Chapter 8: Friends

21K 240 2
                                    

 A/N: Nic>>>>>>>>

Nic's POV

Kasalukuyan na kaming nakahiga ni Jared sa bed ko. Queen size ang kama ko kaya kahit magkatabi kami, parang magkalayo pa din sa laki ng pagitan namin, dulo't dulo. Nakatihaya kami at parehong nagpapakiramdaman lang. Sakit ng paa ko natalisod pa ko kanina nun binili ko lahat ng gusto nya sa 7-11. Tuwang tuwa naman ako dahil sa isang iglap nagkatotoo lahat ng pinapangarap ko. Hmm.. Sabagay ang pangarap ko lang naman si Jared. Sya lang wala ng iba. Sa pagkakalapit namin ngayon, dapat marealize nya na ako talaga ang babaeng para sa kanya.

"Jared?.." Baling ko sa katabi ko.

"Hmm?.." Sagot nya na di tumitingin sakin.

"Antok ka na?.."

 

"Bakit?"

"Watch muna tayo movie, sige na.. Di pa ko antok eh. Tsaka bihira lang ako magkaron ng kasama dito oh.."

Umupo si Jared tsaka sumandal sa head board ng kama. Nakamaang lang na nakatingin ako sa kanya.

"What? Asan na yun papanuodin?" Sabi ni Jared ng mapansing di ako kumikilos.

"Di ka naman kasi sumagot!.. Teka hanap ako ng magandang dvd." Bilis kong tayo pero pinigilan ako sa braso ni Jared.

"Ako na. San nakalagay?.." Napangiti naman ako. Yiieee sweet na sya sakin, ayaw nya ko mapagod. :) "Kunin mo na lang yun ice cream ko sa baba tsaka panik mo na din yun chips na binili natin kanina. Dalian mo bago pa magbago isip ko." Taboy nito sakin.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon