Chapter 5: Excused

23.9K 298 7
                                    

A/N: Jared>>>>>>>>

Nic's POV

"J-jared.." Utal utal kong sabi habang nakayakap sya sakin. Hindi ako makagalaw sa higpit ng yakap nya. Sa panaginip ko lang to pinapangarap at di ako makapaniwalang ngayon mismo nangyayari na!.. Parang may sariling isip ang mga kamay ko na marahang hinagod ang likod nya. Ramdam ko na umiiyak pa din sya dahil yumuyugyog ang mga balikat nya. Mabuti na lang at may klase pa kaya walang ibang tao dito sa garden. At mabuti nasa tagong parte kami kaya may dumaan man, hindi kami makikita.

Parang pinipiga ang puso ko sa pag- iyak ni Jared. Ang akala ko, basta suplado at matigas lang sya. Pero hindi ngayon. Maya maya ay naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap nya sakin.

Tumalikod sakin si Jared na parang kinakalma angsarili tsaka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Tsaka muling humarap sakin na nakakunot ang noo. Tiningnan nya muna ko bago nagsalita. "Did you hear everything?.."

"Ha?.. Ah.. Eh.." Paputol putol kong sagot. Baka kasi magalit ulit dahil nag- eavesdrop naman talaga ako.

"Never mind. What are you doing here anyway?" Sunod nyang tanong. Napayuko ako. Hindi ko matingnan ng diretso si Jared.

"Sinundan mo na naman ako?.."

"K-kasi.. Nag- alala ako baka maabutan ka ni ma'am na wala sa room, mapapagalitan ka.." Rason ko. "T-tsaka eto oh.." Sabi ko habang dinudukot sa bulsa ko ang phone nya. "Pinulot ko.. Sosoli ko na din sana sayo." Inabot ni Jared iyon tsaka binulsa. "Sayang naman kasi magagawa pa yan gumagana naman pero basag lang talaga yung salamin. Siguro sa pagkaka balibag mo kanina, tsaka.. Ay!.."

(#o#)

"Ang daldal mo. Lika na." Putol ni Jared sa sinasabi ko tsaka ako hinatak pabalik ng classroom. Namamalikmata namang nakatingin lang ako sa kamay ko na hawak hawak nya.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon