CHAPTER 10

5.5K 136 24
                                    

ALYSSA

Pagkatapos namin kumain sinabihan kaagad ako ni Kiefer na mag-ayos na. Sabi niya dadalhin niya ako sa isang isla, siguro yun yung sa blue rock na sinasabi niya sa akin. Bukod pala sa resort na to may isla din na naka private property at kay Kiefer daw yun nabili niya few months ago lang.





"Ly? Tapos ka na? Hintayin kita sa labas ha. Bring extra towel." Sabi ni kiefer.
Tinignan ko ang dala kong bag at chineck kung may nakalimutan pa kaming gamit ni Kiefer. Ang sabi niya baka mag-overnight kami doon.




Lumabas na ko at nakita ko siya kausap si Karen at Rick sa tabing dagat.





"Grabe! Talaga si Mam oh! Ang sexy niyo po talaga." Sabi ni karen pagkalapit ko sakanila.







"Ikaw talaga napakabolera mo. Huwag kang mag-alala may pasalubong ako sayo kapag umalis ulit ako." Sabi ko sabay ngiti kay karen.





"Si Mam talaga, pero totoo naman po ang sinasabi ko ang ganda ganda niyo po talaga." Sabi pa niya.






Hindi ko napigilan na tumawa. "Kief? Hindi pa ba tayo aalis? Binobola na ko nito ni karen eh." Sabi ko kay Kiefer.





"Wala akong employees na bolera, Babe." Sabi niya sabay hawak sa waist ko. "Paano, Karen and Rick kayo na muna ang bahala dito ha. Kapag may malaking problema doon niyo lang ako puntahan alam niyo kung saan kami pupunta ni Alyssa." Sabi niya sa dalawa.





"Nako! Nakakahiya naman pala, pasensya na kayo ha nangako kasi sa akin tong boss niyo na igagala niya ako dito. Ayan tuloy nadagdagan pa ang trabaho niyo." Sabi ko na medyo nahihiya, mukha kasing marami silang ginagawa ngayon sa resort nahiya tuloy ako.





"Mam! Wag kang mag-alala sa amin dito kaya namin to, mag-enjoy po kayo ni Sir." Sabi ni rick at ngumiti sa akin, ayan na naman ang dimples niya ang cute cute talaga.




Gumapang ang kamay ni kiefer at nasa tiyan ko na to, "Tara na, Babe! Para mas marami kang time na maligo pa." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko.




Kanina ko pa napapansin si kiefer kanina pa nakahawak sa waist ko, tinapik ko ng mahina ang kamay niya giving him a warning pero ang magaling na lalaki mas lalo lang hinigpitan ang yakap sa akin.




"Let's go, Babe. Para mas magtagal ka pa sa dagat." Sabi niya sa akin sabay hawak sa kamay ko at inalalayan na niya ko papunta sa bangka.




"Mam Aly, for sure po ma-eenjoy niyo doon sa isla, mas maganda po ang dagat doon mas triple ang linis." Sabi sa akin ni Rick tapos nauna na siya sa bangka at inayos ang mga gamit namin.







Sabi sa akin ni Kiefer 3 days daw kami doon sa isla. Inalalayan ako ni kiefer pasakay sa bangka hindi ko napigilan na kabahan. Umupo na ko at si Kiefer kinausap ang bangkero mas lalo akong kinabahan ng lumayo siya sa akin. Umandar na ang bangka at mas lalo na kong kinabahan ng sobra.





Sanay ako sa dagat pero sa pagsakay ng bangka ay hindi ko kaya kahit nung bata pa ako palagi akong nakakandong sa Papa ko kapag sumasakay kami sa bangka.





"Kief?" Tawag ko pero dahil sa ingay ng makina nito hindi niya ko marinig.





"Kiefer?" Sinubukan ko pa ulit pero busy na siyang nagbibigay ng instructions sa bangkero.





Pinunasan ko ang pawis ko sa noo at ramdam na ramdam ko na ang panlalamig ng mga kamay ko. "Shit!" Nasabi ko na lang.





"Babe?" Tawag ko pa sa kanya ng mas malakas kanina. Para naman akong nabuhayan ng loob ng lumingon siya.





Dreams Into Reality (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon