Chapter 18

14.8K 155 20
                                    

Chapter 18







Sabay kaming pumasok ni Brylie. Odiba! Sabay talaga kami! Una nga nag aalangan ako kasi baka mapag-chismisan kami.




Ayos lang naman ako, sanay na naman ako mapag chismisan.




Siya kasi yung pinoproblema ko. Ayokong mapag chismisan siya na may kasamang malanding babae.





"I really don't mind you being with me. As long as I don't violate rules, It's fine with me" yun lang ang sagot nya.




Naka-pantalon din ako ngayon pero off shoulders parin ang suot ko. Hindi nya ko pinilit, ako talaga nagkusang magpantalon. Konting respeto lang para kay Brylie.





Naglakad na kami s hallway ng makita kami ni Madeline. Gulat na gulat pa siya na magkasama kami ni Brylie.





"What is this Brylie? Bakit mo kasama yang impaktitang Uriela na yan?" tanong ni Madeline with matching big 'O' pa ang bibig.





Susugurin nya sana ako ng si Brylie na ang humarang sa kanya. Nasa likod nya ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa mahigpit nyang pagkakahawak sa kamay ko.




"Madeline, who are you calling 'impaktita?' Uriela? Well, she's not." sbi ni Brylie. "You may see her differently but she looks... perfectly gorgeuous today."




At tumingin siya sa akin. Nag-init ang mukha ko sa sinabi nya. Napaiwas na lang ako ng tingin.




"So may you excuse us, please?" sabi ni Brylie at dumaan na kaming dalawa.





Nagkatinginan kaming dalawa ni Madeline pero nginitian ko lang siya. Pagkarating namin ay agad siyang bumitaw sa kamay ko. Huminto narin ako kaya napalingon siya sa akin.





"Mauna ka na Brylie, may community service pa ko eh" sabi ko.




"Ha? Di ka pa ba tapos dyan?"





"Oo. Na-extend kasi ako dahil nga dun sa nangyare" sabi ko naman. Pumamulsa na lamang siya.




"Okay." sabi na lamang nya. "Take care" at umalis na siya bit ut ang bag nya.




Nung makalayo na siya at tumalikod ako, bigla akong napatili. Ako lang naman ang mag-isa dito kaya tumili ako bigla!



"Sabay kaming pumasok ni Brylie! Hah! Wala ka ngayon Madeline! In your face!"





Sigaw ko habang tumatawa.









PURO basura ang mga nililigpit ko ngayon. Sa ground floor na ko at tinatali ang mga garbage bags. Kaya naman tinadtad ako ng pawis ngayon at umaalingasaw na rin sa akin ang amoy ng mga basura.





May mga estudynte narin,break na kasi kaya yung iba nagbabaan na.





"Ugh!" binagsak ko sa poob ng basurahan yung mga garbage bags. Yan na ang huli.





"Are you done yet?" napalingon ako bigla kasi may panyong nalutang sa tabi ng mukha ko.




Di ko alam galing pala sa kanya yun, kay Brylie.





"Malapit na" sabi ko naman.





"Okay. I'll wait" sabi mya. Napatingin ako sa likod nyang naglalakad papunta dun sa isang table at umupo dun kaharap ko.




Dati rati ayaw niya ko na makasama kahit breaktime. Pero siya ngayon ang naghihintay sa akin at pawang gusto na nya ko makasama. Napangiti na naman ako ng palihim.









PAGKATAPOS ko sa com. service ko ay sabay kaming nag break ni Brylie. Nilibre pa nya ko!




"Sabi naman kasing ako na lang ang bibili ng pagkain ko" sabi ko.





"It's okay. Just save your money" ngiti naman nya.





So kumain na ko ng kumain. Kain ng kain pati rin siya.





"Wala ka bang ibang raket ngayon?" tanong nya out of nowhere.




"Wala pa naman, baket? Gusto mo ulet sumama?" ngumisi ako kaya naman napangisi din siya.





"Kung okay lang sayo?"




Ngumiti na lang ako.





"I'll find you a job" aniya kaya naman napatigil ako sa pagkain.




"Ha?"





"You don't need to stay there forever. Kung ayaw mo naman na ako ang magpa-suweldo sayo, ako na lang ang maghahanap sayo ng trabaho."




"Teka nga! Ayos na naman ako sa trabaho ko. Bat kailangan mo pang maghanap ng trabaho para sa akin?"





"Kahit kailan, pwedeng may mangyare sayong masama. I don't want you to get hurt" sabi nya ng seryoso.




"Sige. Ayoko ng isipin na concern ka sa akin-"





"Bakit ayaw mo? Kung yun naman talaga ang totoo?" aniya. Kaya naman nahulog bigla sa bunganga ko yung nginunguya ko. Nagulat din naman siya.




"Sorry sorry! Uhm, nakakahiya naman" sabi ko ng tinatapon ko yung nginuya kong pagkain.




"Ayos lang" ngiti naman nya at binigyan nya ko ng tissue at tubig.




"Uy may she-share ako. Nung sang gabi sa bar, akala ko ikaw yung kausap ko. Ang dami nya kasing alam tungkol sayo. Di ko nga alam kung totoo pinagsasasabi nun eh" kwento ko sa kanya.





Humalong aba naman siya at nakangiting nakinig sa kwento ko. "Ano daw sabi?"




"Nagseselos ka daw kasi kaya ka nagalit sa akin nun! Hahahaha!"




"Talaga?" aniya.





"Oo! Akala ko talaga ikaw yun. Siya nga din nag-uwi sa akin. Hidi ko lang naalala yung mukha nya pero feeling ko gwapo yun eh" pinalo ko pa siya sa kamay kaya napababa ang braso nya at sumeroso ang mukha.





"Talaga? Mas pogi pa sa akin?"




"Hindi noh. Mas pogi ka pa nga dun eh" sagot ko bigla. Kaya nung mapagtanto ko na yun ang sinabi ko, napatingin ako sa nakangisi nyang mukha.




Tumayo na siya agad nun at kinuha ang gamit nya.





"Lika na? Sabay na tayong umakyat" Bat ba sobra akong naaapektuhan? OMG




Vote/Comment/Fan

Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingWhere stories live. Discover now