Chapter 75

6.2K 126 15
                                    

Chapter 75

Gabi na. Pumunta kami sa malapit na restaurant, at dahil malalim na ang gabi, kami na lang ang natatanging customer doon.

Napatingin ako kay Feli na tahimik lang na kumakain. Simula ng umalis kami ng opisina, tahimik na sya.

At nahihirapan ako at naguguluhan.

Anong ibig sabihin ng nangyare kanina? Anong ibig sabihin ng sinabi nya?

May posibilidad na, alam na nya lahat.

Pero bakit hindi sya nagalit? Hindi nya ko sinigawan?

"Feli...," ako na ang pumutol sa katahimikan. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Pero halata sa mga mata nya ang lungkot dahil sa pagtataksil na ginawa ko.

"Hmm?" tanong nya. Napatingin sya sa plato ko, at halos di ko magalaw yung pagkain ko. "Bakit di mo man lang ginagalaw yang food mo? Hindi mo ba gusto mo? Gusto mo papalitan na lang natin?-"

"H-hindi..." putol ko sa kanya. "Okay lang ako..."

Napatango sya at ngumiti, "Okay. Finish your food and we'll go." Binigyan nya muli ako ng malambing nyang ngiti.

Pero yug kaibahan lang ng mga ngiting binigay nya sa ngiti nya ngayon? Mas totoo yung ngiti nya noon kaysa sa mga ngiti nya ngayon, dahil ako mismo ang dahilan kung bakit nagbago yun.

Sa condo sana ako matutulog kung hindi lahat nangyare toh, pero sinabi kong sa bahay muna ako ngayong gabi. Hindi na nya ko tinanong kung bakit, at nanatiling tahimik sa buong biyahe.

Nang makapasok na kami g bahay, nilapag ko sa sofa ang bag ko.

Nakita ko si Feli na dahan dahang umaakyat sa hagdanan. Napatingin ako sa kanya ngunit, hindi nya ako sinulyapan.

Sinundan ko sya hanggang sa makaabot kami sa kwarto, at tinawag ko sya, "Feli?"

Napalingon sya at sinabing, "Hmm?"

Binibigyan nya ako ng normal nyang tingin, at yung nakakakonsensiyang ngiti na yun.

"I'm sorry.." yun na lang ang nasambit ko. habang nanginginig ang boses ko. "Alam kong kasalanan ko. Tinatanggap ko lahat ng kaparusahan na ibibigay mo sa akin pero wag naman yung ganto oh. Kasi kung parusa man 'toh maitatawag, hirap na hirap na ko. Nahihirapan ako sa tuwing tahimik ka at nginingitian mo lang ako na parang...na parang hindi kita...niloko.."

Umimpit ang boses ko ng sabihin ko yun at tuluyan na kong umiyak. Pero pilit kong tumitigil dahil ayokong magmukha na namang kawawa at magmukhang nagmamakaawa sa kanya.

"Saktan mo na lang...o sampalin ng paulet-ulet. Sigawan mo ko hanggang sa kaya mo..." napapahikbi na ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong pisngi at pinunasan ang mga luha ko. Mas lalo akong naiyak sa ginawa nya.

"Bakit mo ba toh ginagawa? Bakit ba ang bait bait mo parin kahit sobrang sakit na ng ginawa ko sayo?"

Nakangiti lamang sya.

"You know, sweetheart, that I'll do anything that you want me to do. But not this time. I won't hit you because I can't. I won't hit you just because you hurt me, I won't." umiling sya. "Kung pwede lang sana mawala lahat ng sakit kung gagawin ko yun sayo, baka matagal ko ng naggawa. Pero wala. Lalo lang akong masasaktan pag nakita kitang nasasaktan. Hitting you won't do anything...it won't change anything."

Napapapikit na lang ako sa oras na halikan nya ko sa noo. Tumalikod sya at pumasok ng kwarto.

Masakit na marinig ko yun sa kanya. Pero wala eh. Ako gumawa ako ng dahilan para masaktan din yung sarili ko.

Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingWhere stories live. Discover now