Chapter 86

3.6K 104 16
                                    




Chapter 86

Uriela's POV

Napababa ako ng phone ko. Hindi ko alam kung bakit biglang napuno ng luha ang mga mata ko.

Ang dati kong asawa, ang mabait na taong tumulong sa akin noon, at yung parehong taong kinamuhian ko.... naghihirap at nagdudusa ngayon.

Napaupo ako sa kama habang nakatakip ang bibig ko, pinilit kong pigilan yung nga hikbi ko.

Pero mukhang nakatunog si Brylie na may nangyayare sa akin dito.

"Uriela? Bakit.. bakt ka umiiyak? Anong nangyare?" Unupo sya sa tabi ko.

"Si Feli, brylie..." naiiyak kong tugon. Tinulak nya ang ang ulo ko papunta sa dibdib nya para patahanin ako. Pero agad akong tumingin muli sa kanya. "May..may tumawag sa akin. Tumawag yung...yung nag-aalalaga kay Feli.."

"Nag-aalaga? Bakit? Anong meron? Shh shh," tinanggal nya sa mukha ko yung nagkalat ng mga strands ng basang buhok sa mukha ko.

Bumuntong hininga ako, "May cancer si Feli. Stage 4."

Mukha namang hindi nagulat doon si Brylie. "Shh shhh, wag ka ng uniyak."

"Hindi Brylie...hindi ko kayang hindi umiyak para sa kanya." napatakip muli ako ng mukha, at naramdaman ko ang kamay nya sa hubad kong likod.

"Hindi kaya masyado nang maraming beses kang umiyak dahil sa kanya?" dahil sa sinabi nya napatingin ako sa kanya. "You've had enough. I don't want to see you crying because of him again."

"Brylie, hindi naman toh katulad noon eh," iyak ko.

"I know. But my point is, he doesn't deserve this. Hindi mo sya dapat kaawaan, hindi mo sya dapat iyakan dahil sa simula't sapul, sya ang dahilan kung bakit ka naghirap," aniya.

Napatigil ako sa pagiyak. Hindi dahil sa tama yung sinabi nya, kung hindi dahil parang mali ang sinabi nya.

Napailing ako bigla, "Naririnig mo ba ang sarili mo?"

Medyo nagulat naman sya at narealize ang sinabi nya, "What I mean is,.." bumunton hininga sya. "Sa lahat ng mga ginawa nya, sa lahat ng pananakal at pangb-blackmail nya, sa tingin mo ba dapat mo pa syang iyakan?"

Tumango ako, "Oo. Kasi napatawad ko na sya."

Nagulat sya sa sinabi ko, "Imposible yang sinasabi mo. Tatlong buwan palang nakakaraan yon, you just can't forget that easily, and pretend like nothing's happened!"

"Brylie, hindi ako pretensosya. Inaamin kong nagalit ako sa kanya, pero lahat ng yon, lumipas na."

Tumayo maman sya at nasa parehong baywang nya ang mga kamay.

"Napatawad ko na sya, Brylie."

"Kasi napaniwala ka ng nurse na tumawag sayo na may sakit talaga yang ex husband mo? Ganon?"

Kahit medyo naaapektuhan ako ng mga salita nya, pinili kong wag makisabay sa galit nya. Nanatili akong nasa puwesto ko at nakakapit sa tuwalyang nakabalot sa katawan ko.

"Matanda na sya. Sa tingin mo ba, sa kalagayan nya, may iba pa bang syang magagawa?" mahinahon kong tanong.

"Hindi naman yon yun," bumunton hininga din sya at parang pinipigilan din nya ang inis nya. "Ang ibig sabihin ko lang, sa lahat ng mga ginawa nya, I don't think he deserves your apology yet."

"Nasaktan din naman sya. Sa katunayan nga nyan, tayo ang unang nanakit sa kanya."

Napatingin sya agad sa akin. At wala na syang iba pang nasabi doon, dahil mukhang naisip nya rin na tama ang sinabi ko.

Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon