Chapter 83

3.8K 121 11
                                    

Chapter 83

Brylie's POV

"Uriela, Uriela...please, listen to me," Hinawakan ko ang pisngi nya. She tried to open her eyes pero patuloy parin ito sa pagsara.

Nakarating na kami sa hospital, and she was on a stretcher. I can already see blood between her legs, at mas lalo lang akong kinakabahan sa bawat paglipas ng segundo. I held her hand tightly, so tight that no blood can even flow through her veins, but I want her to know that I'm here and I won't leave her no matter what happens.

Tumatakbo ako at dalawa pang nurse na tumatawag ng doctor. Si Bayag nasa likuran ko and he's also trying to encourage Uriela.

Pumasok kami sa isang delivery room at dumating narin ang doctor. "Anong nangyare sa pasyente?" tanong nya sa nurse.

"Magl-labour na po yung pasyente. Pumutok na yung waterbag nya pero hindi pa po nya kabuwanan," report ng isang nurse.

"Okay. Ihanda niyo na mga kailangan kong gamit, at oobserbahan pa natin sya." sabi ng doctor.

Agad naman akong naglakad papunta sa doctor, "Anong mangyayare sa kanya? Anong oobserbahan niyo pa sya? Can't you see? She needs you to do something!"

Kinakaa ako ni Bayag sa likuran ko habang paatras naman kaming naglalakad palabas ng delivery room.

"Huminahon po muna kayo. The patient will be under observation first before we perform the operation. Maaaring maging premature ang isisilang niya, and there will be risk factors na pwedeng mangyare sa pasyente."

"At sa baby?" hinihingal kong tanong.

"We dont know yet. But first, kailangan niyo munang huminahon habang ginagawa namin ang operation." aniya.

"Please, do everything you can do para maging ligtas ang mag-ina ko, please," I cant believe that nagmamakaawa ako sa kanya ngayon at sa kanila ako umaasa ngayon.

Tumango na lamang sya at pumasok na muli sa delivey room.

I was pacing back and forth infront of the delivery room. Gusto kong pumasok sa loob. Gusto kong malaman kung anong nangyayare doon. Hindi ako mapakali, and this is all my fault!

Dinikit ko ang ulo ko sa pader and I punched the wall. My lip turned into a thin line when I felt the blood rushing through my knuckles and it fucking hurts. Parang naghahalo yung pakiramdam ng galit at sakit hanggang sa hindi ko na malaman kung ano ba talagang nararamdaman ko.

"Arevalo, kumalma ka nga," worry is evident on his voice.

Napakagat ako ng labi, "Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyare sa kanila."

"Kaya nga kumalma ka muna."

Napailing ako, "Dapat nasa loob rin ako. I dont want to just fucking seat here, without knowing any clue to what was actually going on inside. Napakawala kong kwenta. Kasalanan ko lahat ng toh."

Pinagpunas ko ng luha yung kamay ko na isinuntok ko sa pader habang padulas na umupo sa sahig.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, Arevalo."

"Ako lang ang dapat sisihin dito. Kung hindi ko sya pinilit na sabihin kay Feli lahat, hindi dapat nangyare toh. Kung nakinig lang ako sa gusto niya...wala sana sya sa loob," humikbi ako.

Bumuntong hininga si Bayag, "Wala kang kasalanan. At alam din ni Uriela na wala kang kahit anong kasalanan dito. Inisip mo lang kung anong tama at dapat.'

Napailing ako, "Parang pinatunayan ko lang din na minsan walang magandang naidudulot yung paggawa mo ng tama. Just like what you've said, ginawa ko lang ang tama. At ngayon, nasa loob ng kwartong yan ang asawa ko."

Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon