Chapter 42

11.6K 115 17
                                    

Chapter 42









Isang linggo na ang nakalilipas pagkatapos naming magbreak.


Pagkatapos kong makipaghiwalay sa kanya.


Punong-puno na ko.


Sa buog buhay ko hindi ako ininsulto ng ganun. At sa pamilya pa ng syota ako unang makakaranas ng ganoon. Tangshet lang.


"Hi Uriela!" Napatingin ako kay Madeline na umupo bigla kasama ko dito sa table ko.


"Oh? Anong gusto mo?"


"Ang sunget mo naman! Umagang-umaga! PMS?" bulong niya with matching ngisi pa.


Sinamaan ko na lang siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Napatingin ako sa kabilang dako, kung saan mag-isa ding kumakain doon si Brylie.


"So, kamusta ka naman?"


Napataas ako ng kilay.


"Bilang kaibigan mo, gusto lang kitang kamustahin! Don't think anything maliban doon okay? Wala akong planong masama!"


"At kailan pa kita naging kaibigan?"


"Ngayon lang!" ngisi nya. Nagpahaluong baba siya sa harapan ko at nagpacute. "So tell me, kamusta ka na? Kamista na yang heart mo? Hihi."


"May nakakatawa ba?" Iritado kong tanong.


"Alam mo Uriela, hindi na ko magtatakang affected ka parin hanggang ngayon sa break up niyo ni Brylie."


Napantig ang tenga ko.


"Wag kang mag-alala hon! Lilipas din yan! Hinahanap kita ng boylet na mas gwapo pa kay Brylie! I'm sure makakalimutan mo aad siya at-"


Tumayo na ko at kinalampag ang table na nagdulot ng pagkagulat nya.


"Pwede ba? Wag kang magsalita dyan na parang may alam ka sa nararamdaman ko." Matigas kong tanong. "At wala akong pake sayo."


Agad akong naglakad palabas ng canteen. Pero bago yun ay napasulyap ako sa paroroonan ni Brylie, na ngayo'y hindi na nagiisa. May mga kasama na siya.


Pero ang mas nakakagulat ay, nahuli ko siyang nakatingin din sa akin.


**


Naging usap usapan nga ang break up namin ni Brylie. Pero wala ni isa ang may alam kung sino ang nakipagbreak o kung ano ang dahilan ng breap up namin.


"Uriela!" Nakita ko ang tumatakbong si Jave papunta sa akin, bitbit nya ang alagang skateboard.


"Oy."


"Wow, gothic na ba ang peg mo ngayon?" Aniya.


"Makapal lang ang make up ko sa mata, gothic agad?" sobrang kapal na halos matakpan na ang buong mata ko. Dahil pilit kong itinatago ang dulot ng pagiyak ko tuwing gabi.


"Pinapatawa lang kita."


"Mukha ba kong natatawa?"


"Eh ba't pati sa akin ang sungit mo?" Tanong nya ng nakanguso. "Ayos ka lang ba ha?"


"Oo naman. Mukha bang hindi?"


"Sigurado ka?"


"Ikaw? Sigurado kang gusto mo rin magtanong tungkol sa nangyare sa amin ni Brylie?"


Napakamot siya ng batok. "Eh nag-aalala lang naman ako sayo, Uriela." napatingin ako sa kanya. "Mas lalong mabigat sa pakiramdam pag sinasarili mo yung problema mo. Mas okay parin kung may pagbubuntungan ka o pagsasabihan. At leas nailabas mo diba?"


Napakunot ako ng noo at nakutkot ako ng kuko ko.


"Kaya nga ako nandito eh. Naisip ko kasing baka kailangan mo ng kaibigan." Aniya. "Magkaibigan naman tayodiba? Kahit palagi mo kong sinusungitan?"


Napangiti ako bigla. "Wala na kong choice eh."


Ngumiti narin siya.


"Salamat na lang pero gusto ko munang mapag-isa ngayon." ngiti ko at agad akong tumayo.


Narinig ko ang pagtawag nya sa akin pero bigla-bigla na lang bumuhos ang nga luha ko. Buti na lang ay nakatalikod agad ako. Ayaw kong may makakita sa akin na umiiyak ako. Ayokong magmukhang mahina. Ayokong magmukhang apektado. Ayokong magmukhang sobrang nasasaktan.


Dahil ayaw ko man pagsisihan ang ginawa ko, wala na. Tapos na ang lahat. Sirang-sira na ko.


Ang tanga-tanga ko lang.



**

Nakalipas ng tatlo pang araw, okay na ang pakiramdam ko. Naka-move on na ko. Nakalimutan ko na lahat. Pati na siya. 

Papunta na ko sa classroom ko. Bago ako makapasok ay sumilip muna ko sa bintana, nandoon na siya. 

Napahugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako tuluyang makapasok. Lahat ng mata nasa akin, maliban na lang sa kanya. 

Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingWhere stories live. Discover now