Chapter 48

9.8K 129 17
                                    

Chapter 48

 Nakatingin lang siya sa akin. Halatang nagulat siya. Kahit ako rin naman nagulat. Sobrang gwapo na kaya niya ngayon. Kung sobrang gwapo niya noon, mas tumriple pa ang kagwapuhan niya sa malapitan. Ito pala ang nagagawa ng pangiibang bansa. Try ko ngayon next time. 

Nakangiti parin ako. Pero hanggang kailan kami magtititigan? Hanggang sa paa na lang ang matira sa amin? 

Pero bago pa mangyare yun ay may babae ng sumigaw mula sa likod ko. "Brylie!"

Napalingon ako. Shet. Sino namang babaeng toh? Dire-direcho lang siya sa paglalakad at nag-'excuse me' pa talaga siya sa akin para makausap si Brylie. Sino ba siya ha? Ha?

Nakita ko ang pagtingin ni Brylie sa kanya. Kung PAANO niya tignan si girl. Maganda naman si girl. Maputi. Sobraaaang puti. Mas maputi pa sa akin. Medyo may katangkara sa akin at ang tangos ng ilong. Ang sexy din niya pero simple lang ang suot niya. Pantalon at long sleeves na parang sweater. 

"Eto na yung pinapadala mo." Sabi nung babae sa kanya.

"Thanks." sabi lang ni Brylie.

"Bilisan mo na magbihis at kukunin ko na yang polo mong namatsahan. Para mapalaba ko narin." Nakangiti niyang sabi.

Nakita ko ang mabilis na pagpasok ni Brylie sa loob ng cr. Tumingin naman sa akin si girl at nginitian niya ko. Nginitian ko din naman siya at agad ng umalis mula sa lugar na yun.

Nakakainis. Malapit na eh. Makakapagusap na sana kami ni Brylie kung hindi lang dumating yung babaeng yun. Sino ba siya? Ano ba siya ni Brylie? PA? secretary? MAID?

Bumalik na ko sa table namin ni Felizardo. Ang tagal ko pala, hindi ko na napansin ang pagtatapos nung opening remarks. Kumakain na ang lahat at nagkekwentuhan. 

"Where have you been?" Tanng sa akin ni Felizardo.

"Sa comfort room lang."

"Akala ko ba may kinuha ka sa kotse?"

"Uhmm... pumunta muna ko doon bago dumaan sa comfort room." Ngiti ko naman. "Gusto mo na bang kumain? Kukuhanan kita?" I changed the topic agad.

"No... no thanks. I'll just go meet my business partner at the other table. Do you want to go with me?" 

"Sure." Ngiti ko naman. 

Hinapit niya ko sa baywang and roamed my eyes. Hindi pwedeng makita ako ni Brylie na ganito. Pansamantala ko munang ililihim sa kanya na asawa ko ang presidente ng kumpanyang kakilala niya. 

***

Brylie's POV

I immediately entered the comfort room. Napahugas ako ng mukha ko and faced the mirror. What the hell is she doing here?!?

Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingWhere stories live. Discover now