Chapter 61: Love love love

21.6K 225 6
                                    

Nic's POV

"I know, I know.. Huwag nyo na ako inggitin, as much as I wanted to come to your wedding, I can't.. Like there's no way I'm gonna make it on time.." Sintimyento ni Caroline habang ka- video call namin sya sa skype ni Jared.

"Kasi naman! Ang sabi mo last year, may check up ka lang, tapos susunod ka pa kamo sa Tagaytay! Pero wala, hindi ka na ulit nagparamdam.." Sabi ko sa kanya habang pinipilit tanggalin ang kamay ni Jared na unti unti ng naglilikot sa hita ko. Nasa bahay ko kasi kami, dito na din sya nakatira, at nagtatabi kami pero walang nangyayari. Isang beses lang namin ginawa ulit, yun yung hindi natuloy ang kasal namin ni Markus, tapos nun ayoko na. Wala lang, hindi naman sa nag- iinarte ako pero parang ganun na nga din! Wahaha!

"Kasi nga di ba, that's the day that I found out na the cancer is gone na.. Sorry na bawi ako sa pag- uwi ko okay. Alam nyo naman na pag- travel lang ang nakakapagpasaya sakin, feeling ko nga dahil dito kaya ako tuluyang gumaling." Nakangiting sabi ni Caroline. Ang ganda nya talaga. Bumalik na ang dating kulay ng mukha nya. Hindi na sya maputla at nagkakalaman na ulit sya.

"O sige promise mo yan ha! Pag- uwi mo dito lilibot tayo agad!" Naikiling ko saglit ang ulo ko dahil inaamoy na ni Jared ang gilid ng leeg ko. Bahagya ko sya naitulak, "Jared ko namaneh!" Nakakahiya naman kasi kay Caroline, nakikita nya kaya kung gaano kadikit itong si Jared sakin, dahil napapansin kong nangingiti sya kanina pa at parang nagpipigil tumawa.

"Hahaha! Alright, I think its time for me to end this na, kanina pa naglalambing yang isang yan sayo, Nic. Pagbigyan mo na kasi! Hahaha!" Panghaharot ni Caroline.

"Bye Cline, see you soon." Biglang sabi ni Jared sabay harap ng laptop sa kanya. Nang nakita ko na ieend na lang nya basta ang tawag ay pilit akong sumingit para makakaway man lang ng paalam kay Caroline.

"Eto naman di pa ko nakakapag- babye man lang!.." Sita ko sa kanya pagkatapos.

"Ang tagal nyo na magkausap mahal, naiinip na ako." Simpleng sagot nya sabay lean forward sa akin para makanakaw ng halik. Naiiling na umiwas naman ako bago pa ako mapahiga. "Tsk." Palatak ni Jared ng mapansin ang pag- iwas ko. Patuloy pa din sya sa paglapit sakin. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung hanapin mo ako at sabihin mong ako ang pinipili mo. Parang nabuhay ulit ako.."

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon