Chapter 25: Suitor

22.2K 240 11
                                    

A/N: Markus again!! ;p ------------------

Markus' POV

Same building kami ni Bri. Sinadya ko na parehong course ang kunin para classmate ko sya kahit sa ibang subjects lang. Kanina ko pa sya kinukuwentuhan pero halata naman na di sya nakikinig sa mga sinasabi ko. Yung atensyon nya kasi na kay Jared na naman. Tulala lang na nakatingin sya sa dalawa. Di ko na alam gagawin ko para ako naman ang mapansin nya.

"Bri ano kaya, lumabas tayo minsan? Yung alam mo na, yun tayong dalawa lang sana.. Kasi palagi na lang tayong grupo lumalabas. Pwede ba?"...

Pero nanatili syang di sumasagot. Kung may malalaglag siguro na bomba sa harapan nya tsaka lang nya mapapansin na may iba pala syang kasama. Pero di sya tatakbo ha, magugulat lang sya tapos tititig lang ulit kay Jared at Caroline. Tsk. Bad trip.

"Bri liligawan kita ha. Pag di ka pa sumagot ibig sabihin pumapayag ka na." Pananantya ko sa kanya at baka sakali pag ganun usapan bumalik sa reyalidad ang isip nya.

Pero tulala pa din sya.

Nakakainis! Ano bang meron si Jared na wala ako? Tiningnan ko yun karibal ko. Ayun, masyado ang dikit at abot ang bulong kay Caroline. Mas maputi lang sya sakin pero alam ko mas gwapo ako. Bat ba di makita ni Bri yun. Tapos nagulat ako biglang nagtama mata namin ni Jared. Tch. Sarap upakan. Baka akala pa nya gusto ko talaga sya tingnan! Bumalik ang tingin ko kay Bri. Hindi na ata kumukurap tong isang to eh. "So Bri ano na?.. Pwede ba?" Pangungulit ko sa kanya. Pumitik ako sa harapan nya at sa wakas! Gulat pa talaga sya tsaka ko lang nakuha ang atensyon nya. "Calling Bri to earth?.."

"H-huh? A-ano nga ulit yun? Ano sabi mo?" Takang tanong nya.

"Tch. Kanina pa ko salita ng salita dito eh." Naiiling na sagot ko. Nag aksaya ko ng laway wala naman akong napala.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon