CHAPTER 6

4.9K 146 29
                                    

———

ALYSSA

"Wake up sleepyhead it's time for our lunch, I'm hungry Alyssa. Maawa ka sa tyan ko."

"Hmm. No mamaya na. I'm still sleepy." Sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

"Ang bango bango mo naman." Sabi ko sabay yakap ng mahigpit.

"That's my natural scent, babe. I'm glad you like it." Sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

"What's your perfume? I'll buy you a better one, ipaalala mo sa akin ha." Sabi ko sabay ngiti. "I'll sleep na." Sabi ko pa.

Tawa naman ng tawa si kiefer.

I woke up with a smile on my face, ang ganda ng panaginip ko hindi kami nagtatalo doon ha. Tapos nagtatawanan pa daw kami hindi din siya nagsusungit.

I hug the pillow tight. Sobrang sarap ng tulog ko. Simula ng lumabas yung issues ngayon na lang yata ako nakatulog ng ganito kahimbing.

Napamulat ako ng naalala kong magkasama pala kami ni Kiefer kanina.

"Teka, nasan ako at nasaan siya?"

Tumayo ako at napansin kaagad ang picture frame na nasa bedside table, family picture ni Kiefer. Ang ganda ganda ng Mommy at ng kapatid niyang bunso tapos mahahalata mo talagang close sila sa isa't isa ang cute nila.



Pinagpatuloy ko na ang paglabas ang daming kwarto gusto ko sanang puntahan yung sa veranda pero nakasarado yung door. Pinasya ko na lang  na bumaba at pumunta sa livingroom. Past 2pm na pala.





I don't know kung nasan akong lugar hindi ko namalayan na napasarap pala ang tulog ko sa car ni Kief. Sana naman nasa Pilipinas pa din kami.




Tinungo ko kaagad ang bintana para sumilip sa labas nung una puro puno ang nakikita ko and then I saw a beach.




"OMG! Am I in paradise.? Ang ganda, ang ganda ganda."




"Oh my gosh! Finally! Fresh air. Thank you so much, Kiefer." Matagal ko ng gustong mag-beach kaso sa sobrang busy ko wala na talagang time. I really love beaches, laking tabing dagat ako dahil na din sa parents ko at sa bahay namin dati na malapit na malapit sa dagat.




Pinuntahan ko ang kitchen pero wala pa din doon si kiefer kanina pa ako nagugutom. Pinasya kong lumabas at mas lalo akong namangha sa nakita ko. Sobrang ganda ng resort na to, pati ang mga cottages tapos ang pinakamagandang Villa itong tinulugan ko. Tinahak ko ang daan pababa para makaapak na ko sa buhangin.



Naglakad pa ko tapos tinanggal ko ang slippers ko at hinayaan na ang paa ko ay mahaplos ng buhangin.


"It's been a while. I feel like I am home." Sa isip ko sabay ngiti ng matamis.




Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now