Chapter 76

5.5K 114 18
                                    

Chapter 76

Nang tuminginsya sa gawi ko ay agad naman akong umiwas ng tingin at tumingin kay Mary Anne na nonstop na nagkekwento kung gaano mukhang diyos si Brylie.

"Hmm, halika? Doon tayo sa loob ng kweba, baka ma-heatstroke tayo dito. Hayaan muna natin sila magtrabaho," ngiti ko sa kanya at tumayo. Ramdam ko na sibusundan ako ng tingin ni Brylie pero pinilit ko ang sarili ko na wag syang tignan pabalik.

Kahit sa loob ng kweba ay abot ang tubig gunit mabato at madulas. umupo ako sa isa sa mga bato at nanatili lamang doon.

Halos kahalating oras na kami doon at naiinitan na ako. Hindi ko na macontain yung init at parang gusto ko na lang lumusong sa tubig.

Pinupunasan ko yung mga pawis ko sa braso at leeg ng mapatingin ako kay Brylie na nasa harapan ko na pala. At umiinom sya ng tubig.

"Gusto mo ng tubig?" aniya at binigay ang tubig nya.

Napatingin muna ako sa mga tao, pero mukha namang busy sila.

"You know, you don't have to worry if anyone catches us drinking from the same bottle and thinks beyond what it's look like. I'm just being kind and considerate to give you my drink because I know how hot it is," aniya. "At kung pinagaalala mo, wala tong ibig sabihin."

Napatingin ako sa bote at sa kanya, sa bote at sa kanya. Di na ko nagdalawang isip at kinuha ko ito at uminom.

"Take it." aniya.

Tumango na lang ako.

Napapunas ako sa leeg ko at binuhasan din ito ng tubig.

"If you want, maligo ka sa dagat. Malamig pa naman ang tubig," aniya.

Napatingin ako sa kanya. "Okay lang.."

"Pero mukhang hindi. Alam mo sobrang init at baka matagalan pa tayo dito,"

"Bakit ba ang tagal? Kailangan lang naman kumuha n litrato at pwede na tayong pumunta sa iba pang destinasyon."

"It's not that easy." Ngisi nya. "Maligo ka na kung sobra ka ng naiinitan. Nakikita ko na yang pawis mo sa leeg mo."

Bigla naman akong nailang dahil hindi ako makapaniwalang pinagmamasdan nya ang leeg ko kanina pa.

"Hindi naman ako sigurado kung safe dyan eh.."

"It is. Kasi kung hindi, they will not allow us here."

"Natatakot ako."

"Tubig lang yan."

"Wala akong kasama."

"Edi sasamahan kita."

Napatigil ako sa sinagot nya. Tinitigan ko sya at tinaasan ng kilay na parang tinatanong ko kung seryoso sya.

Ngumiti lang sya, "Dito. Dito lang ako, habang lumalangoy ka. At least you won't feel alone anymore."

Umupo sya sa kung saan ako umuupo kaya naman napatayo na ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko magsiswimming sya kasama ko. Ano na lang iisipin ng mga tao pag nakita nilang lumalangoy kami ng kaming dalawa lang??

Tumango na lang ako, "Okay."

Hinubad ko yung net shirt ko habang nakatalikod sa kanya, at sunod na hinuba ko ang short shorts ko kaya naka 2 piece na lang talaga ako.

Bago ako bumaba ay inalalayan nya ko sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko dahil nga baka madulas ako sa mga bato.

Isinawsaw ko yung paa ko at naramdaman ko na agad yung lamig na hinahanap ng katawan ko kanina pa. Yung magpupuna ng uhaw sa katawan ko kanina pa.

Brylie's Story: Akala Ko (KathNiel) on goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon