Chapter 17

14.6K 160 21
                                    

Chapter 17







Parang mala-fairytale ang panaginip na toh. Panaginip nga ba toh? Ewan. Para akong si Rapunzel at sya ang aking prinsipe na umakyat pa sa mataas na torre para makita lang ako.





Kikiligin sana ako eh, pero taktebg yan!






"Ano bang ginagawa mo dito?! Ginulat mo ko ha! Akala ko kung sinong impakto ang nasa kwarto ko! Tae ka!" tinulak ko siya.




Kahit madilim, nakita ko siyang ngumisi. "I'm sorry"





Napairap ako. Inayos ko naman ang buhok ko. Putek na yan. Di pa pala ako nakakapag-ayos ng buhok. Nakakahiya T^T





"Ano bang ginagawa mo dito?"





"Aren't you glad to see me?"





Lumaki ang mata ko. Syempre naman....nasiyahan ako, mehehe. Pero naiinis ako!




"Ewan ko sayo! Di pa tayo bati! Lumayas ka na nga! Alis!"




Tinulak tulak ko siya. Hanggang sa mapasampa na siya sa bintana.





"Chill! Gusto mo bang mahulog ako dito?"





"Ang gusto ko makaalis ka dito! Wala na kong pake kung anong mangyare sayo! Alis!"




"Hmmm! Uriela ang ingay mo naman!" napatingin ako kay Nessa, si roomie. Parang nagisin ko ata. Tae. Di ko naalala may kasama pala ako dito sa kwarto.




"Sorry!" sabi ko at tiniginan ng masama si Brylie. Love ko siya, oo. Pero naiinis parin ako sa kanya.




Bahala sya duan!





"Ikaw, umalis ka na. Ewan ko sayo" itutulak ko sana siya ng hawakan nya ang kamay kong nasa balikat nya.




"Bago ako umalis,"





"Ano?" napataas ako ng kilay. Ano na naman? Bago siya umalis ano ggusto niya? Kiss? Asus naman!




Bulok na yan eh! Ilang beses ko na yan napanuod. Pero kung gusto noya talaga edi pagbibyan na naten.





:3





"I'll promise to leave, but can I have a glass of water?"









Ang weird ng hiningi niya. Akala ko pa naman, tsk! Sayang!





"Wag kang mag-iingay kundi ibabaon kita sa lupa" bulong ko sa kanya habang palabas na kami ng kwarto ko.





"Ang morbid mo naman" bulong nya sa likod ko.




"Tse!" pagtataray ko na lag. pero nung iniwas ko na ang mukha ko ay napangiti ako.





Kinikilig ako!





Dahan-dahan lang kaming bumaba. Lagot na kasi pag nakita kami ni Manang Gura, makamang, hindi lang mura aabutin ko dun. Papalayasin pa ko nun. Tumandang dalaga kasi kaya hanggang ngayon, butter parin sa lalake. Malay ko, narinig ko lang sa mga babae dito eh.





Ng makaabo kami sa kusina (which is katapat langng kwarto ni manang Gura), nagsalok kagad ako ng tubig sa baso. At doon lan kami, syempre malayo ako sa kanya.




Nakatingin lang ako sa sahig habang hinihintay siyang matapos sa pag-inom nya.





Ang daming tanong sa isip ko, ano bang ginagawa nya dito? Hini pa kami bati hindi ba? Hate parin nya ko pero anong ginagawa nya dio?




"Are you still mad at me?"





Napatingin ako sa kanya. "Ha?"





"For what I said yesterday" aniya.





"So yan ba ang pinunta mo dito? Para humingi ng tawad?"





"Oo," lumapit siya sa akin. Parang nanigas ang buong katawan ko ng dumikit ang katawan nya sa side ko.




Uminit ang mukha ko.





O_O





"Eh nasa saiyo kung papatawrin mo ko" bulong niya. "I know kung gaano ka nasaktan. Lalo na dyan"




Nagmala-kabayo na naman ang puso ko dahil tinuro nya ang dibdib ko.





Wait? Nasabi ko yan ha. Kagabi sa club, yung may kausap ako.





"I'm not telling you to forgive me right away. But I just want you to know that I am very sorry" dugtong pa nya.





Napalunok ako. And at the same time kinakabahan sa katotohanang sobrang lapit nya at humihingi ng tawad.




Ibang Brylie ang kaharap ko ngayon.





Magsasalita sana ako ng may liwanag ang sumilaw sa kusina. Napatingin ako at nagulat kasi na pintuan n kwarto nya si Manang Gura!





Naka-rollers pa sya at may cream sa mukha. Nakakunot siyang nakatingin sa amin. Shet shet shet!





"Oy! Sino ka? Uriela ikaw ba yan?" pasogaw nyang tanong.




Nanigas ako bigla.





"O-opo..." sagot ko.





"Osiya! Magsara ka na dyan at matutulog na ko! Tandaan mo; BAWAL ANG LALAKE HA!" sigaw nya habang papasok sa kwarto nya at isinara na ang pinto.




Nagkatinginan kaming dalawa ni Brylie.









"Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na oh" sabi ko sa kanya habang tinitignan siyang palakad-lakad sa kwarto ko.





Hindi niya ko pinansin. Tinignan tignan niya yung mga gamit namin doon habang nakapamulsa lang.





"Kaninong panty toh?"





"Tae ka!" tumayo kagad ako at kinuha sa kanya yaon at pinaupo muna siya sa kama ko. "Pwede bang pumirme ka na lang dyan?"





"Sorry" sabi niya lang ng walang kaemo-emosyon. Nakakapikon din pala tong lalakeng toh minsan eh



-_-





"Aray!" naring kong bulong niya. Napatingin ako sa anya at nakita kong hawak hawak niya yung ulo niya. Nauntog ata.





Bigla akong napangisi.





"What's so funny?"





"Wala, sunget na naman" bulong ko. Tumalikod ako sa knaya at kunyaring nagliligpit at may inaayos.





"Yan na ba ang pantulog mo?"





Napalingon ako sa kanya. "Oo, bakit?"





Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin... I mean, sa katawan ko. "Do you want me to take advantage of you?"





"H-HA?"





"You're too sexy in my eyes now, Islao. You don't have to be too exposed"




A-ANURAW?




Nakatitig lang ako sa kanya. Gusto ko palagi na kino-complement ako. Pero pagdating sa kanya, nahihiya na ko.





"You're sexy in the eyes of ALL men, not only mine, I mean" dugtong pa nya.




"Uhm wait lang, magpapalit lang ako" sabi ko naman.





Dahil sa sorang kilig ko ay napagplanuhan kong dito na lang magbihis. Nakatalikod ako sa kanya.





Huhubarin ko na sana yung sando ko ng mag rpotesta siya, "W-what are you doing?"




"Magpapalit ng damit" lumingon ako sa kanya t ngumisi. "May problema ba?"





"W-wala" nakita ko siyang umiwas ng tingin at... teka? Nag-blish lang ba siya.





Naghubad na ko. Habang tinatanggal ko ang sando ko ay nararamdaman ko ang init ng kanyang pagtitig sa hubad na likod ko.




Naramdaman ko na lang bigla na may mainit na dumampi sa likod ko. nakita ko si Brylie na nakatakip sa likod ko at hawak hawak nya ang tshirt ko. Saan nya nakiha yun?





"Wear it. Masyado ng malamig dito, baka pasukan ka pa ng lamig" bulong nya malapit sa tenga ko.




It gives me shivers. Tinulungan nya kong isuot yun at humarap na ko sa kanya.





"Thanks" ngiti ko sa kanya na may pagkailang.




Ngumiti din siya sa akin ng may pagkailang din.





"Hindi ka pa ba magpapahinga?" tanong nya agad.





"Ikaw? Hindi ka ba uuwi? Baka hinahanap ka na sa inyo"





"Nakahiwalay ako sa lolo at step-lola ko. So I live by myself now"




"Ahh" sabi ko na lang.





"You better take a rest now. Maaga pa tayong papasok bukas" sabi nya. "And I will not leave you this time"




Napalaki ako ng mata. And bigger when He really meant it.









KINABUKASAN ay napadilat ako. Pagkadilat ko ay.... wala na siya. Magulong kumot lang. Tinatanong niyo kung paano kami nagkasya? Hindi naman siya hukiga. Nakaupo pang siya sa uluhan ko at nilalaro laro ang buhok ko. Kaya agad akong nakatulog kagabi dahil sa kanya.





Pero umalis na naman siya. Galing talaga!






Napaupo naman ako. Pero nagulat ako ng may lumabas sa banyo sa kwarto, kita kong bagong ligo lang siya. Nakapantalon siya pero timutulo parin ang mga tubig sa kanyang buhok at kanyang matipuno na katawan.




"Gising ka na pala" sabi nya lang.




Tapos bigla namang may pumasok sa kwarto, si Nessa.




"Ay gising ka na pala Uriela!" napatingin siya kay Brylie at sa akin ulet. "Makikigamit lang daw siya ng banyo kaya pinagamit ko na tsaka wag kang mag-alala, di ko sasabihin kay Manang gura" at kinindatan nya ko.




Napatingin din naman ako sa hubad pang Brylie.




Ay ngumisi lang siya sa akin.








Vote/Comment/Fan

Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingWhere stories live. Discover now