? I like him. He's just too much.




Pero like sinabi ko kanina? I wasn't born to lose in any game. I just can't give up on him.



"Wow! Nandito na pala siya eh" sabi ni Jun. Nginitian ko pang sila.




Nagulat pa nga ko n makita kong nandun kagad si Brylie eh. Saan siya dumaan?



Pero napukaw kagad ng atensyon ko ng lumapit sa akin si Cinz to fetch me. "You're really gorgeous, Uriela."




"Thanks." sabi ko na lang at umupo na kami sa buhanginan. Sa gitna ay ang campfire. Tapos nakapaikot kamin lahat. Katapat ko lang si Brylie at apoy lang ang naghaharang sa mukha nya.




Pero hindi ako pumunta dito para maistress lang ulet sa kanya. Forget about him first. Ngayon lang. Isipin ko lang ulet ang sarili ko.



"So tell me Uriela dear, ang sabi sa akin ni Vinz wala ka daw boyfriend? Hmmm." open ni Jun. Natawa naman ako pati narin si Vinz sa tabi ko.



"Im sorry Uriela ha? Natanong kasi ni Jun kanina eh." Vinz.



"Ayos lang." sabi ko. "Oo, Jun. Baket? Gusto mo ba ko?"




"Seriously?! Hay nako! Girls are my nemesis! ayaw na ayaw ko sa kanila! Pwe!" sigaw naman kagad ni Jun na iminatawa naming lagat.



"Eh ikaw naman pogi? Simula nung pumunta kayo dito ni Uriela, hindi ka pa nagsasalita." page-entertain ni Jun kay Brylie.



Nakita kong ngumiti si Brylie, yung ngiting parang nahihiya siya. "You know, I'm not that social person actually."



"Talaga?" sabi naman ni Jun. "Pero ang pogi mo ha! Kita mo ang kinis kinis pa ng balat mo! Alam mo, pwede ka ding mag-model!"



Mas lalo namang nahiya si Brylie. Siguro hindi siya sanay na siya ang center of attraction ngayon. But Jun is right. He's so handsome. Wala namang siyang dapat ikahiya dun.



"Uhm, sorry pero ayoko eh. But thanks to the offer." ngiti nya.




"Eh teka nga, may girlfriend ka ba? Wala kasing nakekwento sa akin si Uriela eh." usisa pa ni Jun kaya naman tumingin si Brylie sa akin.



"Baket ako?! Hindi ka naman nagtatanong eh." sabay ko kagad.




"I don't have actually."




Lahat kami napatingin ulet sa kanya. Nakangiti siya habang nilalaro ang kahoy na hawak hawak nya.




"I'm still waiting for her arrival." sabi pa nya. "But I'm sure, she'll come anytime soon."



Ewan pero napangiti ako sa sinabi nya. Hindi naman sa mag aassume ako na ako yun pero first time ko siyang magshare tungkol sa kung anong nararamdaman nya.



"Eh bakit ka pa maghihintay? Eh nandyan naman si Uriela!"




Napatingin bigla sa akin si Brylie habang may nakaukit na ngiti sa labi nya. Pero nawala ito.



"I hope it's her I have been waiting for. But I don't think I'm not the person who she is expecting to come." seryoso nyang sabi. "And I don't even think if she likes me."



Tae ka talaga!




Dati ko pa nga pinaparamdam sa kanya na gusto ko siya eh. Anyare? Tsk. Nakakapikon talaga ang lalakeng toh.

Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingWhere stories live. Discover now